AJ'S
Month rin ang lumipas simula ng mamatay si Tita. Isang buwan ding nagluksa si Drey, ang layo rin ng tingin niya minsan, parang ang lalim din ng iniisip niya. HIndi rin namin siya maka-usap ng maayos nun. Tanging yung Lolo niya lang yung nakaka-usap niya. Lagi rin siyang nagkukulong sa kuwarto niya, hindi siya lumalabas, yung dinadalang pagkain sa kanya ng Ate niya hindi niya kinakain. Hindi rin siya pumasok. Ganun na lang siya naapektuhan sa pagkamatay ni Tita. Pero sabi ni Ate Jana papasok na raw siya. At hindi nga siya nagkamali, pumasok siya kaso lang late na siya di na niya naabutan yung first tsaka second subject.
"Morning Sir, sorry I'm late.""Sige na pumasok ka na dito." Sabi ni Sir.
Pumasok na nga si Drey sa Classroom at tsaka umupo sa Upuan niya. At kumpleto nanaman silang lima.
Breaktime.....
Gento yung puwesto namin sa isang table na mahaba:
Si Bea sa left ko, Ako, at si Drey bali ako yung katbi ni drey sa kaliwa niya. Sa harap naman namin sila Smart na naka upo sa right side ni Kevin, si Kev naman sa right side ni Michael , si Michael naman nakapuwesto sa right side ni Jason.
As usual, magkakasama kaming kumain, nagkukwentuhan, nagtatanong about sa next subject namin kung may quiz or may assignment, nagtatawanan, nagjojoke pa rin si Kevin kahit corny, pero hanggang ngayon walang imik parin samin si Drey, ang lalim parin ng iniisip. HInawakan ko yung kaliwa niyang kamay nasa table since katabi niya naman ako.
"You ok?" Tanong ko.
"Y-yeah I'm fine, don't worry." Sabay ngiti ng pilit sakin ni Drey.
Nag-uusap usap parin yung iba. May sariling mundo.
"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo, any problem?" Tanong ko ulit.
"Wala 'to, naiisip ko lang si Mommy."
"You're lying Drey, I know you, I know you're lying."
"Eh?"
"Ok lang kung ayaw mong sabihin sakin, samin. Kung masyadong private yang iniisip mo, fine, di na kita pipiliting sabihin sakin yang gumugulo sa isipan mo, pero always remember, nandito lang kami, nasa tabi mo. Hindi ka namin iiwan. Lalong hindi kita iiwan." Sabay ngiti ko sa kanya.
Ngumiti rin siya sakin, yung ngiting matagal na naming gustong makita sa kanya.
"Thank you for being always there for me." Sabi niya.
"You're welcome. As always." Nginitian ko ulit siya at ganun din siya.
"Oh yung dalawang labirds(ganyan po talaga yung pagkaka pronounce) nilalanggam nanaman." Sabi ni Kevin na binatukan naman ni Smart.
"Panira ka lagi ng moment noh? Pre, wag mo na lang pansinin 'tong Clown na 'to, nakahithit nanaman ng katol 'to eh. Sige lang ipagpatuloy niyo lang yung usapan niyo diya. Pagsumabat pa'tong Clown na 'to lalagyan ko na ng packaging tape yung bibig ne'to. Geh lang pagpatuloy niyo lang yang usapan niyo." Sabi ni Smart.
Tumawa na lang kaming lahat.
"Teka bakit Clown tawag mo sakin? Clown na ba yung name ko Huh? huh?" tanong ni Kevin kay Smart.
"Lagi ka kasing nagjojoke kahit corny naman." Cool na sagot ni Smart.
"Edi dapat may tawag din ako sayo, uhm, ano ba puwed?" Tanong ni Kevin sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
Not Just A Dream
Teen Fiction(Under construction, slow update: medyo nalito si author sa sequence ng story hehe, but I'll still try to update :) thanks for your support.) Part 2 ng Just A Dream... MARAMING EEXTRA NA DITO!! UNTI-UNTI SILANG LALABAS AT MAGKAKAROON NG SCENE. ****...