Chapter 2: #AssumerangLyna

2.9K 124 16
                                    

Salamat po sa mga nagbabasa. Lab yu!

Chapter 2: #AssumerangLyna

ention a user
"Erion?!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa personal ang nilikha ko lamang sa libro. Naramdaman kong unti-unting lumamig ang paligid o baka naman nilakasan nila ang aircon? Bahagya kasi akong gininaw o gininaw talaga ako.

Hindi agad ako nakakilos dahan-dahan akong tumingin sa kanyang malamlam at parang inaantok niyang mata. Sa akin siya nakatingin! Titig pa lang nakakatunaw na at...nakakasindak. Iyan ang signature look ni Erion sa kwentong Phantasm.

Dumako ang tingin ko sa pinulot niyang libro. Ang Phantasm. Pero napakurap ako nang mapansin kong umuusok ang mga kamay nito. Ano iyon? Sa lamig ba kaya siya umuusok?

"Kilala mo ako?" nagtayuan ang buhok ko sa batok nang magsalita siya gamit ang malamig at mababang boses.

"Ha?" 'Di agad nag-function ang utak ko sa puntong iyon. Malamang kilala ko siya.

"Bakit kilala mo ako?" naging nakakatakot na ang boses niya at humakbang pa papalapit sa akin. Doon ako nagulat at nagising sa katotohanan. Nahigit ko ang aking paghinga habang sinasalubong ang tingin niya.

OMG! Hindi siya pwedeng magpakilala na siya ang writer ng libro. At saka nahihibang na ba ako? Imposible naman mabuhay ang characters ko sa libro. Baka naman nagcocosplay siya? O avid fan ko.

Wow, A for effort para kay Kuya. Nag-effort pa talagang mag-costume at gayahin si Erion. Gusto ko tuloy i-suggest kay Mr. Meneses na magkaroon ng cosplay event para sa kwento ko. For sure mananalo itong kalokalike ni Erion.

Pagkuwan ay lumunok ako at matapang na hinarap ang lalaki. "K-Kasi kapareho mo si Erion sa kwentong ito eh. Tama, ganyan din siya manamit at pati ang hitsura niya," sabi ko sabay dampot ng libro mula sa stall.

Pakiramdam kong pinapanuod ako nito sa ginagawa ko. "Hehe, siguro fan na fan ka ng kwentong ito nu?" Pati ang mga tao doon ay napapatingin sa lalaki. Kakaiba naman kasi ang pananamit niya at hitsura.

Bumaling si Erion kuno sa hawak niyang libro at tinitigan. Du'n ko na pasimpleng tiningnan ang lalaki. Humanga ako sa convicing costume niya. Suot niya ang fitted na black pants na gawa sa balahibo ng hayop na gaya ng sa kwento. Ang brown na boots na may konting takong tapos may symbol pa ito na tulad ng symbol ng Utopia. May makapal na snow coat siya na gothic ang disenyo. May kapang pula at gloves sa kamay ang suot niya. Erion na Erion talaga! Iyan ang damit ng mga snow benders na sinulat ko sa libro.

"Gusto kong makita ang sumulat nito." nalipat ang tingin ko sa lalaki na seryosong-seryoso sa sinabi niya. Wala kang mababakas na emosyon sa mukha niya. Hindi na rin ako nabigla dahil lahat ng readers ay gusto akong makita.

"Pero walang nakakakita sa kanya. Hindi siya nagpapakita sa publiko," sabi ko. Bumuga siya ng malalim na hininga at sa bibig nito'y may usok na lumabas. Kumunot ang noo ko at umiling-iling. Namamalik-mata na naman ako.

Muli siyang tumitig sa mga mata ko at mariing sinabi, "Gagawin ko ang lahat para mahanap siya. Mahahanap ko siya." kinilabutan ako sa dating ng sinabi niya. Parang iba...medyo nakakatakot at nakakailang. So creepy.

Hindi ko na namalayan na tumalikod at naglakad na siya palayo bitbit ang librong Phantasm. Gusto ko sana siyang habulin para magtanong at magselfie. Pero naunahan ako ng hiya at kaba baka sabihin feeling close ako.

"Hayyy..." tumalikod na rin ako. Sino kaya siya? tanong sa isip ko. May pakiramdam akong may kakaiba sa kanya. Ito na nga ba ang sinasabi ko masyado na akong addict sa mga Fantasy. Ang hirap talaga ng sitwasyon ko pakiramdam ko niloloko ko ang fans ko sa 'di pagpapakita. Iyon ang nakalagay sa kontrata eh at kailangan ko ng simulan ang book two.

The Goldenhand's Pen #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon