Chapter 30
"Speaking of the devil!" Sambit ni Tine, ng makitang si Boss ang nagsabi niyon, papalapit ito sa kanila, kasama si Man. "Salamat naman!" Naiusal pa niya sa sarili at lihim na napangiti. Ngayon ay safe na siya sa pangungulit ng kaibigang si Fong.
"Narito pala kayong lahat!" Puna ni Man na pinaglipat-lipat ang paningin sa apat.
Walang nagsalita sa kanila para sagutin ang mga sinasabi ng dalawang dumating.
Si Beth na nakaramdam ng pagka-awkward kay Man. Si Wat na pinasadahan ng tingin ang lahat, pati ang bagong dating. Si Fong na nakipagtitigan kay Boss.
At si Tine na nakangising pinaglipat-lipat ang paningin kay Boss at Fong. Na lihim na nagbubunyi ang kalooban dahil nakaligtas sa pangungulit ng kaibigan.
Wala talaga siyang kaalam-alam sa nangyayari.
"Kumusta na?" Direktang tanong ni Man kay Wat at Beth.
Ngayo'y napatingin ang lahat kay Man.
"Viral na ba?" Sabat naman ni Boss.
"Teka! Ano 'yong nag Viral?" Takang tanong ni Beth.
"Yong halikan ng lovebirds!" Sagot ni Boss.
"Ano 'yon?" Tanong ni Fong kay Boss.
"Scandal!" Mukhang nagpipigil ng tawang sagot ni Boss.
"Uy, pasend!" Mabilis pa sa kidlat na sambit ni Fong.
"Hoy! Bakit kayo nanonood ng ganyan huh?!" Sambit ni Tine. "Ikaw, bakit napaka-active mo sa ganyan?!" Baling niya sa kaibigan.
"Nakiki-viral lang!" Sagot sa kanya ni Fong. "Artista ba 'yan? Sino?" Baling na tanong ni Fong kay Boss.Napatanga na lang sina Wat, Beth at Man, na nakatingin kay Boss at Fong. Habang na sa-shock si Tine sa kalokohan ng dalawa.
"Hindi,,, studyante lang sila dito." Sagot muli ni Boss.
"Hala! Sino?" Gulat na tanong ulit ni Fong kay Boss.
"Hoy! Tigilan mo na 'yan!" Saway ni Man kay Boss sabay batok dito. "Puro ka kalokohan!"
"Arayyy!!" Sambit ni Boss na napahawak sa ulong nabatukan. "Nagbibiro lang eh!" Sabay lingon kay Man.
"Loko, biro lang pala 'yon?" Sambit naman ni Fong.
"Oo, pinaglololoko ka lang niyang boyfriend mo!" Sagot naman ni Man kay Fong. "Parusahan mo 'yan!"
"Anong parusa naman ang dapat sa kanya?" Baling ni Fong kay Man.
"Yong nakakahimatay na halik!" Sabat ni Wat.
"Game!" Sambit naman ni Boss.
Nagtawanan sina Man, Boss, Fong at Wat. Si Beth naman ay nangingiti lang. Samantalang namimilog at napaawang na lang ang bibig ni Tine dahil sa kalokohan ng mga ito.
Sumeryuso na muli si Man. "Deleted na ba? Hindi na namin nakita ni Boss, eh!" Tanong na muli nito kina Wat at Beth.
Sabay na nagsitango ang dalawa.
Napakunot ang noo ni Fong. "Hoy! Totoo ba 'yong scandal? At ngayon ay deleted na? Sino ang mga 'yon?" Sunod-sunod na tanong ni Fong. Napasok tuloy sa isip nito na baka si Wat at Beth 'yon. At iyon ang dahilan ng importanting pinag-usapan ng dalawa.
"Walang ganu'n!" Si Boss na ang sumagot kay Fong. "Joke ko lang talaga 'yong kanina,"
"Eh, ano pala 'yong deleted na?"
"Yong galit ni Beth sa'kin, kung deleted na ba,,, ibig sabihin kung hindi na ba siya galit sa'kin..." Sagot ni Man.
"Weehh!" Dudang sambit ni Fong."Oo, nagalit kasi ako sa kanya, dahil akala ko pinagpalit na n'ya ako kay Tine." Paliwanag naman ni Beth.
"Oo, tama! Too 'yong mga sinasabi nila. Pinagsilosan ako ni Beth kay Man." Baling naman ni Tine sa kaibigan. "Yan siguro deleted na 'yong pagseselos ni Beth dahil na paliwanagan na siya ni Wat." Dugtong pa niyang paliwanag dito.
"Oo, tama si Tine!" Sabat naman ni Boss.
"Ah, ok!" Ang nasabi na lang ni Fong.
"Ah, guys!" Tumayo si Tine. "Hindi naman ako kasali sa mga pag-uusapan n'yo, no? Ahmm... actually, hindi naman talga ako dapat nandito,,, Baka pwede na akong mauna sa inyo?"
Napatingin sa kanya ang lahat.
"Paano Fong your boyfriend is here na," Baling naman niya sa kaibigan. "So, means... mao-OP na lang ako,,, kaya mauna na ako sa'yo, huh?" Paalam niya sa kaibigan.
'Yong gustong-gusto na nga sanang hawakan ni Wat ang kanyang kanang kamay na dumaiti sa kaliwang kamay din nito sa pagtayo n'ya, dahil nga magkatabi lang sila. 'Yong gustong-gusto na siya nitong pigilan upang manatili lang siya sa tabi nito hanggang mag time sa next subject. 'Yong gustong-gusto na siya nitong yakapin, para sa pasasalamat na hindi siya napahamak dahil sa post na iyon ni Beth. Pero hindi naman nito magawa.
"Sige guys, mauna na ako sa inyo!" Yumukod pa siya bago umalis.
Napasunod na lang ng tingin sa kanya ang lahat.
"Wala ba s'yang alam?" Baling ni Man kina Wat a Beth ng makaliko na si Tine sa gilid ng classroom para makapunta sa harap at makapasok na rito.
Umiling naman si Wat bilang sagot sa tanong nito.
"Hoy! Anong hindi niya alam?" Takang tanong ni Fong na pinaglipat-lipat ang paningin kina Wat, Beth at maging kay Boss.
"Ahmm,,, may pagkakamali akong nagawa sa kanya..." sagot ni Beth kay Fong.
"Ano naman ang pagkakamali na 'yon?"
"Hmm... ako na ang magpapaliwanag sa'yo," kaagad na akbay ni Boss kay Fong. "Lika, doon tayo!" Ininguso nito ang puno ng macupa.
At nagtungo na nga ang mga ito doon.
"Ahmm, need n'yo na rin mag-usap kaya... mauna na rin ako!" Paalam na rin ni Wat kay Man at Beth.
Tinangoan naman siya ng dalawa. At sinundan na muna siya ng tingin ng mga ito habang papaalis.
Umupo si Man sa tabi ni Beth ng hindi na matanaw si Wat.
"Sorry, mali ang mga iniisip ko!" Paghingi ng tawad ni Beth dito.
"Okay lang, I understand.Pero next time alamin mo muna ang totoo bago ka magpopost ng kung anu-ano. Kasi, maipapahamak mo 'yong tao ng walang kamalay-malay." Mahinahong paliwanag ni man sa girlfriend habang isinasabit sa taenga ang buhok nitong tumatakip sa mukha nito.
Patango-tango naman ito. "Sorry talaga!"
"Oo na, alam mo namang hindi kita matiis. Pero kailangan mo ring mag sorry kay Tine. Kawawa naman 'yong bata, walang kaalam-alam, na naipahiya mo na siya. Kita mo 'yon kanina, napaka-aliwalas ng mukha n'ya, parang walang problema, hindi n'ya man lang talaga alam na nasisira na pala emage n'ya sa mga tao, lalo na kung hindi mo pa nabura 'yon,"
"Yes, I will!" Tango ulit ng babae.
"Payakap nga ako, pwede?" Paglalambing ni Man dito.
"Uy, hindi! Ano ka, temang?"
"Bakit naman? Na miss kaya kita?"
"Alam mo nang maraming dimadaan dito, paano pag may makakita? Nakakahiya, no?"
"Sus, wag mo na lang silang pansininin, inggit lang sila!"
BINABASA MO ANG
When Do You Tell Me That You Love Me?
Fiksi RemajaGigil na gigil sa inis si Tine kay Sarawat, ang lalakeng palagi n'yang nahuhuling titig na titig sa kanya. Ngunit sa pagkakataong muntik na siya nitong mabangga habang nagbibisikleta ay bigla na lang naglaho ang galit niya rito, at napalitan ng labi...