When Do You Tell Me That You Love Me?

15 2 0
                                    

Chapter 37

          Isang oras pa bago ang oras ng first subject sa hapon. Pumasok ng comfort room si Tine. Ang comfort room sa bandang likod ng library, pero mga limang metro ang distansya nito sa mismong library building.
      
  Pagkalabas niya ng  mismong pinasukang room., agad na siyang nagtungo ng lababo, ngunit napahinto siya sa paghakbang ng makitang naroon si Wat, naghuhugas ng kamay.  Napalingon ito sa kanya at nagtama ang kanilang paningin.
        
Naisip niyang lumabas na lang at wag nang lumapit ng lababo.
       
Pero hindi eh, dapat talaga siyang maghugas ng kamay, kaya't napilitan na siyang tumuloy sa lababo. Nag eyes to eyes sila ni Wat habang papalapit siya sa kinaroroonan nito, (sa lababo).
          
Nakikita niyang may lungkot sa mga mata nito habang nakipagtitigan sa kanya. Napakunot naman ang noo niyang nakipagtitigan din dito habang papalapit siya rito. Sa pagkakataong ito parang nawala na 'yong pagkailang niya tuwing nakatingin ito sa kanya, at magsalubong ang kanilang.paningin... kinakaya na n'ya ang makipag titigan dito ng deritsahan.
         
Nagbawi lang siya ng paningin ng ibaling niya ang mga mata sa lababo, binuksan niya ang gripo at naghugas na ng kamay. Sa sulok ng kanyang mata ay nakikita niyang nanatiling nakatitig si Wat sa kanya. Para bang nahihipnotismo na yata ito.
          
"Ano kaya ang problema nito?" Tanong niya sa isip. Isinara niya ang gripo pagkstapos niyang maghugas ng kamay. At kunot noong inirapan niya ito. "Anong tinitingin-tingin mo?" Yong tanong na gusto niyang sabihin. Pero hindi na niya ginawa, pakialam ba niya dito? Napatalim na ng husto ang paningin niya sa lalake.
         
Nagbawi ng paningin si Wat at itunoon nito ang mga mata sa malaking salamin. Tumingala ito at suminghap na parang may pinipigilang luha na gustong  umagos.
       
  "Ano naman kayang drama nito?" Kunot noong tanong niya muli sa isip. "Bahala ka nga!" Sa isip n'ya pa rin. Tumalikod na siya at humakbang na upang makalabas at makaalis na rito.
          
Biglang hinawakan nito ang wrist  n'ya at pahablot siya nitong ihinarap muli rito.
          
Ikinagulat niya ang ginawa nito. "Ano bang..." salitang namutawi sa bibig niya na hindi na natapos ang sasabihin ng bigla na lang siya nitong hinawakan sa magkabilang pisngi at ginawaran ng halik sa labi. Napakariing halik ang ginawa nito.
         
Kaagad naman niya itong itinulak. "Ano ba?!" Matalim ang tinging sambit n'ya nang ihiwalay nito ang lips mula sa lips  n'ya.
        
Nag-angat ito ng mukha at tinitigan s'ya saglit. At muli nanaman nitong sinakop ang mga labi n'ya. Itinutulak n'ya ito pero hindi ito nagpapatinag. Sinubukan niyang umatras ngunit mabilis naman siya nitong naisandal sa lababo. Yong halos hindi na siya makagalaw dahil sa subrang dikit na ng kanilang mga katawan. At niyayakap na siya nito sa beywang. Panay naman ang tulak niya rito. Hinahawakan.niya ito sa balikat at itinulak, pero tila ang bigat nito na hindi niya basta-basta na itutulak para mailayo ito sa pagkakadikit sa katawan nya, at patuloy ang pananakop ng lips nito sa lips nya.
          
May 30 seconds ding lumipas bago ito muling bumitaw sa pagkahahalik sa lips n'ya.
          
"Ano ka ba?! Bakit ba basta, basta ka na lang nanghahalik, huh?!" Magkasalubong ang mga kilay n'yang tanong dito, sabay ng paghawak sa mga braso nitong naka pulupot sa beywang n'ya, para kalasin ang pagkakayakap nito.
         
Kusa naman itong kumalas sa pagkakayap sa kanya. "Sorry kung... patay gutom ako sa halik!" Ang sabi.
         
Buong pwersa niyang itinulak ang dibdib nito palayo sa dibdib n'ya. Napa atras naman ito ng kunti.
         
"Ano ba talagang Trip mo?!" Galit na tanong nya dito. "Kung patay gutom ka sa halik, bakit hindi ka doon humalik sa girlfriend mo?!"
         
"Huh?!" Sambit nitong napasalubong din ang mga kilay.
         
"Bakit hindi ka doon magpakabusog ng halik sa girlfriend mo? Bakit ako na lang palagi ang pinagti-tripan, huh?!
        
"Anong sinasabi mo? Wala naman akong g....."  hindi nito natapos ang gustong sabihin ng bigla na siyang sumabat.
          
"Porket halos lahat na lang ng studyante rito ay naghahabol at nagkakandarapa sa'yo, inaakala mo namang ganoon rin ako?! Subrang bilib mo naman yata sa sarili mo? Mahiya-hiya ka nga sa sarili mo!"
         
Napaawang na lang ang bibig nitong napatingin sa kanya ng may pait sa mga mata.
        
"Pakialam ko ba sa'yo? Pakialam ko ba kung sinong girlfriend mo?!" Dugtong pa n'ya. At may dinukot siya sa bulsa. Ng makuha niya ang bagay na dinudukot sa bulsa ay kaagad n'ya iyong itinapal sa mukha ni Wat.
       
  "Ayan ang sulat mong walang kwenta! Isaksak mo yan sa baga mo!" Pagkasabi'y patakbo na siyang umalis.
         
Ikinabigla naman ni Wat ang kanyang ginawa, at kaagad itong napahawak sa isang sobre na pinantapal niya sa mukha nito.
       
  "Huh?!" Sambit ni Wat ng makita ang hawak na sobre. Namilog ang mga mata nito sa pagkagulat dahil miliar sa paningin nito ang sobre.
       
  Oo, tama! Naalala nitong ganito din ang sobre ng natanggap niyang sulat. Ganitong-ganito talaga 'yon, walang pinagkaiba.
         
Agad na nitong dinudukot sa loob ng sobre ang papel na naglalaman ng sulat at kaagad binasa iyon.
         
Nanlomo at halos takasan na ito ng lakas sa pagkadismaya pagkatapos mabasa ang sulat.  Magkahalong galit at pagkadismaya ang naramdaman nito. Nadismaya ito sa gulong nangyari dahil sa mga sulat na tanggap nila pareho ni Tine.
            
Dinukot din nito sa bulsa ang natanggap din nitong sulat at pinagtagni nito ang dalawang sulat. At nakita nito ang pagkakapareho ng petsa kung kailan isinulat, at lalong-lalo na ang itsura ng sulat kamay.
        
Nakuyumos nito ang dalawang sulat. Sa subrang pagkadismaya dahil sa laki ng nasira dahil sa mga sulat na ito. Naroong nasira ang pagkakaibigan nila ng bestfriend nitong si Man. Naroong nagkahiwalay si Man at Beth. Naroong medyo lumayo na rin ang loob sa kanya ni Boss dahil nga parang mas pinapanigan nito si Man.
          
At si Tine, kaya pala ganoon na lang ang lungkot na nakikita nito sa mga kilos ng minamahal mula noong araw na iyon. Yong araw na pareho pala silang nakatanggap ng sulat. At ngayon ay lumalayo na rin ang loob ni Tine sa kanya. Hindi nga lang sa lumalayo, kundi galit na rin ito sa kanya.
           
Paano niya aayusin ang mga nasirang samahan nila ng kanyang kaibigan? Paano niya ibabalik ang lahat na magaganda nilang samahan?
          
Sising sisi na sya, kung bakit hindi niya pinakinggan ang kaibigan, at kung bakit hindi niya ito hinayaang magkapagpaliwanag.
         
Marahil 'yong pagyakap ni Tine kay Man, ay dahilan na siguro iyon sa naramdamang sakit ng mahal niya dahil sa natanggap at nabasang sulat.
        
At sino? Sino ang may pakana ng mga sulat na ito? Sino ang may gawa nito? Ano ang gustong mangyari ng gumawa nito? Bakit nito sila sinisira?
        
"Shiit!" Sambit sa sarili ni Wat ng masagi sa isip si Rutchielyn. Oo hindi malayong si Rutchielyn ang may kagagawan nito. Nabanggit pa nga ang pangalan nito sa sulat na natanggap ni Tine.
          
Di ba?  palagi nitong sinisiraan sa kanya si Tine? Na kapag nakakausap niya ito ay palagi nitong nababanggit si Tine at halos puro lang masamang salita para kay Tine ang mga sinasabi nito, maging ang mga kaibigan nitong mga Lyn's din ay sinusuportahan pa ito.
        
"Walang hiyang babaeng yon!" Sambit niya (ni Wat) sa sarili.

When Do You Tell Me That You Love Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon