Drey' s
Nasa bedroom na ako ngayon. Malalim ang iniisip. Hindi ko alam kung paano magpapaalam. Paano sabihin sa kanya.
Maraming tanong ang bumabagabag sa isip ko ngayon. Paano sa pag-alis ko magalit siya? Paano pag nagkita ulit kami? Paano pag nakahanap siya ng iba?
'Gago ka ba? Hindi ka pa niya sinasagot wag kang ano dyan!'
Sigaw ng utak ko. Oo nga pala. Hindi pa pala. Bakit nga ba ako nag-aalalang may makita siyang iba.
'Kasi mahal mo siya yun yon tol!'
Nakakainis na 'tong utak ko ah. Sumosobra na. Sa sobrang rami ng iniisip ko ngayon, sa rami ng aalalahanin, sumakit na ang ulo ko. Pumikit na lang ako at itinulog ang sakit ng ulo.
'Ulo o puso?'
Ay leche! Nakaka gago 'tong utak ko. Dumadagdag pa sa sakit ng ulo eh.
*****
Tumatakbo ako sa kawalan. Humihingi ng tulong. Sumisigaw kung may nakakarinig sakin. Sana meron. Basa ang buo kong katawan lalo na ang ulo ko.
Wala bang nakakarinig sakin? bakit madilim ang daan? Nasaan ba ko?
Takbo lang ako ng takbo sa walang hanggang daanan. Ito na ba yung sinasabi ni Pnoy na tuwid na daan?
Tokwa! Nakapagbiro pa ko ng gento?! Argh! This is sh*t! Walang likuan. Deretsong-deretso na daanan lang ang nakikita ko. Walang puno. Walang lahat. Ano ba talaga 'to? Hindi ko na naiintindihan.
Sumasakit na ang paa ko sa sobrang pagod kakatakbo. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ako tumatakbo. Hindi ko mapigilang tumakbo. Tumingin ako sa likod ko. May mga bakas ng paa ko. Kulay itim.
Hindi ko na talaga naiintindihan ang nangyayari. Gulong-gulo na ang isip ko. Sumasabay pa ang sakit ng paa ko.
Hanggang sa may nakita akong liwanag. Parang may nakatayo dun. Baka makatulong siya. Binilisan ko pa yung takbo ko.
Malapit na ko. Hindi ko na ininda ang sakit na paa. Sa sobrang bilis ng takbo ko ay hindi ko namalayang may bato sa daanan. Nadapa ako.
Bakit parang hindi ako nasaktan physically? More than physical pain ang nararamdamaa ko ngayon. Emtionally at pati na rin ata mentally. Sa sobrang sakit ay naka upo na lang ako at dahil na rin sa sobrang pagod ay hindi ko na maingat pa ang ulo ko.
Hanggang sa may narinig akong boses
'Sa susunod dahan - dahan lang kasi sa pagtakbo ok?'
Isang pamilyar na boses.
'Mahal na mahal kita Drey.'
Pamilyar talaga. Sobra. Iniangat ko na ang ulo ko kahit sobrang pagod na pagod na ako. Nagulat na lang ako sa nakita ko.
'M-mom?'
'Kamusta ka anak ko?'Hindi ko alam ang ire-react ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ang alam ko lang namamalayan ko ng tumutulo ang luha ko. Niyakap ko na si mommy. Ganun din siya.
Ramdam ko ang init niya nung niyakap niya rin ako. Parang... parang nabuhay ulit siya. Sana hindi na Parang. Sana totoo na 'to.
'Ma. bumalik ka na samin. Misa na kita. Kami ni ate.'
'Miss ko na rin kayo ng ate mo.'Malambing na sagot ni mommy. Walang pinagbago. Ganun pa din. Nami-miss ko na yun.
'Mom. Please. Bumalik ka na.'
'Hindi puwede anak.'
BINABASA MO ANG
Not Just A Dream
Novela Juvenil(Under construction, slow update: medyo nalito si author sa sequence ng story hehe, but I'll still try to update :) thanks for your support.) Part 2 ng Just A Dream... MARAMING EEXTRA NA DITO!! UNTI-UNTI SILANG LALABAS AT MAGKAKAROON NG SCENE. ****...