When Do You Tell Me That You Love Me?

22 3 0
                                    

Chapter 12

    
         Nag ring ang phone ni Tine from some text messages. Kaagad niya iyon dinukot sa bulsa at binuksan ang text.

        "Tine, nasiraan ang sinasakyan naming tricycle, kanina pa kami naghintay nang malilipatang tricycle, mahirap makasakay dahil lahat na dumadaan ay puro puno. Kasama ko si Flor, baka nga ma-late pa kami sa first subject kung talagang wala kaming ibang masakyan. Ikaw na muna bahala d'yan maghanap ng makakapagdrawing ng project natin. O gawin mo na lang 'yong second option, makiusap ka kay Ma'am librarian kung pwede maiuwi ang chart. Pasensya na." Paliwanag ni Tess sa text.

       Napabuntong hininga na lang s'ya. At tumayo para magpunta ng library.

       Ginawa na n'ya lahat na pagmamakaawa sa librarian upang mapapayag niya ito. Ginamit na nga rin niya lahat ng charm n'ya, ngunit wa epek pa rin ang mga ito. Talagang nagmatigas ang librarian, insisted na bawal ilabas ang mga chart.

         Ewan ba n'ya kung bakit subrang damot ng librarian na ito. Kahit nga books bawal hiramin basta ilalabas ng school. 'Yong ibang mga library pwede naman maiuwi ang mga hihiramin basta na comply mo 'yong mga hinihingi ng librarian.

        Laglag ang balikat na naupo siya sa pinakasulok na mesa ng library.

      Ngayon ay iniisip n'ya muli kung paano n'ya makumbinsi ang Kuya Paulo n'ya na magpunta na lang dito sa school para maidrawing ang project nila.

      Nagring ang buzzer para sa first period ng klase. Lahat ng mga nasa library ay nagsipasok na sa kanilang classroom.
       Pagbalik ni Tine sa classroom naroon na sina Tess at Flor, agad siyang tinanong ng mga ito kung anong naging resulta ng pakipag-usap n'ya sa librarian.

        "Wala, subrang sungit ng librarian na 'yon. Hindi ko talaga napapayag." Sagot n'ya sa mga ito. "Palibhasa tumandang dalaga, kaya siguro napaka-bitter n'ya."

        "Wala na yata tayong magagawa kundi maghintay na may makakatapos na artist, saka tayo makapagpadrawing." Nalulungkot na saad ni Flor.

        "Mamaya sa oras ng social studies, pag absent muli si Ma'am, uuwi ako saglit para kausapin muli si Kuya Paulo. Kung kinakailangan umupo ako sa lapag at mag-iiiyak, para lang mapapayag s'ya, gagawin ko! Chaarrr!"

        "Bakit hindi mo i-try gawin yan, malay mo kaawaan ka ng kuya mo," Natatawang saad ni Tess.

        "Ano ako, baby, na inaagawan ng lolypop?" Sagot n'ya.

         "Baka sa halip na maawa kuya n'ya sa kanya, eh mabigwasan pa s'ya," Natatawa ring sagot ni Flor kay Tess.

         Nagtungo na s'ya sa kanyang pwesto dahil dumating na ang kanilang teacher.

       Bago siya naupo, sinulyapan n'ya muna ang crush sa katapat na classroom. At ito ang pinaka-unang pagkakataon na hindi niya naratnan na nakatingin sa kanya si Sarawat. Mukhang busy ito sa pagsusulat.

       Umupo na s'ya at tinatanaw ang bandang blackboard ng katapat na classroom. Wala pa naman ang teacher doon, means wala pang discussion ng lesson na nangyayari, pero busy sa pagsusulat ang crush n'ya, or should he say, love n'ya.

..................

          "SIGE na kuya please!🙏🏻🙏🏻🙏🏻"

          "Ayaw ko nga sabi, wag ka nang makulit!" Sagot ni Paulo sa pakiusap n'ya. "Ayaw ko nang pumunta ng school, nagdrop out na nga ako kasi ayaw ko nang magpunta doon, tapos kukulitin mo ko ng ganyan. Sabi ko na sa'yo, libre kong gagawin 'yang project mo kung dadalhin mo lang dito 'yong kokopyahan ko."

When Do You Tell Me That You Love Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon