When Do You Tell Me That You Love Me?

15 2 0
                                    

Chapter 41

Sa kabila ng mga bugbog na natamo ni Wat, ay patuloy pa rin itong pumapasok sa klase. Hindi na lang muna nito ginawa ang paglapit kay Tine para kausapin. Nahihiya ito at uncomfortable na makipagharap sa minamahal, na may mga pasa pa sa ito sa mukha at maliit na sugat sa bandang noo. Ilang araw na lang naman siguro at gagaling na ang mga pasa nito at hindi na nita ito ikakailang para harapin at kausapin ng maayos si Tine in person.
          
At si Tine naman ay talagang iniiwasan niyang mapalapit o kahit makasalubong man lang si Wat. Patuloy pa rin ang kanyang pagkalito dito. Pagkalito dahil sa iba naman talaga ang ikinikilos nito sa sinabi nito sa mga sulat.

          
            PATUNGO ng comfort room si Rutchielyn ng mapansin nitong naroon na si Wat sa pinto ng CR at pumasok sa panlalakeng rooms.
          
Nakaramdaman man ng self pity ang babae ay mas nangibabaw pa rin dito ang evel plan. Tatlong araw na rin mula noong araw na nabuking ng magkakaibigan ang tungkol sa mga sulat. Tatlong araw na ring nagngingit ito sa galit. Tatlong araw na rin mula noong mabigyan nito ng pangalawang sulat si Tine. At tatlong araw na rin itong naghihintay na maisakatuparan ang gagawing pagsira pa nito sa kung ano man ang tunay na relasyon ng dalawa na sina Wat at Tine.
         
So far sa tatlong araw na iyon, hindi pa nito nakikitang nag-usap ang dalawa. Baka naman, gumana yong pangalawang sulat na ginawa nito kaya't galit pa rin si Tine kay Wat at umiiwas pa rin ito sa boyfriend. At nangiti ang babae sa naisip.
         
"Oh oh oh! Binggo!" Pitik nito sa mga daliri ng makitang paparating si Tine na, nakatungo at busy sa kakapindot ng cellphone habang naglalakad.
        
"Thank you! Thank you! Thank you, sa pagkakataong ito!" Tuwang-tuwa na Sambit pa nito.
        
S'ya namang paglabas ni Wat mula sa loob. Kaagad itong nilapitan ng babae at humarang sa harap nito.
        
Nagulat si Wat na kaagad napatingin sa mukha ng babae at nagitla ito.
         
"Hi, Wat!" Bati ng babaeng subrang luwang ang pagkakangisi. Sinulyapan ang papalapit nang si Tine, na busy pa rin sa kakapindot ng kanyang cellphone.
          
At biglang hinawakan ng babae ang magkabilang pisngi ni Wat, and kiss him hardly.
           
Sa bilis ng hindi inaasahang gagawin ng babae ay hindi kaagad nakapalag si Wat. Three seconds ang nakaraan  ng makagalaw si Wat at kaagad na hinawakan ang balikat ng babae para itulak ito. Ngunit parang sawang nakapulupot na ang mga kamay nito sa leeg at parang lintang nakakapit ang labi nito sa labi ni Wat.
          
At ang eksinang iyon ang nabungaran ni Tine ng mag-angat siya ng paningin. Kitang-kita niya ang paghahalikan ng dalawa, na inaakala niyang parehong ginusto ng dalawa ang ginagawa. Nasaktan siya sa nakita. Naroong agad namuo ang mga luha sa kanyang mga mata na pinipigilan n'yang huwag kumawala.
         
Patuloy ang pagpiglas ni Wat sa ginagawa ni Rutchielyn, na inaakala naman ni Tine na ang kilos nito ay ang reaction lang ng katawan nito dahil sa labis nitong nagustohan ang ginagawa.
          
Isinilid niya ang hawak na cellphone sa kanyang bulsa at   mabilis na siyang humakbang para dumiritso sa loob ng CR. Dahil sa parang hindi na niya kaya pang pigilan ang mga luhang gusto nang kumawala sa kanyang mga mata.
          
Nahagip siya ng paningin ni Wat sa gilid ng mata nito. Kaya't agad itong nag-alala at natakot na baka paniwalaan niya ang kanyang nakita. At lalo pa itong mahirapan pang suyoin s'ya.
          
Kinagat ni Wat ang pang ibabang lips ni Rutchielyn upang bumitaw na ito sa kakahalik dito.
         
Ikinagulat ni Rutchielyn ang naramdamang sakit sanhi ng kagat ni Wat kaya't napaangat ito ng mukha at bumitaw sa kahahalik kay Wat.
Pero nakapulupot pa rin ang mga kamay nito sa leeg ng lalake kaya't nahirapan pa rin itong kumalas sa pagkakayap ng babae.
          
"Tine!" Tawag agad nito sa kanya ng mailayo ang mukha nito sa mukha ng babae habang pilit nitong tinatanggal ang kamay ng babae na nakapulopot sa leeg nito.
         
Naiiyak na inirapan n'ya  lang ito at dumiritso na papasok sa loob ng CR.
         
"Tine, sandali!" Tawag pa nito sa kanya. Na patuloy ang pagpupumiglas para bitawan ng babae.
        
Hindi n'ya  naman napansin at narinig ang pagtawag nito sa kanya dahil sa sakit na nararamdaman, Napuno na ang utak n'ya sa mga isipin. Diritso siya sa loob ng isang room at agad na inilabas ang naipong tubig ng pantog n'ya habang pigil ang pag-iyak. Pagkatapos niyang umihi ay nakaramdam siya ng kaalwanan sa pakiramdam,,, pero ang sakit na nararamdaman ng dibdib niya ay lalong tumitindi. Lumabas na siya ng pinasokang room at nagtungo sa lababo upang maghugas ng kamay.
         
Doon ay hindi na niya napigilan ang pagkawala ng mga luha sa kanyang mga mata... paulit-ulit sa isip n'ya ang nakita, Wat and Rutchielyn hardly kissed sa lugar pa na maaring maraming daraan at makakakita.
        
"Totoo ngang patay gutom sa halik ang lalakeng 'yon!" Sambit niya sa sarili. "At nagpakabusog na nga s'ya ng halik doon sa girlfriend n'ya! Proud pa talaga s'ya huh? Kasi kung hindi pa s'ya proud, sa tagong lugar sana nila ginawa 'yon!" Dugtong pa ng isip n'ya.
         
"Bakit ka ba nagrereklamo? Diba yan naman ang gusto mo? Ikaw pa nga mismo nagsabi sa kanya na doon siya sa girlfriend n'ya magpakabusog ng halik! Tapos ngayon iiyak-iyak ka!" Kinakausap sa isip ang sarili niyang repliksyon sa salamin sa may lababo.
         
"Ang sakit pala talaga! Akala ko ok lang ako at tanggap ko na, na hindi ako ang gusto ni Wat, pero iba pala kapag nakikita mo ng personal nakipaglandian at naghahalikan sa harapan mo 'yong taong mahal na mahal mo doon sa taong mahal din n'ya. Ang sakit, subra!"

When Do You Tell Me That You Love Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon