Chapter 32: #Strings

1.1K 61 15
                                    

Chapter 32: #Strings

--

"GO!"

Sumigaw ako para palakasin ang loob ko. Wala akong inaasahan may mangyayari. Kaya nabigla ako nang matapos kong sumigaw ay umulan ng mga palaso.

Nabigla ako sa biglang paglabas ng mga palaso na hindi ko alam kung saan nanggaling. Natamaan ng palaso ang ilang Necropolis beast at mga nilalang kasunod ng isang sigawan at mahinang pagyanig ng lupa. Nagkagulo ang lahat maski ako'y naguluhan sa nangyayari.

Pinaliit ko ang mga mata ko habang pinopokus ito sa parang bulto ng mga tao na nagtatago sa sirang pader ng palasyo. Tama, tao nga sila at bawat isa ay may dalang pana at armas.

"SUGOD!!' napatingin ako sa isang mapayat na lalaki na nakasuot ng sundalong damit. Siya ay pamilyar sa'kin, parang kilala ko siya.

"Coco?!" bulalas ko nang makumpirma ko kung sino ang lalaking iyan. Si Coco, ang kaibigan ni Charles at bakit puro babae ang mga kasama niya?

"Hiyaaa!" isang matabang babae naman ang nakasuot ng damit na tulad ng kay Harley Quinn. Kulay puti ang buhok niya at napaka-ikli ng short niya.

Walang takot niyang hinampas ng baseball bat sa ulo ang isang Necropolis beast at sumigaw, "Nandiyan na kami, PurpleFace!"

Namilog ang aking mata sa gulat. Si Jolly lang naman ang matabang iyan, ang president ng fans club ko. Siguro, 'yung ibang babaeng kasama nila ay members ng fans club ko. Bawat isa sa kanila ay nakasuot ng costume.

Lagot na! Paano sila nakapunta dito?

Sa sobrang pagkamangha at gulat, hindi ko na namalayan na nakawala na si Charles, Erion at Alpho at ngayon ay tinutulungan na nila ang grupo ni Jolly.

Sa pangalawang pagkakataon, isang labanan na naman ang nasasaksihan ko. Ano ang gagawin ko?

"Lumaban," bulong ko, sinasagot ang sarili kong tanong.

Sumulyap ako kay Marga na sinisigawan ang kanyang kampon at kay Enigma na tahimik lang na nagmamasid mula sa itaas.

Hinanap ko ang Golden pen na hawak ko pala pagkatapos ay buong tapang kong sinuntok at tinadyakan ang Scary dolls na nakapaligid sa'kin. Natumba sila at hindi makatayo kaya kinuha ko na ang pagkakataon tumakbo habang nagkakagulo.

"Goldenhand!"

Dinoble ko pa ang pagtakbo hanggang sa nakarating na ako sa gitna ng animo'y battle field. Napapasigaw at napapayuko ako sa tuwing may lumilipad na palaso o ingay ng pagsabog. Inis kong tinaas ang laylayan ng aking gown dahil sagabal ito sa pagtakbo ko.

"Lyna!" napaigtad ako at halos atakihin ako sa puso sa biglang pagsulpot ni Charles sa harapan ko.

"Charles?!" Hinawakan niya ang aking braso at hinila.

Dinala niya ako sa likod ng isang malaking puno at doon kami nagtago. Parehas kaming hinihingal pero 'di ko maiwasang matuwa dahil ayos lang siya.

"A-Anong gagawin natin?" I asked, looking at him. Ang seryoso ng kanyang mukha parang bawal magbiro. Grabe, na-miss ko ang kasungitan niya.

"Listen to me, carefully.." he started. Tinaas niya ang kanyang T-shirt at kinuha ang isang libro na nakaipit sa kanyang pantalon.

Base sa pabalat ng libro, nakilala ko ito. Ang Phantasm.

"Basahin mo muli ang Phantasm. Doon sa parteng mamatay si Marga."

Kumunot ang aking noo at kinuha ang libro na nayupi na.

"Bakit ako? Subukan mo ang sarili mo. Ikaw ang magbasa."

"Ano?! Kapag ginawa ko iyon masama ang kalalabasan. Tulad ng nangyari sa magulang ko. Papalpak na naman ako!"

"Hindi, Charles."

"Huwag ka ng makulit. Hindi ko nga kaya." Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil. Napatingin naman siya kamay namin bago sa aking mukha.

"Charles, you are the Silver tongue. May tiwala akong magagawa mo ito, pakiusap. Subukan mo lang. Susubukan ko rin kontrolin si Enigma."

Ilang sandali siyang natigilan habang nakatitig sa libro waring nag-iisip. Tulad ko'y makapangyarihan din siya, siya si Silvertongue. He can makes everything alive through reading.

Kinuha ko ang palad niya at doon ko nilagay ang libro kahit sa mukha niya ay may pagtututol na nakabakas. Alam kong ayaw na niyang magbasa ng kahit ano dahil sa karanasan niya. Pero kailangan niyang matutong magtiwala sa kapangyarihan niya.

"Panahon na para gawin mo ulit ito." Humakbang ako paatras at tiningnan ang kaganapan sa labas. Ako ay labis na nababahala nang makita kong may mga sugatan na sa mga tao.

"Sige na. Page 201, Charles!" sigaw ko sa kanya dahil nakatulala lamang siya. Hindi na siya umangal nang umalis na ako at nagpunta sa isang bahagi kung saan walang gaanong nilalang.

Tiningnan ko si Enigma at sumigaw nang malakas, "Enigma!"

Pumihit siya patalikod at tiningnan ako. Ngumiti ako bago ko itaas ang aking kamay. Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko ang kanyang pangalan.

"Ako ang lumikha sa'yo.." dahan-dahan siyang lumapit sa akin kaya halos mabali na ang leeg ko sa pagtingala sa kanya.

Gumalaw-galaw ang kanyang galamay at ang isang galamay niya ay unti-unting lumapit sa akin. Napalunok ako sa sobrang pagkamangha, nasa harapan ko mismo ang aking nilikhang obra.

Ilang metro na lang sana ang distansya ng kanyang galamay sa aking kamay nang sumigaw si Marga at inatake kami sa pamamagitan ng pagkidlat. Inutusan niya ang dalawang soul reaper at pagkatapos ay lumapit siya papunta dito.

Ngunit bago pa siya makalapit, lumundag ako at inabot ang galamay ni Enigma. Tuluyan nang nakakabit ang aming mga kamay.

Those powerful strings of Enigma.

Naramdaman ko ang kakaibang kuryenteng gumapang sa aking katawan at ang kapangyarihan ni Enigma.

"Taga-likha." Ngayon ay narinig ko na rin ang tinig ni Enigma.

"Protektahan mo kami," ani ko.

Agad niyang sinunod ang utos ko. Humarap kami doon sa Soul reapers na papunta sa amin at kinampas niya ang kanyang mga galamay na naglabas ng hanging itim.

Tumalsik ang soul reapers palayo at naging usok na naglaho. Nanlaki ang mga mata ko, ang astig ng kapangyarihan ni Enigma.

Sunod niyang ginawa ay naglikha siya ng invisible shield sa amin. Natigilan ang bawat isa at kahit anong pag-atake ng kalaban ay hindi tumatalab dahil sa shield.

Naglakad ako papunta sa kinakatayuan ni Marga at sinamaan siya ng tingin. Hindi pa rin siya makapaniwala.

"Sumuko ka na, Marga. Bumalik na kayo sa libro!" sabi ko sa kanya.

Natatawa siyang umiling na parang baliw. "Hindi!"

Pinaulan niya kami ulit ng kidlat at ng kung anong mahika pero dahil kay Enigma hindi kami tinatablan. Napangiti na lang ako sa kahangalan niya at pasimpleng nilibot ang paligid.

Nasaan na ba si Charles? Don't tell me umuwi na siya.

"Charles, nasaan ka na ba?" bulong ko sa aking sarili dahil hindi magtatagal mawawalang bisa na ang shield namin.

At lumipas ang ilang minuto wala pa rin Charles ang dumating.

(To be continued..)

**

One chapter na lang at ba-bye na. Don't forget to vote and comment. Thanks po.

- Lyn.

The Goldenhand's Pen #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon