Chapter 19: Prinsesa
May PAGE na po tayo, paki-like sa may mga facebook Cindylyna. Magshashare ako ng tips in writing, story facts, trivias, updates, drawings and others. Like!
One more thing, Habaan sana ang pasensya dahil di porke't summer hayahay ang buhay ni author. Nag-oojt ako at kelangan kong makumplento ang 200 HOURS kaya sana maunawaan nyo. Thank you sa mga matiyagang naghhntay ng updates ko :) di ako galit okay?
Dedicated to: red_dammie
***
CHARLES.
I saw how she formed a smile on her face. A weak smile. Full of sadness, disappointment and hurt.
"...--adys." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng mga oras na iyon dahil inunahan ako ng utak lumot na iyon.
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Ang dapat na isasagot ko ay...Si Gladys at Lyna ang pipiliin ko Marga. Wala ka ng magagawa!
"Ako na lang ang sasama..." pag-uulit niya habang umiiyak at yumuko. Pinilit kong tingnan siya sa mata pero umiiwas siya ng tingin.
Bakit? Bakit niya iyon ginawa? Padalos-dalos siya! Nakakainis, hindi naman siya tinatanong ni Marga sumabat pa. Alam ba niya ang ginagawa niya?!
"Lyna nababaliw ka na ba?! Hindi ka sasama sa kanya!" Naiinis kong sigaw at sa kabila ng mga pasa ko sa katawan nagawa kong tumayo. Napaigtad na lang ako ng biglang humigpit ang pagkakahawak sa akin ng Necropolis beast.
Pakiramdam ko mapuputol na ang mga ugat ko sa leeg sa gigil at nararamdaman ko.
Ngumiti ng mala-demonyo si Marga na para bang tuwang-tuwa. "Napagdesisyunan na Charles. Si Lyna ang sasama sa akin!"
Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako nakagalaw sa puntong iyon. Para akong napako sa kinakatayuan ko. I was stunned when Lyna cried. Hindi ko maatim na maging ganito ang kalagayan niya.
Laking pasalamat ko kay Erion dahil kung 'di pa siya sumigaw hindi pa ako natauhan sa kagaguhang nagawa ko.
"HINDI! LAPASTANGAN KA!" malakas niyang sigaw at saka nagwala, nag-histerikal na ngayon ko lang nakita. Ni minsan 'di ko naisip na magwawala siya ng todo at anumang oras ay mukhang papatay siya.
Bumaling si Marga sa gawi ni Gladys. "Pakawalan niyo na iyan," utos niya.
Pabalyang binitawan ng mga alagad ni Marga si Gladys. Tumakbo si Gladys papunta sa akin at bigla akong niyakap kaya 'di ko maiwasan maramdaman ang pangangatog ng katawan niya. Kahit papaano ay nabawasan ang problema ko.
Hindi pala.. mas lumala na ngayon.
Unti-unti ng naglalakad palayo ang triplets habang bihag si Lyna. Lalayo na siya, hindi ko na siya makikita, hindi ko na maliligtas ang mga magulang ko. At hindi ako papayag!
"LYNA!" Gamit ang natitira kong lakas sinipa ko sa paa ang halimaw na humahawak sa akin at saka siya tinulak. Napabitaw si Gladys at napaatras lamang ang beast kaya kinuha ko na ang tsansang umeskapo.
Patakbo akong lumapit kay Lyna at agad kong hinawakan ang malamig niyang mga kamay. Gulat siyang napatingin sa akin at nakita ko ang mukha niya na puno sa luha. Parang pinipiga ang puso ko ng masilayan ko iyon, gusto ko siyang kunin, iligtas at...yakapin para hindi siya umiyak ng ganyan.
"C-Charles?"
"Huwag kang sumama! Pakiusap, huwag kang s-sumama!" Ang paniniwala ko'y lumaki akong may matigas na puso at hindi mo mapapaiyak. Pero ngayon...nararamdaman kong nagtutubig na ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
The Goldenhand's Pen #Wattys2016
FantasyThe Goldenhand's Pen by cindylyna (2015) - Best Fantasy Mega Watt Award (2017) - MEGA WINNER (2017) Synopsis: Sabi nila walang yumayaman sa pagsusulat. Wala kang mapapala sa pagsusulat ng kung anong nobela. Ngunit para kay Lyna na is...