Chapter 26: #WindSpirits
Sorry for waiting but its good to be back haha. Enjoy ah? Mahaba ito, pambawi ko po. <3
Dedicated to @purple_ana
***
That dog said that through that Magical searching card, we will be able to find the location of Lyna. Sana nga ganu'n lang kadali iyon. Sabi niya ay sure na gagana ang special card niya at 'di na papalya.
Kaya naman wala kaming sinayang na oras, agad kaming naghanda para iligtas si Lyna. Ika nga ni Gladys ay isa itong paglalakbay. Ewan ko ba du'n kung ano ang naiisip.
"Handa na ba ang lahat?" tanong ko pagkapasok ko sa sala. Tulad ng inaasahan nandito sila at naghahanda.
Napatingin sa akin si Gladys sa gitna ng pag-aayos niya ng kanyang backpack na may kaliitan. Sinirado niya ang zipper nito at sinukbit sa balikat niya.
"Handa na ako!" masigla niyang sagot. Napaarko ang isang kilay ko ng mapansin kong may isa pang bag sa likod niya. Naglalaman iyon ng mga pana at bow.
Teka, iyon ay limited collections niya na bow and arrows na mula pa sa ibang bansa.
"Bakit mo dala iyan?" I asked her. Nagkibit balikat siya at sumagot.
"I think this is the right time to use it na dapat matagal ko ng ginawa." Ako naman ang nagkibit balikat at hinayaan na lang siya basta 'wag niya lang sa akin ipabuhat. Gladys has a great skill in archery. Iyan ang sport niya na kinahiligan niya noon pa man.
Napatingin ako kay Erion na nakaupo sa sofa habang binabalutan ng tela ang kanyang matalim na espada. Suot niya ang unang damit na suot niya ng sumulpot siya sa earth. Para siyang cosplayer. Mukhang handa na siya. Hindi na nga kumikibo eh. Ang lalim ng iniisip.
Sa tabi niya ay si Alpho na nakahanda na rin. Sa leeg niya ay nakasabit ang magic cards niya kasama ang gagamitin namin mamaya. Ready na nga siya dahil nginangatngat na lang niya ang throw pillow.
Ako lang yata itong simple ang suot. Just a ripped jeans, plain v-neck shirt and hoody. Bitbit ko lang ang lakas ng loob at tapang.
"Sigurado na ba kayo diyan?" tanong ni Coco matapos niyang paandarin ang kotse na sinasakyan namin papunta sa Pampanga. Siya ang maghahatid sa amin sa bundok na pupuntahan namin.
Gumalaw ang aking panga at bumuntong hininga. "There's no turning back."
Its for my parents...
For our safety...
For our peace...
For the Phantasm...
For her...
"Ako ang kinakabahan sa inyo eh. Paano kung mapano kayo. Hayy, dapat nagsama kayo ng pulis eh pang-back up man lang!" bulalas ni Coco.
Sinabing hindi pwedeng malaman ng mga pulis ito eh. Besides, si Marga ay mas mabilis pa kesa sa mga pulis. Dahil kapag malaman nila ito tiyak na mawiwindang ang lahat. Tulad ng sa nangyayari kay Jolly. Mabuti at wala siya. Balita ko na-admit sa mental hospital. Pina-psychological test dahil kung ano-ano ang pinagsasabi.
Eh, 'di naman siya pinaniniwalaan kaya ayun pina-check up siya ng kamag-anak niya baka raw na-trauma sa pagkamatay ng lolo niya.
"Enough. Just drive Coco."
"Sige. Pero kahit anong mangyari gamitin mo ito," aniya sabay abot ng isang kahon na square.
Nagtataka ko itong binuksan at laking gulat ko ng makita ko ang laman nito.
BINABASA MO ANG
The Goldenhand's Pen #Wattys2016
FantasíaThe Goldenhand's Pen by cindylyna (2015) - Best Fantasy Mega Watt Award (2017) - MEGA WINNER (2017) Synopsis: Sabi nila walang yumayaman sa pagsusulat. Wala kang mapapala sa pagsusulat ng kung anong nobela. Ngunit para kay Lyna na is...