When Do You Tell Me That You Love Me?

15 3 0
                                    

Chapter 23

Vacant time muli sa umaga. Naroon muli sa pwesto nila kahapon sina Man, Tess, Flor at Tine. Maging si Wat ay nasa pwesto n'ya rin ito kahapon.

       Tapos nang magdrawing si Man, kinukulayan n'ya na lang ito.

       "Magaling ka naman palang magdrawing, Man!" Napahangang saad ni Tess.

          "Tama!" Segunda naman ni Flor.

          "Yeah! So, excellent!" Complement naman ni Tine.

         "Ano naman 'yong excellent? Nakakain ba yon?" Birong tanong ni Man, pero acted like he is serious of saying it.

          "Heheh! Nagugutom na siguro 'tong lalakeng  'to, kahit excellent ang akala'y nakakain na!" Natatawang sabi ni Tine.

         "Huh? Nakakain nga?" Seryuso pa rin ang itsrurang tanong nito.

           Lalo namang natawa si Tine.

         "Oh, wag kang tumawa, baka ka mangagat!" Si Man ulit, na abala pa rin sa pagkukulay ng drawing. Wala pa ring namumutawing ngiti sa itsura nito.

          Natawa rin sina Tess at Flor.

         "Oh, oh! Wag sabing tumawa! Baka kayo mangagat!"

         Sa halip na tumigil sa pagtawa, lalo pa tuloy na natatawa ang tatlong magkaklase, (Tess, Flor, at Tine).

          "Sinabing wag tumawa, eh! Baka nga kasi kayo mangagat! Titigas ng ulo n'yo!" Wala pa ring ngiti sa mukha nito.

         "Nakakatawa ka kasi!" Si Flor.

             "Aba at ginawa pa ako nitong clown!" Sagot naman ni Man kay Flor.

         "Pssst, wag na kayong maingay! Napakasama na ng tingin ni Ma'am librarian sa atin!" Saway ni Tine.

          Nagsitahimik naman ang mga ito.

         Mayamaya'y muli na namang nagsalita si Man. "Meron pala akong isang bugtong, gusto n'yong sagutin?" Ang sabi.

        "Sige," si Tess.

       "Game!" Si Flor.

      "Okay, makinig kayo, huh?" Si Man.

          "Start na," Si Tine.

         "Okay! Ahmm... May isang gamit ang Tatay ko na dala-dala niya kahit saan magtungo,  ng mag-asawa sila ng Nanay ko, ginamit ito ng Nanay ko. Ng ipinanganak  nila ako, gamit ko na rin ito. At kapag nag-asawa ako, gagamitin na rin ito ng asawa ko. Ano ang gamit na ito?"

        "Ay, ang bastos!" Sambit ni Tess.

          "Oo nga, napakabastos nito, eh!" Segunda ni Flor.

           "Ano namang ikinabastos doon? Mga isip n'yo lang ang bastos, madumi lang talaga kayo mga-isip!" Sagot ni Man sa dalawa.

        "Eh, ano pa bang ibig mong sabihin do'n? May gamit ang tatay, na gamit ng nanay, gamit na rin ng anak, gagamiting ng magiging asawa...... Ang bastos nga!" Sabat ni Tine.

        "Isa ka pa, malicious minded ka rin!" Baling ni Man sa kanya.

       "Eh, ano naman ang mapapala namin kapag nasagot namin ng tama yan?" Si Tess.

       "Wala! Basta magaling lang kayo!"

         "Ang cheap naman!" Sambit ni Flor.

          "Oo nga!" Segunda ni Tess.
          "So, ano pala ang gusto ninyo?" Si Man.

When Do You Tell Me That You Love Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon