Chapter 6
Gigil na gigil sa inis si Tine noong mga nakaraang araw at mga linggo, ngunit bakit mula ng makita niya itong bagong gupit at naging super pogi sa kanyang paningin noong kamuntik na siya nitong mabangga habang nag bibiseklita ay bigla na lang naglaho ang galit n'ya rito. At para bang napalitan na ng labis na paghanga para sa lalake.
Bakit parang gusto na n'yang palagi itong nakikita? Bakit parang kinikilig na rin s'ya sa t'wing nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya? Lalo pa't hindi ito mapakali kapag nararatnan niyang nakatitig ito sa kanya. Y'ong tipong hindi alam kung saan ibabaling ang paningin.
Naroong hindi na n'ya nakakalimutang sulyapan ito sa katapat na classroom. Kahit nagdi-discuss ang mga teacher nila bawat subject, ay napapasulyap pa rin siya doon. Mukhang nahahawa na nga siya sa pasulyap-sulyap rin nito sa kanya.
Bakit hindi na ito mawala-wala sa isip n'ya? Bakit kahit saan siya naroon ay mukha pa rin nito ang palagi n'yang nakikita, kahit wala naman talaga ito roon.
Kapag wala naman ang lalake sa loob ng classroom nito at hindi niya makita dahil sa siguroy absent ito, ay bumibigat ang kanyang pakiramdam, parang nararamdaman niyang na mimiss n'ya ito.
Bakit ba s'ya nagkakaganito? Ano ba ang nararamdaman niyang ito? Naiinlove na ba talaga siya sa lalakeng iyon?
What? Siya nai-inlove na, at sa lalakeng iyon pa talaga?
Ah, hindi! Siguro'y humanga lang talaga siya dito.
Lumipas pa ang ilang linggo. Pilit ini-iwasan Tine na mapasulyap sa lalake, pilit niyang alisin sa isip ang rumirehistrong mukha nito kahit hindi naman niya sinasadyang isipin. Pero bakit palagi pa rin itong sumasagi sa utak n'ya? Iwinawaksi niya sa isip ang isiping naiinlove nga siya rito. Ngunit bakit habang tumatagal ay lalo lang lumalala ang nararamdaman n'ya para dito? Ano ba talaga itong nararamdaman niya? Mahal na ba talaga niya ang lalakeng iyon?
Hindi, kailangan na talaga niyang gumawa ng paraan para matigil na itong kahibangan niya.
Isa siyang lalake, dapat babae ang magugustuhan n'ya, hindi yong sa kapwa n'ya rin lalake!Tama! Susubokan niyang mapalapit pa ng husto kay Aliah, tutal inamin naman nitong crush siya nito. Yon nga lang mas crush nito si, Sir. Ah bahala na, basta, kailangan niyang ibaling sa babae itong nararamdaman niya. Malay n'ya naman mapa-ibig niya si Aliah kahit patay na patay pa ito doon sa teacher nila.
Eh mas lalamang naman siya kay Sir dahil, medyo close n'ya naman ng kunti si Aliah at crush din daw siya nito ng kunti. Malay niya, mahulog sila pareho sa isa't-isa.
SINUBOKAN na nga ni Tine na mas lalo pang mapalapit kay Aliah. Naroong palagi siyang sumasabay dito sa paglalakad palabas ng gate ng school sa oras ng uwian. Palagi niya itong inaaya mag snack ng sabay sa canteen at siya palagi ang taya. Inaamin n'ya napapagastos talaga siya dito araw-araw, pero ok lang 'yon atleast na da-divert n'ya ang kanyang nararamdaman. Kapag vecant time naman, sa babae pa rin siya lumalapit, naroong nagsilos na nga si Fong dahil halos hindi na niya ito napapansin."Ginagawa mo, Tine? Bakit halos kay Aliah na lang lahat ng atensyon mo?" Sita ni Fong sa kanya. "Nakakalimutan mo na yatang may kaibigan ka dito? Seryuso ka na ba sa kanya?"
Sa totoo lang nawindang siya sa tanong ng kaibigan. Tumayo na sana siya para lumapit na naman kay Aliah dahil wala pa naman ang teacher nila sa subject na ito. Ngunit na pa balik siya sa pag-upo sa kanyang upoan. At napatitig siya sa mukha ng kaibigan. Habang gulong gulo ang isip.
Oo nga halos kay Aliah na n'ya lahat ibinigay ang kanyang atensyon pero wala namang nangyayari. Hindi n'ya naman maramdaman sa babae ang kagaya ng nararamdaman niya para kay Sarawat. Ni hindi n'ya nga masabi na crush niya ito, dahil hindi naman talaga niya iyon maramdaman. Nag-uusap man sila ni Aliah tungkol lang sa kanilang pag-aaral mga assignment, project, o kung hindi man, ay mga walang katuturan lang at mga joke. At si Aliah naman ay wala ring ibang bukang bibig kundi,,, si Sir, napakacute, si Sir napaka gwapo, si Sir inlove ako. Puro na lang Sir ang lumalabas sa bunganga nito.
Ni hindi nga siya makaramdam ng sakit kapag ganoon ang mga sinasabi ng babae. Sa totoo lang niloloko n'ya lang naman talaga kanyang sarili. Dahil ang totoo'y kahit si Aliah ang kasama n'ya, si Sarawat naman talaga ang nasa isip n'ya. Oo pinipilit n'ya naman talagang wag isipin ang lalake, pero kusa itong pumapasok sa isip n'ya eh.
Kahit nga iniiwasan at pinipilit niya ang sariling huwag mapasulyap sa kinaroroonan nito ay hindi naman talaga niya magawa. May pagkakataon pa rin na mapatingin siya doon. And as Usual, nararatnan pa rin niya palagi na nakatitig ito sa kanya.
Naroon ding, habang naglalakad sila ni Aliah papasok o papalabas ng gate ng school ay nakakasalubong nila si Sarawat at ang sama ng tingin nito kay Aliah at sa kanya mismo. Ayaw n'ya naman mag assume na mukhang nagsisilos ito sa kanila ni Aliah, pero parang ganoon naman talaga ang kanyang nakikita.
At sa totoo lang naiinis na rin ulit siya sa lalakeng iyon, kung bakit ba pasulyap-sulyap at patitig-titig lang ito sa kanya, bakit ayaw magsalita at magsabi kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga ikinikilos nito?
"Hoy!" Pukaw ni Fong sa kanya dahil mukhang nakatulog na siya pero dilat ang mga mata. Sabay batok nito sa kanyang noo.
"Aray!!" Sambit n'ya na napahawak sa noo. "Ba't mo ginawa 'yon?"
"Ba't hindi ko gagawin? Mukhang umabot na yata sa Korea o Amirica ang takbo ng isip mo! "
"Huh? Ah eh!"
"Kung seryuso ka talaga kay Aliah, hindi naman kita pipigilan, sosopurtahan pa kita. Pero wag mo namang kalimutan na nandito akong kaibigan mo."
"Uy ano yan, nagtatampo ka?"
"Sa tingin mo?""Eh,,"
"Bahala ka, basta pag nasaktan ka wag na wag kang lalapit sa'kin."
"Ano 'yan? Parang jowa lang na nagseselos?"
"Uhmmm!" Binatukan muli siya nito.
"Para saan na naman 'yon?" Napahawak muli siya sa kanyang noo na binatukan ng kaibigan.
"Para magising ka! Natutulog ka pa yata eh! Diba nga baliw ang babaeng 'yon kay Sir, sa tingin mo maiinlove pa siya sa'yo?"
Hindi siya makapagsalita. Sa isip n'ya tama naman ito.
"Bakit kasi, hindi na lang si Sarawat ang gustohin mo?"
"Ano?!" Namilog ang mga matang napatingin sa mga mata ng kaibigan.
"Malaki pa ang pag-asa mo sa kanya, kay Sarawat, kay sa d'yan kay Aliah." Pagkasabi'y agad itong lumingon sa kinaroroonan ni Sarawat.
"Baliw ka ba?" Sambit n'ya na napatingin rin sa kinaroroonan ni Sarawat. At pareho nilang nakita ang lalakeng mukhang nandidilim ang paningin habang pinapanood silang magkaibigan.
To be continue...
BINABASA MO ANG
When Do You Tell Me That You Love Me?
Roman pour AdolescentsGigil na gigil sa inis si Tine kay Sarawat, ang lalakeng palagi n'yang nahuhuling titig na titig sa kanya. Ngunit sa pagkakataong muntik na siya nitong mabangga habang nagbibisikleta ay bigla na lang naglaho ang galit niya rito, at napalitan ng labi...