AJ'S
Inawat ng mga lalaki si Drey, may sinabi siyang ibang language kay Tito bago siya umalis ng silid.
"Someone must follow him... Someone must comfort him right now." Sabi ni Tito.
"For sure he's at the rooftop of this building. Please." Sabi ulit ni Tito.
"A-ako na lang po ang pupunta." Sabi ko.
Hindi naman nila ako pinigilan. Ginamit ko na yung elevator. Pinindot ko yung pang 13th floor at maghahagdan na lang ako papuntang roof top.
Nung nagbukas na yung elevator ay dali - dali akong umakyat. Naabutan ko siyang sinusuntok at pinagsisisipa yung pader. Agad na kong lumapit sa kanya.
"Drey, tama na yan. Sinasaktan mo lang sarili mo."
"What are you doing here?" Sabi niya yun habang may lumalabas na hikbi sa kanya.
"...."
Walang lumabas na kahit isang salita sa bibig ko. Tinuloy niya lang ang pagsipa at pagsuntok sa pader. Niyakap ko na lang siya patalikod baka sakaling tumigil. Siyempre hindi ka makakagalaw kapag may nakayakap sa likod mo.
Naririnig ko nanaman siyang humihikbi. Naramdaman ko naman na pinupunasan niya yung mukha niya. Humarap na ko sa kanya yung isang kamay ko ay binuksan yung isa niyang kamay na kaform na kamao, namamaga na yung kamay niya, hinawaka ko yun at yung isa kong kamay naman sa pisngi niya.
"Hindi mo kailangang saktan ang sarili mo, iiyak mo lang yan. Masasanay ka rin na, na alam mo na, wala yung taong mahal mo sa tabi mo." Sinabi ko yun habang pinupunasan yung mga luha niya na umaagos sa pisngi niya.
Hinalikan niya yung kamay ko. Pinagdikit ko yung noo ko at noo niya pati na rin yung ilong. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko kung bakit ko siya hinalikan sa labi, saglit lang naman yung kiss na yun. Siguro nagawa ko lang yun ay dahil para macomfort siya. Pagkatapos nung kiss na yun ay bigla na lang siyang yumakap sakin at nagsalita.
"M-masakit *hik* Masakit para sakin na, na sariling ama ko pa yung pumatay *hik* s-sa sarili k-kong ina *hik* m-masakit. Sobrang s-sakit."
Habang sinasabi niya yun medyo napaluha ako. Yakap yakap ko pa rin siya hanggang ngayon. Nanlalambot na yung tuhod niya, kaya napa-upo siya sa lapag. Nakayakap lang siya sakin ng magsalita ulit siya.
"Ba-bakit ba, bakit ba ganun yung ugali ng ama ko? *hik* B-bakit hindi siya magbago? Bakit?" Tumingin siya sakin ng sinabi niya yun.
Umiling lang ako sabay nagsalita.
"Si-siguro ganun talaga ang ugali ni tito, w-wala tayong magagawa dun. Pero lahat naman ng tao puwedeng magbago eh, kung gugustuhin niyang magbago para sa pamilya niya, sa inyo, talagang magbabago siya." Dahan dahan ko yung sinabi. Baka kasi yung sinasabi ko, ikagalit pa niya lalo.
"Kung kaya ng isang tao na magbago, b-bakit hindi niya yun ginawa sa simula pa lang? Sa simula pa lang mali na yung giangawa niya, kelan siya magbabago? kapag na realize niya na mali yung ginagawa niya? Kapag patay na si Mommy? Kami ni ate Jana? Pag gumuho na ang mundo?"
Ramdam ko na galit na yung nararamdaman niyang emosyon ngayon, halata sa tono ng pananalita niya at naka kuyom na nanaman yung dalawa niyang kamay.
"H-hindi ko alam kung kelan siya magbabago, ikaw nga diba yung marriage contract natin, may sinabi si Daddy na kelangan mong magbago? Nagawa mo yun, kaya kung gugustuhin ng Daddy mo na magbago siya, kaya niyang gawin yun kahit paunti-onti." Tapos smile sa kanya.
Nag-tagal muna kami dun sa rooftop ng mga ilang minuto. Tumigil na rin si Drey sa pag-iyak.
"Tara pasok na tayo sa loob." Tumango na lang siya. Lamig kasi dito tsaka gabi na rin.
***************
YOW!!!!! SA WAKAS!!!! NAKAPAG UPDATE NA RIN!!!!!! WOAH! GRABE.
CONDOLENCE KAY DREY.
ANYWAYS,
YOW!!!!!! VOMMENT NAMAN DIYAN GUYS!!!!!!
NGA PALA DEDICATED TONG CHAPTER NA TO KAY@miaka_yuuki1212
hi sayo!!!!^___^
-misslunareclipse-
BINABASA MO ANG
Not Just A Dream
Novela Juvenil(Under construction, slow update: medyo nalito si author sa sequence ng story hehe, but I'll still try to update :) thanks for your support.) Part 2 ng Just A Dream... MARAMING EEXTRA NA DITO!! UNTI-UNTI SILANG LALABAS AT MAGKAKAROON NG SCENE. ****...