#PrincessInThePalace
Favor naman! Pa-like ng fb page natin. Just search Cindylyna. And like, like. Salamat. Enjoy reading thank you for waiting.
Dedicated to ForeverBitter24 thanks for giving me a positive and amazing feedbacks!
***
Dinala ako ng Damonyo este ni Damon sa isang malaking kwarto at nilapag na para bang basahan. Kainis, do I look a basahan? Dapat nirerespeto niya ako kasi prinsesa ako. No! Hindi pala, I will be never their Princess.Kinalampag ko nang kinalampag ang pinto ng bigla niya itong sinirado at narinig ko pa ang pag-click ng doorknob. Don't tell me ikukulong niya ako dito? Dito sa madilim na kwarto.
Oo, red carpeted ang sahig, mataas ang ceiling, may mga painting at vase na nakadisplay, king size ang kama at malaki pero kahit gaano man ito karangya ayoko pa rin tumira dito.
"Buksan mo ito! Buksan mo ito damonyo! Ano ba? Hoy, bungol ka ba?! Open this door!" Nagkapasa na lang ang aking kamay sa kakatok ng kahoy na pinto, wala pa rin sumasagot.
"Oras na po para linisin ang inyong katawan Prinsesa."
"Ay kabayo!"
Halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa likuran ko. Sa pagkakaalam ko, ako lang naman ang tao dito kaya sino itong nagsalita? Napalunok ako at hindi muna lumingon baka guni-guni ko lang iyon 'di ba. Pinakinggan ko ng maigi ang paligid pero pagsipol lang ng hangin ang narinig ko.
"D-Damon please buksan mo na i-ito..." natatakot na ako.
"Oras na po para linisin ang inyong katawan Prinsesa."
Ayan na naman sila. Napapikit ako bago humugot ng maraming hangin. Lilingunin ko na sila since hindi sila guni-guni ko. Jusmiyo. Dahan-dahan kong inikot ang ulo ko patalikod syempre sumunod naman pati katawan ko. Mas creepy kapag ulo ko lang umikot 'di ba?
Nanginginig ang mga kamay ko at sa tulong ng liwanag ng buwan na lumulusot sa malalaking bintana ng kwartong ito pati ang mga kandila, naaninag ko sila.
"Kayo lang pala iyan!" Bulalas ko as I felt the relief. Mamamatay ako sa gulat nito eh. Iyong scary dolls lang pala.
Pero paano sila nakapasok? Kung ako lang naman ang pumasok sa kwarto ko at nakita ko pa silang sumusunod sa amin ni Damon habang papunta dito. I gulped and looked at them.
Now, I can see their faces clearly.
Hindi lang sila mukhang manequin. Mukha silang manika na pumipikit kapag hinihiga mo at four-feet lang yata ang tangkad nila. Naalala ko lalo sa kanila si Anabelle! Ang kinakatakutan kong movie ever. Naglakad sila papalapit sa akin at nagulat ako sa paraan ng paggalaw nila. They looks like a robot!
"Anong gagawin niyo?!" I stepped back until I felt the wall against my back.
"Oras na po para linisin ang inyong katawan Prinsesa." Pag-uulit nila. Wala ba silang alam na sasabihin?
"No!" sigaw ko saka kumaripas ng takbo at sumampa sa kama. Tinago ko ang sarili ko sa patong-patong na kumot at doon namuluktot. Ayoko talaga ng mga manika for Pete's sake.
Namayani ang ilang minutong katahimikan akala ko nilubayan na ako ng mga manikang iyon pero nagkamali ako. Nagising na lang ako ng may humila sa kumot ko at sumambulat sa akin mga mukha nila.
Napaupo ako at takot na takot na sumiksik sa headboard ng kama. Kulang na lang sa kanila ang kutsilyo para maging chucky dolls sila.
Wala akong nagawa nang isa-isa nila akong hinawakan sa katawan at hinila ako paalis ng kama. Jusko, saan na naman nila ako dadalhin? Akala ba nila nakakatuwa iyon?
BINABASA MO ANG
The Goldenhand's Pen #Wattys2016
FantasyThe Goldenhand's Pen by cindylyna (2015) - Best Fantasy Mega Watt Award (2017) - MEGA WINNER (2017) Synopsis: Sabi nila walang yumayaman sa pagsusulat. Wala kang mapapala sa pagsusulat ng kung anong nobela. Ngunit para kay Lyna na is...