When Do You Tell Me That You Love Me?

14 3 2
                                    

Chapter 34

   As usual, nakaupo  sa sementadong bakod ng malakaing punong mangga si Tine. Nilalanghap ang sariwang hangin dito habang nagmumunimuni.

    Paulit-ulit sa kanyang isipan ang ginawa ni Wat sa kanya sa library. Bakit nito ginawa iyon ng basta-basta na lang, wala man lang sinasabing kung anong saloobin nito sa kanya?
         'Yong nag-assume na s'ya na totoo sigurong pareho sila ng nararamdaman sa isat-isa. Yong wish n'ya na sana siya 'yong tinutukoy sa sinabi ni Wat sa kanya, na gusto at mahal na mahal nito, kaya't hanggang friend or sister lang ang tingin nito kay Lileth.
      
    "Oh, Wat, When do you tell that you love me?" Napapikit na usal niya habang napayakap sa sarili. Ngunit bigla siyang natigilan at napamulat ang mga mata ng maalala si Rutchielyn.
     
     Bigla na naman siyang nalungkot. "Tigilan mo nang kahibangan mo self!" Saway niya sa sarili ng maisip ang mga sinabi ni Rutchielyn na gusto daw itong ligawan ni Wat kung papayag ito.
      
     'Yong napakasakit sa pakiramdam niya na mali pala ang hinala niyang pareho sila ng nararamdaman sa isat-isa ni Wat. Pero bakit ganoon na lang ito makatingin at makatitig sa kanya? 'Yong mukhang nagsiselos ito kapag nakikitang may kasama at kausap siyang babae, anong ibig sabihin ng mga iyon? At yong sa library nga, anong ibig sabihin no'n?
           
     
     Nahinto ang kanyang pagmumuni-muni ng may lumapit sa kanyang isang batang lalake na sa hinuha n'ya ay isa itong grade seven.
      
    "May nagpapabigay sayo nito," ang sabi sabay abot nito sa kanya ng isang kulay asul na stationary envelope.
     
    "Huh, Ano yan?" Sambit niya na napatingin sa iniabot nito.
    
     "Love letter siguro!" Sagot naman ng bata.
    
     "Kanino galing? Sinong nagpapabigay?" Mga tanong niya rito habang kinuha niya sa kamay nito ang sobre.
    
     "Hindi ko kilala ang pangalan n'ya,  basta lalake s'ya mula sa grade ten - A,"
    
     "Ah, okay!"
     
    "Sige ho, Alis na ho ako!"

     Tinangoan n'ya naman ito.
     
    Sininghot pa niya ang sobre ng malanghap ang bango nito. "Hmm bango naman nito, kanino kaya 'to galing?" Tanong sa isip niya habang binubuksan ang sobre.
      
    "Sarawat?!" Gulat na sambit niya sa sarili ng mabasa ang sender. "Ano naman kayang pakulo niyang ito? Bakit pa siya sumulat, pwede naman siyang magchat?"
   
      At sinimulan na niyang basahin ang sulat.

Sa iyo Tine,

             Makikiusap lang sana ako sayo na iwasan mo na ako. Itigil na natin ito. Lalo pa at hindi  tama at hindi maganda ang pakipagrelasyon sa isang kapwa lalake. Yong sa library kalimutan mo na yon. Hindi naman sana kasi dapat nangyari 'yon. Gusto ko lang na ibigay sayo ang nais mo sa oras na iyon. Nakikita ko at nahahalata ko kasi na subra ang pagkakagusto mo sa akin.
      
         Pasensya ka na, pinagsisihan ko rin naman kaagad ang nangyari. I'm sorry dahil doon. At I'm sorry din na hindi ko matutugunan ang nais mo. May girlfriend na ako at mahal na mahal ko siya. Ayaw ko nang magkahiwalay kami. Kaya't itigil na natin ang kung anong meron sa atin. Babae naman talaga ang gusto ko. At si Rutchielyn iyon. Oo, si Rutchielyn ang girlfriend ko, mahal na mahal ko siya. Ayaw kong masaktan sya. Ayaw kong magkahiwalay kami.
       
         Tanggapin mo na lang na hindi tayo pwede dahil pareho  tayo lalake. Mas bagay kami ni Rutchielyn, at subra ko talaga siyang mahal.
        
        Layoan mo na ako huh? Please! Hope you understand!
           That's all!

                                                     Sarawat,

   
Nagusot ni Tine ang sulat at hindi na niya napigilan ang pagpatak ng mga luhang nag-uunahang magsibagsak sa kanyang pisngi mula sa kanyang mga mata.
   
    Ang sakit! Subrang sakit ng kanyang nadarama. Kaka wish lang niya kanina na sana pareho sila ng nararamdaman sa isat-isa ni Wat, pero ito ang nangyari, nakatanggap siya ng sulat na ganito ang nilalaman.
Grabe naman makapang-insulto ang lalakeng 'yon! Pagkatapos siya nitong halikan ng walang pasabi, at paasahin, ganito lang pala gagawin.
             
    
      Natatanaw pala siya ni Man mula sa ilalim ng malaking puno ng macupa. Kasama nito sina Boss at Fong na naghaharutan.
    
      Lumapit ito sa kanya ng mapansing mukhang umiiyak siya.
      
    "Tine, what's wrong?" Nag-aalalang tanong kaagad nito sa kanya.
    
      Napatingala siya rito at  kaagad niyang pinahid ng mga palad ang mga luha sa kanyang mga mata.
      
    "Bakit ka umiiyak, buddy?" Tanong pa nito na kaagad umupo sa tabi niya.
    
      "Man..." sambit niya sa pangalan nito at wala sa loob na napayakap dito. Sa subrang sakit ng kanyang nararamdaman gusto niyang may makaramay.
      
    "Bakit? Anong problema?" Tanong naman sa kanya ni Man na kaagad nakabawi sa pagkagulat ng pagyakap niya.  Hinaplos at tinapiktapik nito ang likod niya.
      
    "May maitutulong ba ako?" Dugtong pa nito na patuloy ang haplos-haplos sa likod niya bilang pagco-comfort sa kanya.
     
     "Huh?!" Sambit naman niya ng mataohan na hindi pala siya dapat yumayakap kay Man.
     
       Napakalas siya kaagad sa pagkakayakap at napatitig sa mga mata nito. Ng maalala niyang pinagsilosan na nga pala siya ni Beth dito. Baka ma misinterprete na naman ng babae kung makita sila nitong magkayap.
  
     "Anong problema, buddy?" Tanong muli nito.
    
      "Ah, eh... wa-wala! Pasensya na! Hindi ko sinasadya...!" Pailing-iling na sagot niya sabay takbo patungong classroom.
    
     Naiwang napatanga si Man habang sinusundan siya nito ng tingin.
         
  
        NAKITA pala nina Wat at Beth ang pangyayari. Nagtungo kasi ang mga ito dito sa likod ng classroom ng grade nine para hanapin si Man upang matanong tungkol sa natanggap na sulat ni Wat kanina.
     
      Ikinagulat at ikinamangha ng mga ito ang eksinang kanilang naabotan. Ang lumapit si Man kay Tine at nagyakapan ang dalawa.
    
       Umuusok na ang ilong at tenga ni Wat sa galit kay Man. Habang hilam ng mga luha ang mga mata ni Beth.
     
    Lumapit ang mga ito sa natutulalang si Man, na nanatiling nakatingin sa tinakbuhan ni Tine kanina hanggang sa mawala ang lalake sa paningin nito.
      
    "Man!!!" Pasigaw na tawag ni Wat sa pangalan ng kaibigan habang papalapit dito.
      
    Tila nahimasmasan naman si Man ng marinig iyon at napalingon sa mga papalapit.
    
     "Trydor kang kaibigan Man!" Ang nag uusok sa galit na saad ni Wat.
    
     "Huh?!" Gulat na sambit ni Man.
  
      "Ang sabi mo'y hanggang kaibigan lang ang tinginan ninyo ni Tine, bakit ngayon ay magjowa na kayo?!"
   
    Napamaang si Man sa narinig. "Bro, hindi kita maintindihan, a-anong..."
     
     "Sinungaling ka Man! I hate you!" Sabat ng umiiyak na si Beth.
   
      "Beth, b-bakit? A-anong kasalanan ko?" Nagugulohang tanong ni Man sa girlfriend.
   
      "Ito ang patunay!" Nagtitimpi pa rin sa galit si Wat na iniabot kay Man ang sulat na natanggap. "Basahin mo!"
  
     "Ano naman 'to?" Takang tanong ni Man na kinuha sa kamay ni Wat ang iniabot nitong sulat.
  
      "Basahin mo na lang!" Sabat muli ng inisinok-sinok na si Beth.
  
       Agad naman itong binasa ni Man.
     
     "Walang katotohanan 'to! Wala kaming relasyon!" Sambit ni Man pagkatapos mabasa ang sulat.
     
    "So anong ibig sabihin nito?" Hinablot ni Wat ang sulat mula sa pagkakahawak ni man. "Are you saying na nagsisinungaling si Tine dito?"
    
     "Nakita mismo ng dalawa naming mga mata ang ibidensya Man! Kaya wag ka nang magkaila!" Sabat muli ni Beth.
   
    "Beth, hindi!" Napailing-iling na sambit ni Man. "Hindi totoong kami, maniwala ka!"
     
    "Malinaw sa aming paningin ang pagyayakapan ninyo kanina... anong ibig sabihin no'n... aber?"
     
    "Hindi! Mali kayo ng iniisip! Walang malisya ang yakap na 'yon, maniwala kayo!"
     
     "I hate you, Man! Hindi mo na mabibilog muli ang ulo ko! Malinaw na malinaw sa akin kung ano ang nakita ko!" Pagkasabi'y agad na ring tumakbo patungong classroom si Beth.
  
      "Beth, wait! Let me explain!" Habol na tawag ni Man sa babae. Ngunit hindi na ito nakinig.
   
      "I also hate you, Man! Trydor kang kaibigan!" Mahina pero mariing saad ni Wat. Pigil na pigil nito ang galit.
  
       "Bro, please! Let me explain! Pakinggan n'yo naman ako! Walang kami ni Tine! Please!"
    
      "Pinuputol ko na ang ating pagkakaibigan! Magkanya kanya na tayo! Bahala na si Boss kung kanino siya sasama sa'tin!"
     
     "Bro! Wag gano'n! Please! Makinig ka naman, pakinggan mo muna ako!"
     
     "Bakit? Ano pa bang kasinungalingan ang sasabihin mo?! Maiwan na kita bago pa maubos ang pasensya ko, at baka ano pang magagawa ko sa'yo"  Tumalikod na ito at humakbang na paalis.
 
       Nakailang hakbang na ito ng mapahinto at muling binalingan si Man. "And don't you dare, to  bother me even once! Good bye traitor!" At nagpatuloy na ito sa pag alis.
 
       Napabuntong hininga si Man. Naihilamos nito ang mga palad sa mukha. Hangang pinadaosdos pataas sa ulo ang mga palad nito at napasabunot sa sariling buhok. "Ano bang nagyayari?" Sambit nito sa sarili.
 
       Binitawan ni man ang sariling buhok at napatayo. Tumingala sa kawalan. Na idipa ang magkabilang kamay.
    
      "Aaaaaaahhhhhhh!" Napahiyaw ito ng malakas, walang pakialam sa mga nasa paligid. "Aaaaahhhh!" Hiyaw muli nito na napaluhod na sa lupa. At sinabunutan muli ang sarili.
 
         Naalarma naman sina Boss at Fong ng marinig ng mga ito ang pagsigaw ni Man, lalo na ng makita ng mga ito ang ayos nitong nakaluhod sa lupa habang sinasabunotan ang sarili.
   
       Kaagad nagsilapit ang dalawa kay Man.
  
       "Bro, anong problema?" Tanong kaagad ni Boss dito.
     
     "Anong nangyari, Man?" Tanong din ni Fong.
   
       Napatingin si Man sa dalawa. Pigil nito ang mga luha.
  
       Inalalayan ito ng dalawa na itayo at iupo muli sa sementadong upuan na bakod ng puno ng mangga.
   
     "Anyari?" Nag-aalalang tanong muli ni Boss.
   
       Hirap ang kaloobang ikinuwento ni Man sa dalawa ang nangyari.
 
       "Si Tine, pala!" Baling nito kay Fong pagkatapos maikwento ang nangyari. "Puntahan mo na s'ya sa classroom n'yo! Mukhang may malaking pinagdadaanan din s'ya."
    
    Sa kabila ng sariling pinagdadaanan nito ngayon ay nag-alala pa rin si Man kay Tine.

To be continue...

Again, pasensya na sa typo error!🙏🏻🙏🏻🙏🏻 at wrong grammar!

When Do You Tell Me That You Love Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon