Chapter 15
Nakaupo na si Sarawat sa kanyang pwesto ng kanilang clasaroom, nakatukod ang siko sa armchair at sapo ang ulo ng dalawang mga kamay.
"Totoo kaya ang pinagsasabi ni Rutchielyn kanina na jowa ni Tine si Edu?" Tanong niya sa sarili. "Ano kaya kung tatanongin ko si Edu?"
Napabuntong hininga siya at nilingon si Edu. "Oh ano? Lapitan mo na at tanongin?" Utos naman ng kabilang isip n'ya. "Kung sasabihing totoo, ano naman ang gagawin mo?"
"What's wrong?" Tanong ng papalapit sa kanya na si Man ang isa sa kanyang closefriend.
"Sa palagay mo ba mai-inlove ang mahal ko d'yan kay Edu?" Wala sa loob na naitanong n'ya sa kaibigan.
"Huh? ano bang klasing tanong 'yan?"
"Huh?ah, eh, wala! " Sambit n'ya ng mahimasmasan. At napaayos sa pag-upo.
Napatitig sa kanya ang kaibigan. "Sino ang sinasabi mong mahal, huh?"
"Wala nga, kalimutan mo na 'yon!" Sagot n'ya dito na umiiwas ng tingin.
"Hmm, ayaw mong e-share 'yan?"
"Wala nga!"
"Eh de, sige wala! sabi mo eh!" Pa-ismid na sagot ni Man.
Muli siyang lumingon kay Edu. Lumingon din si Man, sinundan nito ang kanyang tingin.
Napabuntong hininga siya at napatalim ang tingin niya kay Edu. Habang nakaismid naman si Man na pinagmasdan siya. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Edu.
"Ano yan, bakit nakatitig ka kay Edu? Wag mong sabihing may gusto ka d'yan?," Biro ni Man sa kanya.
Hindi niya pansin ang sinasabi ng kaibigan. Nanatili lang na matalim ang tingin niya kay Edu.
"Hoy! siya ba ang sinasabi mong mahal mo?"
"Anong sabi mo?" Biglang baling niya kay Man.
"Baka kako si Edu na ang mahal mo. Titig na titig ka sa kanya-eh!"
Napatalim ang irap n'ya sa kaibigan.
"Heeep!" Itinaas ni Man ang dalawang kamay. " Joke lang po! Joke lang!"
Matalim na tingin lang ang itinugon niya dito.
"Sino ba naman kasi ang sinasabi mong mahal mo?" Tanong muli nito.
Saglit siyang napatiitg dito. At tinanaw si Tine sa katapat na classroom. Napasunod naman sakanya ng tingin doon ang kaibigan.
Nakita nila ang napaka-cute na smile ni Tine habang kausap ang seat mate na si Fong.
Mukhang napaisip ang kaibigan habang napatitig sa kanya. Maya-maya'y pinaglipat-lipat naman nito ang panigin sa kanya at kay Tine sa katapat na classroom habang titig na titig na naman siya Doon.
"Uuh! siya pala," Patango-tango ang napaismid na si Man. "Inlove ka pala sa kanya"
"May sinasabi ka ba?" Baling niya dito.
"Oo,"
"Ano 'yon?"
"Sabi ko lang naman na siya pala ang maswerteng nakabihag ng heart mo," Inginuso si Tine. "Sabagay he looks so perfect naman."
"Yes, I love him!"
"Wow! tologobo? sigurado ka love na 'yan? Hindi kaya crush, crush lang?"
"Sa palagay mo ba magkakaganito ako kung crush, crush lang 'to?"
"Bakit napapano ka ba?"
"Haayy! ka asar ka, talaga!"
"Oh bakit, anong mali sa sinabi ko?" Kibit balikat ni Man.
BINABASA MO ANG
When Do You Tell Me That You Love Me?
Teen FictionGigil na gigil sa inis si Tine kay Sarawat, ang lalakeng palagi n'yang nahuhuling titig na titig sa kanya. Ngunit sa pagkakataong muntik na siya nitong mabangga habang nagbibisikleta ay bigla na lang naglaho ang galit niya rito, at napalitan ng labi...