Chapter 29: SaveByDamon
Thesis defense done! Sorry for not updating. As you can see si author ay dumaan sa madugong thesis para gumadruate. Mauunawaan nyo ako kapag nag-college na kayo haha. Anyways, ito na update ko. Enjoy!
for: kenyapanes
---
Lyna's POV
Nagmakaawa ako kay Damon na bitawan niya ako o luwagan man lang ang pagkakahawak niya sa aking braso.
Pero tila bingi at bulag si Damon dahil ni hindi niya ako tiningnan. Napabuntong hininga ako saka nagpaakay sa kanya. Hinayaan ko na lang na kaladkarin niya ako habang ang talim ng espada niya ay malapit na sa leeg ko. Wala naman akong magagawa dahil pagod na ako manlaban.
Marami ng nasaktan. Marami ng nagsakripisyo.
Napalingon ako sa bintana ng Palasyo kung saan tanaw mo ang mga pangyayari sa labas. Sunod-sunod ang mga pagsabog at umaabot sa aking pandinig ang tunog ng mga nagtatamaang espada, sigawan nila at maging ang paghiyaw nila.
Anumang oras pakiramdam ko ay guguho na ang Palasyo ni Marga.
"Aray!" usal ko nang muntik na akong madapa sa biglang paghila sa akin ni Damon. Sisigawan ko sana siya nang makita ko si Alpho na nakasakay sa kabayong may pakpak.
"Alpho!" I shouted in so much delight. I'm glad to see him. Grabe, sobrang na-miss ko ang kakulitan niya.
Ngumiti siya sa akin at halos maluha ang mga mata. Gusto niya akong lapitan pero hindi pwede dahil nakaharang si Damon. Tinulak ako ni Damon bago siya lumapit kay Alpho. Nakita kong nag-reflex ang muscles niya at mas marami pang balahibo ang lumabas sa malaki niyang katawan.
Pinaikot niya sa kanyang kamay ang espada niya at matalim na tinitigan si Alpho. Napahawak ako sa aking dibdib sa takot, sa anumang gagawin ni Damon sa kanya.
"Huwag!" Pagkasigaw ko ay may card na hinagis si Alpho kasunod ng paglitaw ng mga bilog na simbolo sa inaapakan ni Damon. Umilaw ang mga bilog at ako'y napanganga nang may lumitaw na salamin na pumalibot kay Damon.
Ngunit winasiwas ni Damon ang espada niya at nabasag ang salamin. Mabilis siyang tumakbo papunta kay Alpho pero huli na para lumipad ang kabayo ni Alpho. Agad niyang tinalunan si Alpho at nahulog silang parehas mula sa kabayo.
Tumalsik ang magical cards ni Alpho nang suntukin siya ni Damon at inihagis paitaas nang walang kahirap-hirap. Nadurog ang pader nang tumama doon si Alpho at bumagsak ng walang malay. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa nangyari.
Mabilis na uminit ang gilid ng mga mata ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
Natagpuan ko na lang ang aking sarili na galit na pinagsusuntok si Damon kahit parang tapik lang sa kanya ang suntok at kalmot ko. Napakasama niya!
"How dare you Damon! Anong ginawa mo kay Alpho?! Salbahe ka! Napakasama mo talaga! W-Walang hiya ka, galit ako sa iyo! Ang sama mo!---"
Sinalo niya ang dalawa kong kamay nang nakayuko kaya napatigil ako. Humikbi ako habang pilit na tinatanaw ang mukha niya. Medyo natatakot pa rin ako sa gagawin niya sa akin. Hindi siya kumibo, nanatili lamang siyang nakatingin sa sapatos o boots niya na matulis ang dulo.
BINABASA MO ANG
The Goldenhand's Pen #Wattys2016
FantasyThe Goldenhand's Pen by cindylyna (2015) - Best Fantasy Mega Watt Award (2017) - MEGA WINNER (2017) Synopsis: Sabi nila walang yumayaman sa pagsusulat. Wala kang mapapala sa pagsusulat ng kung anong nobela. Ngunit para kay Lyna na is...