When Do You Tell Me That You Love Me?
Chapter 17
Vecant time muli sa umaga. Patungo si Tine ng library bitbit ang cartolina, lapis at eraser, para sa kanilang project. Si Aliah ang kasabay niya ngayon,dahil bigla na lang kasing nawala sina Tess at Flor at hindi niya alam kung saan nagpunta.
Sa pag liko nila ng pasilyo patungong library ay natanaw kaagad ni Aliah ang crush na teacher, siguro ay patungo ito ng office.
Paliko din ng pasilyo ang teacher, mula kasi ito sa classroom ng mga grade 8, sa may bandang likod ng library.
Kinilig kaagad ang babae. "Uy si love, makakasalubong natin!" Sambit nito na kumapit sa braso ni Tine.
"Hoy, kumalma ka nga! Mahahalata ka n'yan eh, hindi ka ba nahihiya?" Saway niya (ni Tine) sa babae.
Ang dinadaanan nilang pasilyo ay harapan ng nakahilirang classrooms ng grade Ten A, B, C, D, at E. Kasunod ang office, science laboratory, at THE laboratory, bago ang Library.
Papalabas naman sana ng classroom si Sarawat. Bitbit din nito ang kagamitan sa pagguguhit. Pagdating nito ng pinto, sila agad ni Aliah ang nabungaran nito na dumadaan.Kitang kita nito ang pagkapit ni Aliah sa braso ni Tine habang kinikilig.
Napahinto ito sa pinto ng classroom nito, at agad napasama ang tingin nito habang sinusundan ng tingin ang dalawa.
Nakasalubong na nga nina. Tine ang gwapong teacher sa tapat ng science laboratory."Good morning po, Sir!" Sabay nilang bati dito na yumuko at nag prayer sign pa.
"Yes, good morning din sa inyo." Sagot ng teacher.
Ewan ba ni Tine kung bakit bigla na lang na star struck ang teacher na ito ng mapagmasdan ang mukha niya.
"Sige po, Sir! Mauna na kami." Ang nahihiyang ngiti niya dito.
"Ah, uhmm, you're Tine, right?" Turo nito sa kanya. At napatuon ang paningin nito sa kamay ni Aliah na nakakapit sa braso n'ya.
"Y-yes, Sir!" Sagot n'ya.
Habang halos mabaon na ang mga daliri ni Aliah sa pagkakapit sa braso n'ya. Pigil na pigil kasi ang kilig ng babae.
"Are you boyfriend and girlfriend?" Tanong ulit ng teacher.
"No, Sir!" Sagot kaagad ni Aliah sabay bitaw sa pagkakakapit sa braso ni Tine.
"Ah, okay! So saan ang punta n'yo?"
'Ang dami naman ng tanong ng teacher na ito.' Sa isip ni Tine.
"Sa Library po, Sir! Para gawin ang project namin," Sagot n'ya na bahagyang itinaas ang hawak na cartolinang nakalukot.
"Ah okay! Good sige," sagot naman ng teacher?
"Ahm, Sir, can I ask you a favor, please?!🙏" Biglang sabat ni Aliah.
"Yes, what is it?"
"Can I take a selfie with you? Sir, please 🙏!"
"Hoy, Aliah! Maghulos dili ka nga!" Saway niya sa babae at inirapan ito.
"What for?" Teacher ask to Aliah.
"Ahmm, eh, kasi po, Sir..." Hindi malaman ni Aliah kung ano ang sasabihin.
BINABASA MO ANG
When Do You Tell Me That You Love Me?
Teen FictionGigil na gigil sa inis si Tine kay Sarawat, ang lalakeng palagi n'yang nahuhuling titig na titig sa kanya. Ngunit sa pagkakataong muntik na siya nitong mabangga habang nagbibisikleta ay bigla na lang naglaho ang galit niya rito, at napalitan ng labi...