When Do You Tell Me That You Love Me?

16 2 0
                                    

Chapter 39

        
Nakita pala ni Rutchielyn ang pangyayari, lumapit ito sa kanila, binunggo pa nito si Beth na nakahawak  sa balikat ni Wat na umaalalay sa lalake para tumayo. Napatihaya tuloy si Beth.
       
Agad namang hinaplos ni Rutchielyn ang noo ni Wat, inalis ang mga buhok na nakatakip sa mukha ng lalake. "Wat, okay ka lang ba?" Ang tanong dito.
         
"Hoy, Tine! Dahil sa kalandian mo, napahamak tuloy si Wat! Nilandi mo kasi ang bestfriend n'ya, dahilan upang mag-away sila!" Baling kaagad nito sa kanya (kay Tine). "Pahamak ka talaga!" Dinuro pa nito ang mukha n'ya.
          
Agad namang bumangon si Beth at napaupo sa lupa katabi ni Wat. Habang pinapagpag ang blouse nitong nadumihan.
        
"Hoy, Rutchielyn! FYI, hindi ako lumalandi, at lalong hindi ako malandi! Kasalanan n'yang boyfriend mo kung bakit nangyari sa kanya 'yan! Inagaw n'ya ang girlfriend ng bestfriend n'ya! Mang-aagaw siya ng girlfriend ng may girlfriend! Ikaw kasi, kulang yata ang pag-aaruga mo sa kanya, kaya't humanap ng iba! Hindi mo yata matugunan ang pangangailangan n'ya!" Sagot n'ya kaagad sa babae. At binalingan si Wat.
          
"Patay gutom sa halik yang boyfriend mo eh!" Irap n'ya sa lalake.
       
Napakislot si Wat sa sinabi n'ya, napaawang ang bibig at halatang naging awkward habang nakatingin sa mga mata n'ya (kay Tine).
      
"Dapat kasi binubusog mo s'ya ng halik ng makuntinto at hindi na humanap ng iba!" Baling n'ya muli kay Rutchielyn.
        
Yong napamulagat na lang sina Wat, Beth, at Man sa sinabi n'ya. Habang pinamulahan si Rutchielyn. Nanlisik ang mata nitong nakatingin sa kanya.
        
"Bahala nga kayo d'yan!" Pagkasabi'y agad na siyang tumakbo patungong classroom nila, habang sinundan siya ng tingin ng mga ito.

Ng hindi na makita si Tine, binalingan ng napakatalim na tingin ni Man si Wat.
        
Nagpapaliwanag naman ang mga tingin ni Wat dito.
         
Habang kumilos naman sa pagtayo si Beth mula sa aksidenting pagkaupo nito sa lupa, at pinapagpag ang dumi ng palda.
         
Dahan-dahan na ring tumayo si Wat.
        
"Wat,"  Baling na ulit ni Rutchielyn kay Wat at pinahiran ng panyo ang dumudugo nitong ilong. "Tara sa clinic upang magamot 'yang mga..." Hindi na.nito natapos ang sasabihin ng galit na sumabat kaagad si Wat.
        
"Pwede ba Rutchielyn? Lubayan mo na ako!" Tinampal ni Wat ng medyo malakas ang kamay ng babae na, nagpapahid ng dugo sa ilong at bibig nito. "Dahil sa'yo, nagkalitsi-litsi ang lahat! Dahil sa'yo nasira ang mga pagkakaibigan naming lahat! Nangyari ang lahat ng ito, dahil.sa'yo!" Mariing sabi ni Wat dito, habang nagpipigil sa galit.
        
"Wat?!" Sambit ni Rutchielyn. "Anong ibig mong sabihin?"
          
"Ano bang problema mo? Bakit mo kami pinag-away-away? Ano bang gusto mong mangyari?" Tila napataas na ang boses ni Wat.
           
"Hindi kita maintindihan!" Sagot ng babae.
           
"Maang-maangan epek? Gano'n?" Sabat ni Beth na napatalim na rin ang tingin kay Ruychielyn.
          
"Manahimik ka!" Singhal na baling ni Rutchielyn kay Beth.
          
"Ikaw ang manahimik!" Singhal din ni Beth dito. "Masaya ka ba sa ginagawa mo? Huh, Rutchielyn? Masaya ka bang nagkasira-sira kami? Masaya ka bang sirain ang relasyon namin ni Man? Masaya ka bang sirain ang relasyon ni Wat at Tine?  Masaya ka bang napag-away-away mo ang magkakaibigan? Masaya ka bang nailayo mo na ang loob ni Boss kay Wat? Masaya ka na ba at nabugbog si Wat ng kaibigan n'ya? Ano bang dahilan mo? Ano bang kasalanan namin sa'yo? Bakit mo ginagawa 'to sa amin?" Naiiyak sa galit na sunod-sunod na.tanong ni Beth dito.
        
  "Ano ba yang mga pinagsasabi mo? Bakit ako? Bakit ako ang sinisisi mo?" Mataray pa ring sagot tanong ni Rutchielyn.
        
  "Ah, talaga lang huh?! Papanindigan mo pa rin yang maang-maangan epek mo?" Sagot naman ni Bath dito.
          
'Yong napatanga na lang si Man, nagugulohang nakikinig sa mga sinasabi ng mga ito.
        
Halata naman ang galit sa mukha ni Wat, galit para kay Rutchielyn, habang nakatingin sa pagtatalo ng dalawang babae.
         
May dinukot si Beth sa bulsa ni Wat. At nakuha naman nito ang pakay doon.
      
  "Ayan ang ibidensya! Yan ang dahilan ng lahat! Bakit mo ginawa 'yan?" Ang sabi ni Beth sabay tapal nito sa mukha ni Rutchielyn ng mga sulat na naging dahilan ng pagkakagulo  ng magkaibigan. "Ngayon magmamaang-maangan ka pa rin ba?"
         
Hindi nakasagot sa sinabi ni Beth si Rutchielyn. Tinitingnan lang nito ang bumagsak sa lupa na mga sulat.
        
Dali-dali namang kumilos si Man at dinampot ang mga sulat. "Ano naman 'tong mga 'to?" Sambit na tanong nito, at naupo sa upoan sa ilalim ng punong mangga. Binuklat ang mga sulat at binasa.
         
"Ano? Ide-deny mo ba na hindi ikaw ang gumawa ng mga sulat na 'yan, huh, Rutchielyn?"
       
  Hindi pa rin makapagsalita si Rutchielyn.
         
"Wag ka nang mag deny, huh? Kasi kilala ko na ang sulat kamay mo, binuklat ko muna kanina ang notebook mong iniwan mong nakapatong sa armchair mo, pagkatapos kung mabasa yong sulat mong binigay kay Tine. Bago kami pumarito para kausapin si Man, ay alam na namin ang katotohan!"
         
Hindi na makaimik si Rutchielyn.
         
"Ano? Magsalita ka? Bakit mo ginagawa sa amin 'to? Anong kasalanan namin sa'yo!"
        
"Hindi ba obvious?" Sabat ni Man pagkatapos mabasa ang sulat na natanggap ni Tine. Nabasa na kasi nito yong natanggap ni Wat, kaya't hindi na nito iyon binasa muli.
         
Napatingin ang tatlo dito.
         
"Hindi ba obvious na malaki ang pagkakagusto ni Rutchielyn kay Wat?" Sabi ni Man, na kay Rutchielyn nakatingin. "Ginawa n'ya 'to para pag-awayin si Wat at Tine, para magkalayo ang kanilang mga loob para sa isa't-isa! Para magkaroon siya ng chance na makuha ang loob ni Wat,,, at maging boyfriend n'ya!"
         
"Tama! Yan din naman naisip ko, gusto ko lang marinig mula sa bunganga n'ya ang totoo!" Sagot ni Beth kay Man. Pero gaya ni Man, kay Rutchielyn pa rin ito nakatingin. "Kapal kasi ng pagmumukha!" Dugtong pa nito.
          
"Oo, malas lang natin, pati tayo nadamay! At lahat tayo nagkagulo! Apektado maging si Boss!" Si Man ulit.
           
"Kita mo 'yong epekto ng ginawa mo Rutchielyn?" Ang nagpipigil sa galit na sabat ni Wat. "Lahat kami, nagkagulo, dahil sa'yo! Kaya't hanggang nakapagpigil pa ako, umalis ka na sa harapan ko! Ilayo mo yang pagmumukha mo sa'kin!" Mariin na salitang dugtong pa nito.
          
"Wat..." Sambit ni Rutchielyn na tumitig sa galit na mukha ni Wat.
          
"Umalis ka na, Rutchielyn! At wag na wag ka nang lalapit sa akin... baka ano pang magawa ko sa'yo sa susunod, na paglapit mo sa akin!" Pagtataboy ni Wat dito.
         
Mangiyak-ngiyak na tumakbo si Rutchielyn papalayo, ewan nila kung saan ito patungo.
         
Humugot ng napakalalim na buntong hininga si Wat, ng mawala na sa kanilang paningin si Rutchielyn.
          
"Bro... I'm sorry!" Paghingi ng tawad ni Wat kay Man.  Lumapit ito sa kaibigan. Habang pinupunasan na ng sariling panyo ang mga dugo nito sa mukha.
          
"I'm sorry kung nasaktan ko ang kalooban mo! I'm sorry kung hindi kita nagawang pakinggan at paniwalaan sa mga paliwanag mo!" Patuloy ang paghingi nito ng sorry sa kaibigan. "Nabulagan lang ako,,, at nadala sa galit, mas pinaniwalaan ko ang nakita ko, kaysa pakinggan ang paliwanag mo," umupo na rin ito sa tabi ng kaibigan.
        
Hindi nagsalita si Man, pinagmasdan lang nito ang mukha ni Wat.
          
Lumapit naman si Beth sa dalawa.
        
"I'm sorry din, Man! Sorry din kung hindi rin kita pinaniwalan, I'm sorry sa mga salitang masasakit na binitawan ko sa'yo!" Naluluha na paghingi ng tawad ni Beth kay Man. "Hindi naman totoong naging kami ni Wat. Napakagalang niya, iginagalang niya ako, at magkaibigan lang din ang turingan namin sa isa't-isa!" Paliwanag pa nito.
        
"Huh?! Bakit mo sinabing magboyfriend na kayo?" Gulat na sambit ni Man, nakaagad binalingan ng tingin si Beth. "Dahil sa sinabi mo, nagalit ako kay Wat, dahilan  kaya't nagawa kong pagbugbogin sya!"
          
"Kaya naman pala!" Napailing na sambit ni Wat, habang nakatingin din kay Beth. "Kaya pala ganoon 'yong mga.sinabi ni Tine kanina... "
         
"So-sorry din sa'yo Wat! Hindi ko sinasadya. Hindi ko naman naisip na ganito ang mangyayari, ginusto ko lang naman na makaganti kay Man, sa sakit na naramdaman ko! Ginusto ko lang na masaktan din ang kalooban n'ya! I'm sorry talaga, Wat!" Nag prayer sign pa ang babae.
        
"I'm sorry din, Wat! Buong akala ko rin talaga na trinaydor mo ako, nabuo ang galit ko sa'yo noong sabihin nga ni Beth na kayo na,,, na nagmamahalan na din kayo!" Paghingi rin ng tawad ni Man dito.
       
  "Hmm, okay lang I understand!" Tumatangong sagot ni Wat. "Pero ang sakit huh? Binugbog mo nga talaga ako,"
         
"Ito kasi!" Itinuro ang nakatayong si Beth. "Inangkin ka na boyfriend n'ya, yan tuloy! Nasaktan kita... kung hindi pa ako inawat ni Tine kanina,,, baka hinimatay ka pa! Sorry! So sorry!"
         
Nangiti na lang si Wat, kahit pa subrang sakit sa pakiramdam n'ya ang mga bugbog nya.   
        
  "Patawad talaga Wat!,,, kasalanan ko na nagbugbog ka ni Man." Muling nag prayer sign kay Wat si Beth.
         
  "Patawad din Man! Patawad sa lahat!" Muli ding nagprayer sign kay Man.
         
  Tumayo si Man at biglang inakbayan si Beth. "Halika nga rito!" Hinila ito ni Man paupo.
          
"Aray ko, nananakal ka naman!" Sambit ni Beth.
       
  "Na miss kita ng subra!" Sagot ni Man dito.
        
  "Na Miss din naman kita! Pero si Wat,,, samahan na natin s'ya sa clinic, kawawa na s'ya subra!"
        
  At nagkaayos na nga ang mga ito.

When Do You Tell Me That You Love Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon