Chapter 10 - #Eureka
Chapter 10 na pala ito. Salamat sa mga nagbabasa :)
Dedicated to: ParkHyunLi17
Dos and tres sa multimedia. Si uno kase ung nagpipicture hehe.
****
Kung minamalas ka nga naman oh. Tuluyan na kaming nakita ng naughty triplets at hinarangan ang dadaanan namin. Kusang tumayo ang buhok ko sa katawan. Ngayon ko lang napagtantong ang papanget pala ng sinulat ko sa kanila.
Sinadya ko naman iyon para convincing ang pagiging kontrabida nila sa Phantasm. But seeing them personally is disgusting and scary. Pumunta sa harapan ko si Charles habang titig na titig sa tatlong bugok.
"Umalis ka na..." bulong ni Charles. Napatingin ako sa kanya, gumagalaw-galaw ang kanyang muscles sa mukha at nakatiklop ang kamay niya.
"Pero." Paano ka Charles.
"Get Erion," matigas niyang sabi sa akin. Napalunok ako mukhang kailangan ko ng umalis. Tinapunan ko muna sila ng tingin bago ako dahan-dahang umatras.
I counted one to three in my mind. Saka ako mabilis na tumakbo papunta sa ice skating rink. Narinig ko pang sumigaw ang tatlo habang lumulusot ako sa mga tao. Labis akong nag-aalala kay Charles, sana okay lang siya.
"Makikiraan po!" sigaw ko habang pilit na sumisingit sa mga taong 'di magkamayaw sa kakapanuod kay Erion na nagfifigure skating. Nasaan na kasi si Alpho?!
"Excuse m---ahhh!" napatili ako ng may biglang humila sa braso ko at nilalayo ako. Hindi naman ako napapansin ng mga tao dahil sa ingay at pagka-aliw.
Nagpupumiglas ako at pagkatingin ko sa taong humahawak sa akin. "Tumigil ka!" Si Tres!
Nanginig ako sa takot at natulala sa kanya. Siya si Tres ang pinakamatangkad at laging naka-leather jacket. Mahigpit niya akong hinawakan hanggang sa mapunta kami sa isang sulok na wala masyadong tao.
Naramdaman kong may humawak sa isa kong kamay at tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya.
Kamay? "Hmmmp!!" Labis ang pagkagimbal ko ng makita ko ang apat niyang kamay na nakahawak sa akin. Tres has four big hands before I forgot.
Ngumisi siya sa akin kaya nakita ko ang mga naninilaw niyang ngipin.
"Ikaw pala ang Goldenhand!" aniya at tumawa ng pagak.Anong ginawa nila kay Charles?! Nasaan na iyon?
Sa likuran niya nakita kong pasuray-suray na tumatakbo si Charles habang habol-habol siya ni Uno at Dos.
"Lyna!"
Nagpumiglas ako hanggang sa naisipan kong i-head bat si Tres. "Yahh!" Nabitawan niya ako kaya nagkaroon ako chance para makaalis.
Kahit masakit ang noo ko tumakbo pa rin ako palayo kay Tres.
"Charles, ikaw na ang pumunta kay Erion!" sabi ko nang makalapit kami sa isa't isa.
Bumadha ang pagtutol sa mukha niya. "Ako na bahala dito. Alam ko kung paano sila matatalo!" pangkukumbinsi ko. Malapit na sa amin ang triplets!
"Dali na! Alis na!" Tinulak ko si Charles at wala rin naman siyang nagawa kundi sundin ako. Halata man sa mukha niya na ayaw niya, tumakbo pa rin siya at humalo sa mga tao.
Nakakatawa. Hindi rin nasunod ang plano. Si Charles ang kukuha kay Erion at ako ang haharap sa tatlo. Balewala rin ang pagpaplano namin.
"Hoy! Ako harapin niyo mga bugok!" Sigaw ko ng akmang hahabulin nila si Charles. Lakas-loob akong humarang sa daanan nila na hindi ko alam kung saan ko nakuha. Dahil sa pagsigaw naagaw ko ang atensyon ng mga tao.
BINABASA MO ANG
The Goldenhand's Pen #Wattys2016
FantasíaThe Goldenhand's Pen by cindylyna (2015) - Best Fantasy Mega Watt Award (2017) - MEGA WINNER (2017) Synopsis: Sabi nila walang yumayaman sa pagsusulat. Wala kang mapapala sa pagsusulat ng kung anong nobela. Ngunit para kay Lyna na is...