Chapter 6: #AlphoTheMagician

2.4K 115 27
                                    


enjoy reading po
follow me here in wattpad para updated ka.

-----

The thing is.

I tried to wrap my mind around was happening, but I couldn't do it. I knew this wasn't a dream. I had imagination but I could never dream up something this weird.

Erion, the Naugthy triplets, soul reapers and Alpho. They are real! My characters are alive and now, they are chasing us.

"Arayy!" spell tanga. Ang tanga tanga ko ngayon pa ako natapilok kung kailan nasa ikaapat na palapag na kami. Napatigil kami sa pagtakbo dahil namilipit ako sa sakit ng paa ko. I can't walk I think.

Napahilamos ng mukha si Charles. "Kahit kailan talaga!" inis na sambit niya.

"Teka nga bakit ba tayo tumatakbo? At ginusto ko bang matapilok. Kainis," mangiyak-ngiyak kong turan. Wala ba siyang care sa'kin?

"Nagtatanong ka pa? Kita mo na nga hinahabol na tayo ng reapers mo," aniya sa mahinang boses. May mga estudyante kasing bumababa at tumatakbo sa hagdan siguro ayaw niyang may makarinig sa kanya.

"So, totoo nga sila? Hindi ko sila hallucination? T-Tama ba?" Eh kasi sabi niya reapers so, nakikita niya rin ito.

Bumuntong-hininga siya at inis na tumitig sa akin. "Nasaan ba talaga utak mo? Don't you get it? That soul reapers are hunting us!" Gets ko na. Gets ko na nauubusan na siya ng pasensya pero hindi talaga ma-gets ng cerebrum, cerebellum o ng hypothalamus ko ang lahat.

"Pero paano naman nangyari iyon? Bakit--"

"Oh shut up! You think I have a time to explain? What a Seaweed brain." Ano raw? Seaweed brain? Kota na ito sa panglalait ah. Tinalikuran niya ako at mabilis na naglakad.

Hinabol ko siya at sinigawan. "Ano gusto mo magtatalon ako sa tuwa dahil for the record, Gosh! I met them, the soul reapers. A shinigami from a book. Geez, gusto kong magpa-autograph yey! Magdiwang!" I said with full of sarcasm. I'm really mad at him. Nagmumukha akong tanga dito at sinabihan pa akong shunga, makupad, seaweed o iba pang laman-tubig.

He stopped and faced me. Pumikit siya ng mariin at dumilat. "Okay fine. Ipapaliwanag ko sa'yo lahat pero bago iyon kailangan muna natin lumayo o paalisin ang reapers para 'di pa sila makapaminsala. You know your characters well so I bet you know how we get kill those bastards!"

Sumulyap ako sa isang bintana na katabi lang namin at natanaw ko doon ang tatlong soul reapers na lumilipad-lipad, Ugh, malamang hinahanap kami. Muli akong humarap sa binata na hinihintay ang reaksyon ko.

I nodded, "Sige." Tapos ay nag-umpisa na ako bumaba sa hagdan at sumabay sa paglalakad ko si Charles.

"Sa kwento, namamatay ang soul reapers sa tubig. Tama, sa tubig." One time sa story ko nilabanan ni Alpho ang reapers gamit ang tubig. Pero saan naman may tubig dito sa school?

"Sa swimming pool!" Charles bursted out. Okay, iniisip ko pa lang naisip na niya.

Nang dumako kami sa entrada ng gusali kung saan kami nanggaling, mangilan-ngilan na lang ang mga tao na nagkakagulo. Nagtago kami sa likod ng haligi upang siguraduhin 'di kami mapapansin ng reapers kapag dadaan kami.

"Nararamdaman mo ba iyon?" I asked him. Abalang abala kasi siya sa kakatingin sa labas kaya 'di niya na napapansin na yumayanig ang lupa.

Sa una akala ko nahihilo lang ako pero lumilindol pala dahil ang lahat ay napapayuko at sumisigaw ng 'lindol'. "A mild earthquake," he simply said. Tsk, parang wala lang ah. Mahina nga lang ang pagyanig pero nakakahilo at nakakatakot pa rin.

The Goldenhand's Pen #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon