Chapter 30: #TheFallen

1.1K 56 9
                                    

Chapter 30: #TheFallen

Three or four chapters to go then epilogue. 'Wag kalimutan bumuto or magkomento o magbigay puna :)

for LUVMINOT_18

--

Mamatay na yata ako.

I closed my eyes, waiting for my death.

Then suddenly after a seconds, I'm still breathing.

I heard a growl from I don't know.

Binuksan ko ang mga mata ko at bumungad sa akin si Damon--nakadapa sa lupa, may malaking sugat sa dibdib at naghihingalo. Sa harapan niya nakatayo ang gulat na gulat na si Marga habang ang kamay niya ay umuusok.

Mayamaya ay tumulo ang dugo niya sa lupa.. Bumaha ng dugo na mula kay Damon.

Isang bagay ang agad na rumehistro sa isip ko..

Damon protected me..

Nanginginig ang mga tuhod akong tumayo, hindi makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Tila parang gripo ang naging pagtulo ng aking mga luha sa aking mga mata.

Tinitigan ko siya dahil hindi ko alam kung anong gagawin kung anu-ano na rin ang naiisip ko. Hindi ko na nga inintindi si Marga. Dahan-dahan humiga si Damon at kahit siya'y nakapikit alam kong buhay pa siya.

Lumuhod ako saka ko inangat ang ulo niya kahit mabahiran ako ng dugo. Umubo siya kasabay ng pagbulwak ng dugo mula sa bibig niya.

"D-Damon..." humihikbi kong usal. Mayamaya ay gumuhit ang maliit na ngiti sa labi niya at umangat ang kanyang kamay. Hinawakan ko ito at napaigtad ako dahil sobrang lamig ng kamay niya.

"P-Prin...se...sa..." paputol-putol niyang sabi na animo'y hangin lang sa aking pandinig.

"Huwag ka ng magsalita. Damon, b-bakit? Ako d-dapat ang--"

"T-Tama ka. H-Hindi...ako...ha..limaw." Lalo akong napahagulgol at mas lalong sumakit ang dibdib ko nang maalala ko ang pinag-usapan namin kanina.

Sa wakas, napagtanto na niyang hindi na dapat siya magpauto kay Marga dahil hindi siya tulad niya na isang halimaw, masama.

Hindi nagtagal naramdaman kong nawawalan na siya ng lakas at pabagal nang pabagal ang paghinga niya. Hanggang sa siya na ang kusang bumitaw mula sa akin. Bumigat ang kanyang timbang at wala na akong maramdamang init.

Hindi. Hindi maaari..

Hindi ko na kayang ipunin ang nararamdaman kong sakit kaya sinigaw ko ito nang sinigaw at wala akong pake kung mapaos man ako.

Hindi ako makapaniwala na gagawin ito ni Damon para sa akin na isang hamak na babae lamang. Dapat lang na sisihin ko ang sarili ko, ako ang may kasalanan. Dahil sa akin namatay si Damon. Sino ba ako? Hindi ako karapat-dapat! Naiinis ako sa sarili ko kung bakit wala akong nagawa.

Sa gitna ng aking pighati ay biglang naging buhangin ang katawan ni Damon hanggang sa ito'y naging buto--Kalansay. Isa na lamang siyang kalansay, ang totoo niyang kalagayan. Isa talaga siyang bangkay na matagal ng nailibing.

The Goldenhand's Pen #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon