Follow me here in wattpad for more updates :) cindylyna.
Thank you to all those who are reading #Magic: The Goldenhand's Pen mapasilent o active man. Pero gusto kong marinig ang inyong komento. :)for CzarinaKassandra
***
Lyna's POV
"VIVIAN, BUKSAN MO ITO!"
Pareho kaming napalingon sa pinto ng may kung sinong kumalampag doon at sumigaw. Agad na napatayo si Tita Vivian at ako naman ay nagmamadaling tinalukbong ang katawan ko ng invisible na tela. Nagkubli ako sa gilid ng kama at tumahimik kahit pakiramdam ko ay maririnig nila ang kabog ng dibdib ko.
Kinakabahan binuksan ni Tita Vivian ang pinto pero bigla itong pumasok at walang sabi-sabing pumasok ang isang lalaki.
Si Damon.
Nag-creak ang marupok na sahig ng kwarto ng pumasok siya. OMG, nalaman niya kaya na nandito ako? Sabi ko na nga ba hindi safe dito.
Pawis na pawis at magkasalubong ang kanyang kilay habang ang nanlilisik niyang mata ay humahalughog sa buong kwarto ni Tita Vivian.
Napatakip ako ng bibig ng dumako sa gawi ko ang tingin niya at tumagal iyon ng ilang segundo.
Hala, nakikita niya ba ako?!
"G-General Damon..." nakahinga ako ng maluwag ng bumaling siya kay Tita Vivian. Phew, akala ko nakikita niya ako.
"M-May kailangan po ba kayo?" kinakabahan tanong ni Tita Vivian. Gumalaw-galaw ang kanyang panga na prominente ang dati at matigas.
"Wala dito!" Pasigaw niyang sabi na mukhang 'di para kay Tita Vivian. Matapos ay pinasadahan niya ulit ng tingin si Tita Vivian pero bago pa man siya tumalikod ay napatigil siya.Nakatingin siya sa lamesita ni Tita Vivian kaya napatingin kami doon. Sa tasang may konting tsaa siya nakatingin. Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa lahat ng bagay na mapapansin niya ay 'yung tsaa ko pa!
Patay, paano kung magtaka siya at mag-usisa?
Pasimpleng pumunta si Tita Vivian sa harap niya at ngumiti.
"G-Gusto niyo po bang mag-tsaa?"Phew, great time Tita Vivian! Ang galing mong sumegway.
"Hindi na," tipid niyang sagot saka tuluyan ng umalis.
Agad na sinirado ni Tita Vivian ang pinto pagkaalis niya saka ako nagpakita at bumuntong hininga. Kinabahan ako doon. Hindi na nga ako safe dito.
"Ayos ka lang ba hija?" Malambing na tanong ni Tita Vivian ng mapansin niya sigurong namumutla ako.
Ngumiti ako at sumagot, "Okay naman po."
Sasagot pa sana siya ng marinig namin mula sa labas ang sigawan at komosyon ng mga tao na parang may away o gulo. Nagtinginan kaming dalawa at naghihintayan kung sino ang mauunang sumilip sa bintana hanggang siya na ang sumilip. Hindi naman ako pwede dahil wanted ako sa buong lugar na ito.
Tinabing niya ang kurtina at sumilip siya sa bintana kaya naging mas malinaw ang usapan nila samantalang ako ay nagtago sa tabi niya. Pero isa lang ang naintindihan ko sa mga sigawan nila.
"NATAGPUAN NA ANG PRINSESA!"
Namilog ang aking mga mata at napaawang ang aking labi sa narinig ko. Nagtataka ako, nakita na raw nila ang prinsesa eh nandito lang ako at nagtatago. Kaya sino ang tinutukoy nila?
Nakita kong napahawak sa dibdib si Tita Vivian habang kuno't noong nakatingin sa ibaba. Tapos ay narinig ko na ang boses ni Damon, ang pagkalinsing ng kadena at espada kasunod ng pagtili ng isang babae.
BINABASA MO ANG
The Goldenhand's Pen #Wattys2016
ФэнтезиThe Goldenhand's Pen by cindylyna (2015) - Best Fantasy Mega Watt Award (2017) - MEGA WINNER (2017) Synopsis: Sabi nila walang yumayaman sa pagsusulat. Wala kang mapapala sa pagsusulat ng kung anong nobela. Ngunit para kay Lyna na is...