Dedicated to: @Real_KittyFlower
Enjoy^____^
DREY'S
Nandito ako ngayon sa cr, naliligo, at para maghanda sa pinaka masakit na mangyayari ngayon.
Tumingin ako sa reflection ko habang umaagos yung tubig sa buong katawan ko. Hindi naman sa totally na mirror ang pader ng cr, yung sapat lang para makita mo yung reflection mo. Tinititigan ko lang ang sarili ko. Hindi ko namalayang lumuluha na pala ako.
Ngayon kasabay ng pag-agos ng tubig sa katawan ko ang mga luhang tumutulo. Pinunasan ko na langbang pisngi ko at tinapos na ang pagliligo ko.
*
Nang matapos ako ay nagsuot ako ng 3/4 na polo, pants, at leather shoes. ALL BLACK. Nag dala na rin ako ng shades.
*
Bumaba na ko at nakita ko si ate at kuya Charles na naka upo sa couch.
"Ready ka na?" Tanong ni ate na naka white dress.
Tumango na lang ako bilang tugon.
"Tara na." Sabi ni kuya Charles na naka white na polo at black pants.
Sumakay ako dun sa passenger's seat.
*
Matapos ang ilang minuto na biyahe ay nandito na kami sa sementeryo, dito magkakaroon ng misa at dito na rin ililibing si mommy ko.
Pumunta na kami dun sa part na mag mimisa, nakita ko na rin yung tropa. Humiwalay na si ate at kuya Charles sakin, dun sila sa mgs kamag-anak namin, hindi ko nakita si Dad. Lumapit na lang ako sa barkada ko at umupo sa tabi ni Aj.
"Condolence bro." -Smart.
"Pre alam mo na sasabihin ko." - Kevin.
"Ako rin." - Jason.
"Bro, condolence, alam kong mahihirapan kang tanggapin 'to sa una, masasanay ka rin paglipas ng panahon." -Michael sabay ngiti sakin. Sumang-ayon naman sa kanya si Bea.
"Yeah. Michael is right, sa una lang yan. Malalagpasan mo din yan, Nandito lang kami para sayo." Si Aj. Nginitian ko lang sila. Dumating na yung pari at sinimulan na ang misa.
****
Tapos na yung misa, ako, nandito pa rin, nakatingin sa lapida ni mommy.
Hindi ko alam kung hanggang kelan ako tatayo dito sa harap ng puntod niya at tingnan yung lapida niya. Hindi ko parin tanggap. Parang mas masakit pa'to kesa sa makipag break-up sa kasintahan eh.
FLASHBACK
"Hali ka dito may ibubulong ako sayo."
Lumapit ako kay mommy at itinapat yung tenga ko sa bibig niya para marinig ko ng maayos.
"G-gusto kong Mag-aral ka s-sa States, sa H-harvard, d-dun mo ip-pag patuloy ang p-pag-aaral mo, d-dun ka makapagtapos ng c-college. Pr-promise mo s-sakin yan."
END OF FLASHBACK
"Promise mommy, I promise." Bulong ko.
Siguro alam na 'to nila ate Jana at kuya Charles. Kakausapin ko na sila pagkauwi ko.
"Hindi ko manlang naabutang nakangiti ang anak ko."
Napalingon ako sa gilid ko kung sino yung nagsalita.
*****************
Hello^_________________^
Another update po ulit!!!!!!!!!!!
CONDOLENCE PARA KAY DREY.
Anyways,
Sorry po sa typo errors^___^
Read and
VOMMENT NAMAN PO^___________^
AND
DEDICATED PO ITO KAY @Real_KittyFlower
YOW!!!!!!!^__________^
*KAWAY**KAWAY*
-misslunareclipse-
BINABASA MO ANG
Not Just A Dream
Fiksi Remaja(Under construction, slow update: medyo nalito si author sa sequence ng story hehe, but I'll still try to update :) thanks for your support.) Part 2 ng Just A Dream... MARAMING EEXTRA NA DITO!! UNTI-UNTI SILANG LALABAS AT MAGKAKAROON NG SCENE. ****...