Chapter 7
Nakatanaw si Tine sa grade 10 section A sa tanghaling ito. Hinahanap niya sa paningin ang kanyang crush, hindi niya ito makita doon. Siguro'y hindi pa ito dumating, sabagay hindi pa naman time in para sa first subject.
"Hoy, Tine! Saan na naman ba nakalipad ang isip mo?" Kalabit ni Fong sa kanya. "
"Huh?" Biglang baling niya rito.
"Assignment sa Mathematics, ipinapapasa ni Ma'am Rodriguez, Si Aliah ang nagkokolekta,"
Dali-dali niyang kinuha ang aklat ng mathematics at hinanap ang kanyang assignment na nakaipit doon.
"Bilisan mo, paalis na si Aliah!" Si Fong uli.
Hindi niya makita ang assignment, napatayo siya at isa-isang binuklat ang pages ng aklat.
"Hoy! Teka muna! Teka muna!" Sigaw ng isa sa kaklase niyang babae na si Marilyn. Napakatulis ng tinig nito na nanuut-suot sa kanyang taenga, Nabitawan niya ang hawak na aklat dahil ikinagulat niya iyon.
Hawak ang taengang pumihit siya paharap rito. "Ano ka ba naman, Marilyn? Sisigaw ka na nga lang sa tapat pa talaga ng t'enga ko! Nabingi ako bigla, Ang sakit ng t'enga ko!" Inis na sita niya rito, ngunit tinawan lang siya nito.
"Aliah, ito pang assignment ko!" Habol ni Marilyn kay Aliah na papaalis na. Huminto naman si Aliah at kinuha ang assignment ni Marilyn.
"Bakit ka ba nagmamadali Aliah, may lakad ka ba?" Sita naman ni Fong sa babae. "Hintayin mo 'tong assignment ni Tine, hinahanap pa n'ya."
"Ay!" Sambit ni Aliah na napatakip ang kaliwang kamay sa sariling bibig, at dahan-dahang humakbang papalapit sa kanila.
Bago niya dinampot ang nahulog na aklat sa sahig, Sinulyapan muna niya ang pwesto ng crush sa katapat na classroom. Naroon na si Sarawat nakaupo na ito sa pwesto, nakapatong ang mga paa sa katabing upoan, nakatukod ang siko sa armchair, habang sapo ng kanang kamay ang panga nito sa may bandang t'enga. Para bang nakahiga sa sofa at nanonood ng TV sa bahay.
Nagtama ang kanilang paningin, nag blush na naman ito. At biglang hinulog ang mga paang nakapatong sa katabing upoan, at humarap sa blackboard ng classroom nito at umayos sa pag-upo.
Agad na niyang dinampot ang aklat, at ipinagpatuloy ang paghahanap ng kanyang assignment na nakaipit sa mga pages nito.
Nang maiabot na n'ya kay Aliah ang assignment, bumalik na siya sa pag-upo. At ginunita ang nakita niya kay Sarawat ilang minuto pa lang ang nakalipas. Nangingiti siya. Siguro nga ay may gusto ito sa kanya. Kaso nga lang subrang turpi naman.
"Ano kaya ang naiisip nitong maganda? At pangiti-ngiti pa!" Puna sa kanya ni Fong.
Mukhang hindi n'ya narinig ang sinasabi ng kaibigan.
"Hoy, Tine!" Tawag na nito sa kanyang pangalan ngunit parang hindi pa rin niya ito narinig. "Nako! Mukhang may mesteryo nang nangyayari sa likod ng mga ngiti mong yan, huh?" Ang napatitig sa kanya na kaibigan.
"Huh?! May sinasabi ka ba?" Baling niya rito.
"Wala, tinatanong lang kita kung ano na naman ang nakapagpatulala sa'yo, huh?"
"Tulala ka d'yan!"
"Oo kaya! At madalas ko hong napapansin na natutulala ka. Bakit? Ano ang dahilan o sino ang dahilan?"
"Pinagsasasabi mo na naman?"
"Sus! If I know dahil kay Sarawat yan, no?"
"Haayy! Nand'yan ka na naman! Bakit ba ang hilig-hilig mong asarin ako huh?"
"Hindi naman kita inaasar, sinasabi ko lang ang mga napapansin ko sa'yo."
"Ewan ko sa'yo!"
"Uuuy!" Kant'yaw ni Fong sa kanya. "Inlove s'ya kay Sarawat!"
"Tumigil ka nga! Marinig ka ng mga kaklase natin eh! Akalain pa nilang totoo yang pinagsasasabi mo!" Napatalim ang tingin niya sa kaibigan.
"Nagkaganyan ka lang naman mula nong muntik ka na niyang mabangga ng bisekleta. Kaya aminin mo na sa akin."
"Ano naman bang aaminin ko sayo?"
"Na inlove ka na kay Sarawat!"
"Tigilan mo ako, huh?!"
" Ipagpipilitan mo na naman na babae ang gusto mo? At si Aliah yon, Huh?"
"Sa 'yan naman talaga ang totoo!"
"Lokohin mong lilong mo, Tine, Wag ako!"
"Luh?! Bakit mo ba pinagpipilitan sa akin yang Sarawat na yan, huh? Baka ikaw lang naman may gusto d'yan!"
"Sige lang, Tine! Deny ka pa, pag talaga magkagusto ako d'yan, bahala ka na! Hindi ko na s'ya ipapaubaya pa sa'yo!"
"Eh de gooo! Walang pumipigil sa'yo!" Pagkasabi'y pumihit na siya at ibinaling na n'ya ang paningin sa blackboard at umayos na sa pag upo.
"Sabi mo 'yan, huh? Pag talaga maging kami, wag na wag kang iiyak,"
"Seryoso?!" Muli siyang napapihit paharap dito. "Lalake talagang gusto mo?" Namilog ang kanyang mga matang napatingin rito.
"Depende kung alin at saan ako maiinlove, kung sa babae o sa lalake, ok lang, basta mahal ko at mahal ako."
Biglang nag blanko ang isip n'ya. Habang nakatitig sa kaibigan. Tinantiya n'ya kung seryuso ito sa sinasabi o nag jo-joke lang ito.
Paano na nga ba kung seryuso sa sinasabi ang kaibigan n'yang ito? Paano nga ba kung mainlove ito kay Sarawat, at mainlove din dito si Sarawat, at maging magjowa ang dalawa? Kung nagawa niyang mainlove kay Sarawat hindi malayong mangyari din ito sa kaibigan n'ya. So paano na s'ya pag nagkataon?"
"Oh! Natahimik ka na d'yan? At bakit ganyan ka makatingin sa akin, huh?" Puna ni Fong sa kanya,Napabuntong hininga na lang siya at muling pumihit paharap sa blackboard, at umayos na sa pag-upo.
S'ya namang pag dating ng teacher nila sa subject na ito kaya't natahimik na rin si Fong.
To be continue...
BINABASA MO ANG
When Do You Tell Me That You Love Me?
Teen FictionGigil na gigil sa inis si Tine kay Sarawat, ang lalakeng palagi n'yang nahuhuling titig na titig sa kanya. Ngunit sa pagkakataong muntik na siya nitong mabangga habang nagbibisikleta ay bigla na lang naglaho ang galit niya rito, at napalitan ng labi...