When Do You Tell Me That You Love Me?

28 3 0
                                    

Chapter 18

        Pagkapasok nila ng library.
       
      "Tine, doon muna tayo," itinuro," Turo ni Aliah sa kinaroroonan ng nagdu-drawing ng group project nito.

       "Sige," Tango naman ni Tine.

         Kaagad naman nilang sinilip ang dino-drawing ng Artist nina Aliah ng makalapit sila rito.

         Masaya si Aliah dahil malapit nang matapos ang project ng grupo nito.

         Napabuntong hininga naman si Tine sa lungkot, sino ba ang pwede magdrawing nitong project nila?

         "Aliah, punta na muna ako doon," Paalam niya dito na ininguso ang mesa sa tapat ng bentana.

           Tumango naman ang babae, at agad na siyang nagtungo doon. Pagkaupo niya ay s'ya namang pagpasok nina Tess at Flor sa pinto. At deritsong lumapit sa kanya.

          "Tine!" Tapik ni Tess sa likod n'ya.

           Napalingon siya.  "Oh, kayo pala! Sa'n ba kayo galing?"

          "Nagpunta sa Ten E" Sagot ni Tess.

          "Oo, may nakapagsabi kasi sa amin na may magaling daw magdrawing doon, kaya pinuntahan namin kaagad." Sabi naman ni Flor.

          "Oh, tapos anong nangyari?" Tanong n'ya.

          "Wala may na una na daw eh," Sagot ni Flor.

         Nagsi-upo ang dalawa sa magkabilang side n'ya.

         Pumihit sila paharap sa gitnang bahagi ng library, kung saan naroon ang mga studyanteng nagpapadrawing, at ang mga nagdodrawing.

         Lalong mas puno ngayon ang library dahil pati ibang section ay may project na rin ng katulad sa kanila.

          "Napakasaya nila, no?" ang sabi ni Flor.

          "Syempre, makapagpasa kaagad sila." Sagot niya, (ni Tine)

          "Paano kasi, hiniya mo si Edu kahapon," Si Tess.

          "Kung s'ya rin lang, wag na!" Sagot n'ya.

          "Bakit ba napakalaki yata ng galit mo do'n?" Si Flor.

           Hindi na s'ya sumagot at sumimangot na lang.

           Nakita ni Tine, na pumasok si Sarawat, kasama nito ang dalawang kaibigan na sina Man, at Boss. Bitbit ni Wat ang cartolinang nakalukot, marahil ay ang project iyon ng 4'Lyns. Naghanap ito ng mapu-pwestohan.

           Nagbulongan ang tatlo, (Wat, Boss, Man) at humiwalay ng deriksyon si Man. Papalapit ito sa kinaroroonan nila.

           "Hi!" Bati ni Man sa kanila. "Bakit puro mga byernes santo 'yang mga pagmumukha n'yo, huh?" Pabirong tanong nito.

           "Wala kasi kaming nakukuhang magdo-drawing nitong project namin," Sagot kaagad ni Tess dito.

             "Hmmm,,," patango-tango ito. "Kung magtitiwala kayo sa'kin, ido-drawing ko kayo,"

           "Talaga?" Na-excite na sambit ni Flor.

           "Kaya mo? Marunong kang magdrawing?" Tanong ni Tess.

           "Hmmm, medyo," sagot naman nito.

           "Medyo? Bakit medyo? Ibig ba sabihin hindi madali sa'yo?" Sabat ni Tine.

When Do You Tell Me That You Love Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon