DALAWAMPU'T SIYAM NA YUGTO

8 2 0
                                    

DREY'S


Tahimik lang kami ni Lolo ko sa loob ng kotse niya. Lolo Ken ang tawag ko sa kanya. Lolo ko siya sa side ni Mommy, at mahal na mahal niya talaga si Mommy. Siguro, sa kaloob - looban ni Lolo, ayaw niyang ipakasal si Mommy kay Daddy.


***


Nang maka - uwi na kami sa bahay ay naabutan namin sila Ate Jana at Kuya Charles na naka upo sa couch sa may sala.


"Lolo Ken." Yan ang bungad ni Ate kay Lolo.


"Sir, Magandang umaga po." Yan naman ang sinabi ni Kuya Charles.


"Sino siya Jana?" Tanong ni Lolo.


"Lolo, si Charles po, fiancé ko." Pagpapakilala naman ni Ate kay Lolo.


Tumingin si Lolo kay Kuya Charles, mata sa mata. Pag ginenyan ka ni Lolo, seryoso siya. Tipong hindi ka puwedeng magbiro sa ganong pangyayari.


"Ingatan mo yang apo ko naiintindihan mo ba? Wag mo siyang sasaktan kung hindi makakatikim ka sakin. Nakikita mo 'tong tungkod na hawak ko?? ihahampas ko sayo 'to kapag hindi ka nagtino nagkakaintindihan ba tayo?" Sabi ni Lolo.


"O-opo Sir. N-naiintindihan ko po. Hindi ko po pababayaan yung apo niyo Sir." Saad ni Kuya Charles.


"Lolo! wag niyo namang takutin si Charles!" mahinang na pasigaw niyang sinabi yun.


Lolo Ken chuckle. He looks at Ate Jana.


"Mabuti na yung nagkakaintindihan tayo. Pano Charles, ihahabilin ko na sa'yo ang apo ko. Wag na wag mo siyang iiwan. She's a responsible, very responsible woman. You're so lucky that you had her. " Seryosong sinabi yun ni Lolo sabay ngiti sa kanilang dalawa.


"Sige na, umupo na tayo, nangangalay na ko sa kakatayo, sumasakit na rin yung tuhod ko." Minsan talaga 'tong matandang 'to ang seryoso ng mga pangyayari, nagbibiro pa rin.


"Kukuha lang ako ng juice." Sabi ni Ate Jana.


Inalalayan ko si Lolo sa pag - upo niya dun sa pang isahan na sofa. Pumagitna ang katahimikan samin sa sala.


Ang tahimik. Ang boring. Parang nakakawalang ganang pumasok sa bahay na 'to sa sobrang tahimik, kahit yung bahay ata nakikiluksa rin eh.


Simula sa araw na 'to, wala ng bubungad sakin na "How's your day? May naka away ka nanaman noh? tsk.tsk, sabi ko kasi sayo eh, ano may masakit ba sa'yo? Ok ka lang? Kaylangan mo bang pumunta ng hospital?"


Umalingaw - ngaw yang mga katagang yan sa tenga ko kaya napa iling na lang ako. Nagpakawala naman ng isang mahabang buntong hininga si Lolo Ken at saka ako nagsalita.


"Kelan pa po kayo nandito Lo?" Ako.


"Nung isang araw lang. Nalaman ko kasing na-ospital ang Mommy mo kaya umuwi agad ako dito sa Pilipinas. Ang Lola mo naman nagpapahinga dun sa Japan. Hindi na siya nakasama." Sabi ni Lolo. Tumango na lang ako.


Dumating na si Ate na may dalang tray ng juice.


"Siya nga pala, tungkol dun sa pag-aaral mo dun sa States, naayos na ba yung papeles mo?" Tanong ni Lolo.


"Inaayos na po namin. Actually patapos na po." Saad naman ni Ate Jana.


Tumango - tango si Lolo bilang tugon.


"Ikaw Drey, apo ko, gusto mo bang mag - aaral sa States?" Tanong ulit ni Lolo sakin.


Nag-isip muna ako bago sumagot.


"Nangako po ako kay Mommy, ayaw ko po siyang biguin." Tugon ko.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tinanong ulit ako ni Lolo.


"Opo Lolo, sa States ako mag - aaral ng College." Yan ang sagot ko.


"Ok, sige kung yan ang desisyon mo, sige lang hindi kita pipigilan. Pero walang kasiguraduhan na pagka graduate mo hindi ka basta basta makakabalik agad dito sa Pilipinas. Kaya ka gustong pag aralin ng Mommy mo sa States ay dahil may kompanya ang pamilya natin doon. Gusto niyang ikaw ang mag manage nung kompanyang yun." Sabi sakin ni Lolo.


"Ok lang po sakin yun."


"So kelan mo balak umalis?" Tanong naman sakin ni Kuya Charles.


"Uuhm, siguro pagtapos ng prom." Sabi ko ulit.


Tumango lang si Kuya Charles bilang tugon.


"Pero puwede ding agahan ko yung pag-punta ko sa States." Dagdag ko pa.


*****


HELLO!!!!!

ANOTHER UPDATE ULIT!!!


SORRY PO KUNG MAIKLI HEHEHE^____^v


SORRY PO SA WRONG GRAMMARS ^_______^v

READ AND VOMMENT IS ALLOWED^____________^


-misslunareclipse-


Not Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon