Chapter 32
"Wat, snack tayo sa canteen, ako ang taya!" Alok ni Rutchielyn sa lalake, na sinadya pang puntahan sa classroom nito. Hindi man lang na ilang na pumasok sa loob ng hindi nito classroom.
"Ah, hindi na Lyn, hindi naman ako na gugutom," Sagot ni Wat dito.
"Sige na, pasasalamat ko lang sa'yo dahil doon sa paggawa mo ng project namin, hindi mo kasi tinanggap 'yong pinangbayad namin, sa'yo."
"Huh? Tinanggap ko naman ah!" Takang napatingala sa mukha nito si Wat, nakaupo pa rin kasi ang lalake sa pwesto nito, habang nakatayo naman si Rutchielyn sa harap nito.
"Oo, tinanggap mo nga pero kalahati lang,,, alam kung kulang ma kulang pa yon para sa napakagandang gawa mo."
"Ah, eh!" Napangiti ito ng pilit. "Salamat sa complement, pero okay na sa'kin 'yon,"
"Sige na please!""Hmm, salamat na lang Lyn, pasensya na, hindi talaga ako nagugutom, eh! Wala akong ganang kumain ng kahit na ano,"
"Ako na lang ilibre mo, nagugutom ako, eh!" Birong sabat ni Man, pero mukhang seryuso itong tingnan.
Inirapan naman ito ng babae.
"Sige na please, minsan lang namam 'to! Sabi nga nila, to refuse an offer is to insult!" Pag-I-insist nito kay Wat.
Napabuntong hininga si Wat. "Ahmm, pasensya na talaga Lyn, hindi kasi pwede eh!"
"Bakit naman?"
"Baka ma misinterprete ni... ah... ng j-jowa ko pag nakita n'ya tayong magkasamang nagmemeryenda,"
"Huh?!" Gulat na sambit ng babae. "Ah, eh! Totoo palang may jowa ka na?"
Wat nodded.
"Ako na lang kasi ilibre mo, dahil nagugutom ako," Sabat muli ni Man na kanina pa pinaglipat-lipat ang paningin sa dalawa.
"Ako rin, baka pwede mo rin akong ilibre!" Sabat din ni Boss, na kagaya ni Man ay nakatingin din sa mga ito.
Pang-aasar lang sa babae ang intensyon ng mga ito, (Boss at Man. Inirapan lang sila nito.
"Pwede ko ba malaman kung sino ang jowa mo?" Tanong ulit ni Rutchielyn kay Wat.
"Huh? Ah, h-hindi! Hindi pwede, pasensya na!""Bakit naman hindi pwede?
Hindi ka ba proud na jowa mo s'ya?"
"Hindi naman sa gano'n, kung sa pagiging proud lang... proud na proud akong siya ang jowa ko! Hindi lang kasi pweding ipagsabi."
"Bakit naman hindi pwede?"
"Basta, sa amin na lang 'yon!"
"Wehh! Ang sabihin mo, wala ka pa naman talagang jowa!"
"Meron na nga,""Eh bakit hindi mo masabi kung sino?"
"Dahil ibinabawal n'ya sa'kin na sabihin at ipaalam sa nakararami na magjowa kami. At naiintindihan ko naman s'ya, kasi mga valid naman ang reason n'ya kung bakit kailangang itago na muna namin ang aming relationship!"
"Hindi ako naniniwala, sa mga sinasabi mo! Ayaw mo lang talagang tumanggap ng bayad doon sa ginawa mong project namin. Kasi siguro nahihiya ka,,, hindi ka naman dapat mahiya dahil malaking tulong naman ang nagawa mo sa aming project."
"Hmm, bahala ka, nasasayo na yan kung ayaw mong maniwala!"
"Sabihin mo kasi kung sino ang jowa mo?"
"Hindi nga kasi pwede, pasensya na!" Tumayo si Wat, at bitbit nito ang kagamitan sa pagguhit. "Punta na muna ako ng library, tatapusin ko pa ang project nina Lileth. Pasensya ka na talaga, sige na kayo na lang ng mga kaibigan mo ang mag snack sa canteen." Humakbang na ito papalabas ng pinto.
"Kami na lang kasi ni Boss ang ilibre mo ng snack, available kami oh!" Pang-aasar muli ni Man.
Inirapan muli ng babae ang dalawa, at mabilis na ring umalis.
Naisip ni Rutchielyn na totoo nga ang mga sinabi nina Fong at Aliah, magboyfriend sina Wat at Tine. Totoo rin ang sinabi ni Fong, na ayaw lang aminin ni Tine na boyfriend si Sarawat dahil takot itong malaman ng pamilya at baka hindi ito matanggap. Alam niyang ito ang mga valid reason na tinutukoy ni Wat.Nasaktan ang babae at parang hindi nito matanggap ang nalaman, na totoong boyfriend ni Tine si Wat. At ngayon ay nagngingitngit ito sa galit at inggit.
Inggit na inggit ito kay Tine, napatanong ito sa sarili kung bakit si Tine pa ang nagustohan ni Wat gayong pareho naman sila lalake.
To be continue...
Pasensya na din sa typo error!🙏🏻
BINABASA MO ANG
When Do You Tell Me That You Love Me?
Genç KurguGigil na gigil sa inis si Tine kay Sarawat, ang lalakeng palagi n'yang nahuhuling titig na titig sa kanya. Ngunit sa pagkakataong muntik na siya nitong mabangga habang nagbibisikleta ay bigla na lang naglaho ang galit niya rito, at napalitan ng labi...