When Do You Tell Me That You Love Me?

37 4 0
                                    

Chapter 2

Last period time. Mathematics subject.

Wala din ang teacher nina Tine. Absent din pala. Hay naku! Another 40 minutes na naman ang kailangan niyang hintayin bago bumalik dito si Ma'am Madrigal, ang teacher advicer nila.

Kung hindi lang ito pumarito sa kanina at nagsabing hintayin ito, ay mabilis pa sa alas singko'y umuwi na kaagad siya.

Pa isa-isa nang nagsiuwi-an ang kanyang mga kaklase hindi na ng mga ito nahintay si Ma'am Madrigal.

"Tine, hindi ka pa ba uuwi?" Ang tanong sa kanya ng naiinip na ring si Fong.

"Hindi pa, wala pa nga si Ma'am Madrigal eh!" Sagot n'ya.

"Ang tagal eh! Nakakainip na,"

"S'yempre hindi pa tapos ang oras ng Math, ang sabi n'ya pagkatapos na ng Last subject siya paparito."

"Bahala ka, basta ako gusto ko nang umuwi,"

"Ikaw bahala,"

"Sige mauna na 'ko, sabihin mo na lang sa'kin kung anong edi- discuss ni Ma'am mamaya,"

"Asa ka pa!"

" Eh de wag, damot mo!" Bala ka na nga d'yan!" Pagkasabi'y mabilis na itong humakbang papalabas ng pinto.

At sunod-sunod nang nagsiuwian ang mga kaklase niya, hanggang sa dalawa na lang silang naiwan ni Aliah, (character of Tu)

"Tine, halika nga rito!" Tawag sa kanya ni Aliah na nakatayo at nakasandal sa pinto-an ng kanilang classroom.

"Bakit?" Sagot tanong n'ya.

"Basta may ipapakita lang ako sa'yo,"

"Ano naman 'yang ipapakita mo sa'kin?" Nanatili pa rin siya sa kanyang upoan.

"Basta,"

"Ikaw na kaya ang lumapit dito, ikaw 'tong may kaiangan eh!"

"Uy! Ang sungit mo naman! Bahala ka kung ayaw mo."

Na curious naman siya kung anong gusto nitong ipakita sa kanya, kaya tumayo na rin siya para lumapit dito.

"Ano 'yan?" Ang tanong niya habang papalapit dito.

"Wag, na ayaw mo eh!" Pagtatampo na sagot nito.

Nasa harap na siya nito.

"Asan na?"

"Wala," nakasimangot na sagot nito.

"Wala naman pala, pinalapit mo pa 'ko rito." Nag about face na sana s'ya para bumalik sa pag-upo,

"Uy! Ito naman, tampo agad!" Hinablot nito ang kamay n'ya para pigilan.

Habang sa may bandang bintana ng grade 10 section A, ay naroon pa rin ang lalakeng studyante, matalim ang tingin na pinagmamasdan sila ni Tu ng hindi nila alam. Mukhang hindi ito nakikinig sa leksyon ng kanilang teacher.

"Oh, ano nga ba 'yan?" Napatalim ang tingin niya kay Tu ng muli siyang humarap dito.

"Wala! Hindi naman masayadong importante,"

"Alam mo? Ang gulo mo!" Malapit na siyang mairita.

Natawa lang ito habang pinagmasadan ang itsura n'ya. "Alam mo, cute ka na man na talaga, pero mas cute ka pa pala pag galit,"

"Oo naman, matagal ko nang alam 'yan." Namimilog na ang butas ng kanyang ilong, ewan n'ya kung naiinis na ba siya sa babaeng ito, o ano.

Lalo pa itong natawa. "Wow! Lakas ng hangin! "

"Oh! Bakit hindi ba totoo?"

"Ahm, totoo naman,,, kunti,, ganito oh!" Nagbigay ng sign sa pamamagitan ng hintuturo at hinlalake, subrang liit lang ng awang,

"Puro ka kalokohan!"

"Hahaha! Ahm,,, cute ka naman talaga eh, crush nga kita,,, pero mas crush ko s'ya!" Inginuso ang teacher na naroon sa classroom ng Grade 10-A, na nagdi- discuss ng liksyon doon.

Napatingin siya doon, sa teacher (character of Gulf Kanawut.)

Isang linggo pa lang ito dito sa kanilang school. Bagong hired lang na teacher. At napakaraming studyante na ang nagka-crush dito. Halos lahat na yata na mga babaeng studyante dito sa school ay nagka -crush sa teacher na ito. At kabilang din pala sa mga iyon si Aliah.

"Subrang pogi n'ya, no?" Kinikilig na sabi ni Aliah.

"Ewan ko sa'yo!"

"Gosh! Nakakakilig!"

Napatitig na lang siya sa babae habang kilig na kilig itong nakatingin sa teacher na iyon.

"Diba ang pogi-pogi n'ya talaga?" Baling naman nito sa kanya.

"Ikaw na babae ka, pag nagkagusto ka sa isang lalake, wag kang masyadong papahalata, hindi maganda..."

"Sus! Makasermon naman 'to, daig pang Nanay ko!" Irap nito sa kanya.

"Basta, hindi maganda sa babaeng masyadong nagpapahalata sa feelings nila sa isang lalake," seryusong sabi niya dito.

"Bakit naman?"

"Karamihan sa mga ganyan, nate-take advantage,,, kapag nalaman ng lalake na gustong gusto mo siya,,, kahit hindi ka naman niya gusto, kaagad ka niya liligawan hindi dahil mahal ka rin, kundi dahil may mga bagay na gusto siyang makuha sa'yo,,, o meron ding gagamitin ka lang sa mga kung anong mga paraan. Like for example, gagawin ka lang taga gawa ng assignment,, taga turo sa mga hindi nila alam na lessons, o gagawin kang utosan, basta mga bagay na ipapagawa sa'yo dahil alam niya na hindi mo siya matitiis. 'Yong mga ganun..." Mahabang paliwanag niya.

"Ganu'n? OA mo naman!"

"Anong OA? Pinapayuhan lang kita."

"Sa hindi ko mapigilan ang sarili ko eh! Kakainlove kasi si Sir!" Kilig na kilig pa rin ito.

"Naku, Aliah! Ipaalala ko lang sa'yo, teacher na 'yan, at grade 9 ka pa lang... ilang sakong bigas pa kailangan mong kainin bago mo s'ya mapantayan. At bago ka niya mapansin,"

"Malay mo, makakita ako ng gayuma at magayuma ko s'ya."

"Naku! Nasisiraan ka na yata Aliah!

"Talagang feel ko nang masiraan!"

"Aba! Nilalagnat ka 'yata!" Sambit n'ya sabay hipo sa noo ng babae. "Aba'y nilalagnat ka nga, subrang taas kaya nagdedileryo ka na!"

"Talaga ba?"

"Oo! Ang mabuti pa umuwi ka na, baka mamaya himatayin ka na dito.!"

"Feeling ko na ngang mahimatay! My gosh!"

Napailing na lang siya sa kakulitan ng babaeng ito.

"My gosh!" Sambit nito ng mapaharap sa kinaroroonan nila ang teacher.

"I love you, Sir!!!" Kunwaring sigaw nito, pero siya (si Win) lang ang nakarinig.

Napabuntong hininga na lang siya. At napahilamos sa sariling palad.

Maya-maya'y naalala niya si Mrs. Madrigal, kaya napatingin siya sa suot na relo. May fifteen minutes pa.

Haay ang tagal naman! Napakamot siya sa ulo. At lumingon lingon sa paligid. May naririnig siyang maliliit na tinig sa kanyang isipan? Ang sabi baka hindi na darating pa si Ma'am Madrigal, lalo pa at dalawa na lang silang na iwan at naghintay ni Aliah.

Napailing at napabuntong hininga siya dahil sa mga naisip.

Wala sa loob, na napako ang patingin niya sa bintana ng Grade 10-A. Kung saan naroon ang lalakeng nakatitig sa kanya kanina.

Bigla siyang napasimangot ng makitang naroon pa rin ang lalake at parang napaka dilim at talim ng pagkakatingin nito sa kanya,

To be continue...

When Do You Tell Me That You Love Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon