When Do You Tell Me That You Love Me?

12 3 2
                                    

Chapter 31


      Kinuha ni Aliah ang kanyang Math assignment notebook sa loob ng bag para I-check ang assignment n'ya.

       Muli niyang pinasadahan ng tingin ang buong classroom at wala pa rin siyang nakikitang tine sa loob.

      Ang narito pa lang ay mga iilan nilang kaklase at ang 4Lyn's Group na panay pagpapahid ng pampaganda sa kanya-kanyang mukha. At panay pagsusuklay ng kanilang mga buhok.
 
      Sa isip niya, baka hindi pa ito dumating. Napalingon siya sa pinto ng may maramdamang dumarating. Nakita niya si Fong, nag-iisa lang ito. "Fong, nasa'n si Tine?" Tanong niya kaagad dito.

        "Ewan, nandito na daw eh, kanina pa," Sagot naman nito na dumiritso na sa pwesto, at inilapag sa upoan ang bag.
  
      "Bakit, wala s'ya rito?" Tanong pa ni Aliah.
 
       "Hmm," umupo ito sa pwesto. "Baka nasa likod, sa may mangga, doon naman 'yon palagi nagtatambay pag hindi pa time." Sagot nito na umayos ng upo.
 
       "Ah, baka nga!"
 
       "Ewan ko do'n, palagi na lang akong hindi na hinihintay, at iniiwan na lang,,, dati-rati naman hindi makaalis ng bahay 'yon kung hindi ako kasama," pagtatampong saad ni Fong.
   
      "Palagi mo na rin kasing kasama jowa mo, nakakalimutan mo na rin yata siya,,,"
   
      "Sino may sabing nakalimutan ko na sya?" Napasalubong ang kilay ni Fong na tanong sa babae.
 
        "Ako, ngayon palang... narinig mo naman diba?" Pamimilosopo ni Aliah. "
    
     "At paano mo naman nasabi?" 

     "Napapansin ko!"
    
     "Talaga lang huh? Kung hindi ko pa alam, kay Sir terror lang nakatoon ang atensyon mo!"
  
      "Ay, grabe ka! Hindi naman sa lahat ng oras no,,, saka mas madalas ako na nga lag nakakasama ni Tine, kasi.palagi ka nang nandoon sa boyfroend mo.

      "Oo, ikaw nga ang palaging kasama ni Tine, pero wala ka namang ibang bukang bibig kundi yong GGSS na teacher mo!
     
    "Luh? GGSS talga? Hindi ba pweding gwapo lang talaga sya?"
    
     "Ano bang nagustohan mo sa kanya?"
   
      "Kanino?"
  
       "Doon sa teach..."
  
       "Eh de Gwapo!"
 
       "Aanhin mo naman ang kagwapohan, kung napakasungit n'ya naman, palagay mo mapapansin ka nya?"
     
     "Hmm, napansin na man na,"

     "Hahaha! Asa ka pa!

    "Hoy, mabait kaya s'ya."
    
      "Asan bait no'n?"
  
        "Hoy, totoo ah! Mabait s'ya sa'min ni Tine!"
   
       "Sa inyo ni Tine? Anong ibig mong sabihin?"
   
      "Hmm,,, lumapit si Aliah dito. Umupo sa pwesto ni Tine sa tabi nito, na bitbit, bitbit ang assignment notebook. "Oo, napakabait n'ya sa'min! Real yong ngiti n'ya kapagkausap kami,"
 
       "Nakakausap n'yo s'ya?"
   
     "Hmm,"  Tumango .  "Oo, sometimes, may picture nga kami-eh!" dikot sa bulsa ang cellphone. "Gusto mo bang makita?"
    
      "Sige nga!" Napaismid si Fong.

      "Ito oh!" Ipinakita ang wallpaper n'ya sa phone.
  
       "Tunay ba yan? Hindi ba edited lang?"
   
        "Totoo 'to, si Tine kumuha nito sa'min! Teka tatlong click to eh," scroll, scroll sa phone. "Ito yan oh! Si Tine kumuha sa amin nito. Mabait naman talaga sya. Siguro yong pagka terror nya, pinapairal nya lang kapag nagkaklase, para makinig lahat ng mga studyante sa discussion nya, ta matoto. Oh, diba ang ganda ng smile nya dito?"
  
     "Hmmm, oo!"
      
    "May picture din sila ni Tine, ako ang kumuha,,, pero phone niya yong gamit.. na kay Sir lang yon, wala kay Tine,"
     
    "Talaga?" Napaisip si Fong. "Hindi kaya, may gusto si Sir kay Tine?"
    
     "Huh?!" Sambit ni Aliah. "Paano mong nasabi?"
    
     "Naisip ko lang, bakit gugustohin ni, Sir na mag keep ng picture nila ni Tine sa phone n'ya? Ikaw nga diba nagsave  ka ng picture n'ya at ginawa mo pang wallpaper? Dahil, kasi gusto mo s'ya! Eh, si Sir bakit mag si-save sya ng picture with Tine? Think of it?"
  
       Napaisip si Aliah. "Sabi ni, Sir... proud lang daw siya kay Tine bilang matalino sa class niya sa section natin,,, ipagyayabang lang daw niya sa mga co-teacher,"
   
      "Seryuso?" Sambit ni Fong.
  
       Tumango si Aliah. "Oo, yon ang sabi n'ya sa'min no'ng magtanong si Tine kung para saan 'yong selfie nila,"
    
     "Bakit naman siya ma pa-proud kay Tine, hindi naman sila magkaano-ano? Baka nga may gusto s'ya!"
  
       "Ay wag naman! Kasi... its hurts me! Ouch!" Nalungkot ang itsura ng babae.
  
       "Hinala ko lang naman 'yon,,, hindi naman talaga natin alam ano ang totoo... wag ka na mag over think, baka mamaya aawayin mo na si Tine, kasi pakiramdam mo karibal mo na sya,"
    
       "Huhuhu!" Acted crying. "Parang totoo ang sinasabi mo! Kasi minsan... naroon tayong lahat sa library, busy sa projects... sila lang dito ni Tine na dalawa habang hinihintay na mag time sa subject n'ya... tenext ako ni Tine, ang sabi magpunta kaagad ako dahil nandito nga daw si Sir at napakalagkit ng tingin sa kanya... pumarito kaagad ako. Then hindi ko na pinansin yong sinabi n'ya sa text kasi alam ko binibiro nya lang ako,,, pero ngayon dahil sa sinabi mo... parang... tama ka yata..."
   
       "Uy, wag mong pag-iisipan ng masama si Tine, huh? Haka-haka lang natin 'yan!"
    
      "Alam ko!" Malungkot na sagot ng babae.
  
        "Saka...kung totoong may gusto sa kanya si Sir, hindi naman n'ya kasalanan 'yon..."
  
        "Tama ka, masakit nga lang!"
   
       "Alam naman nating napakaraming nagkakagusto kay Tine, mapa girl man, o boy... napaka perfect n'ya kasi..."
    
     "Oo nga, ako nga din minsan nagkagusto sa kanya... kaso... no'ng makilala ko si Sarawat,,, lumiit pagkagusto ko sa kanya... naging ganito na lang🤏🏻🏻,,, Kasi nabaling yong malaking part kay Wat 😁😁😁. Pero no'ng dumating si Sir... naging ganito na rin 🤏🏻 kay Wat... tas kay Tine, ganito 👌🏻na lang... at kay Sir napunta yong hundred percent 😁😁😁!"
   
       "Grabe salawahan ka!"
    
      "Hindi naman,,, crush ko lang kasi sila Wat at Tine,,, pero kay Sir, I'm sure inlove ako 😁😁😁..."
       "Oh, ngayon?"
 
       "Its hurts 😞😞😞!"
  
        "Tapos?"
   
    "Tapos na! Mamamatay na 'ko 😭!"
        
      " Yan kasi kadadaming pogi dito... teacher pa talaga ginusto mo!"
   
      "S'ya yong nakita ng heart ko eh! Ano magagawa ko?"
    
     "Kawawang bata!" Natatawang sabi ni Fong.
    
     "Hindi na talaga to biro, sakit talaga sa pakiramdam!"
  
       "Kaya dapat... magsimula ka nang maghanap-hanap ng pamalit..."
  
       "Huhuhu! I can't!"
  
       "Taas kasi ng pangarap mo eh!"
  
       "Bahala na... I still love him! Sabi mo nga, haka-haka lang naman natin 'yon..."
     
    "Hmmm!" Nakaismid na tango ni Fong.
  
       "Saka, si Wat naman ang jowa ni Tine diba?"
   
      Shock ang 4 Lyn's sa narinig. Kanina'y hindi ng mga ito pansin ang pag-uusap ng dalawa at abala lang ang mga ito sa pagpapaganda. Ngunit ngayon, biglang naging interisado sa narinig. Namilog ang mga mata ng maga ito at napaawang ang mga bibig. Malinaw kasing narinig ng mga ito ang sinabi ni Aliah, tungkol kay Wat at Tine. Pero 'yong kaninang pinag-usapan nila ay hindi pansin ng mga ito, kaya't walang naintindihan sa mga iyon.
 
       Kaagad nagbulongan ang apat. Pero hindi nila napansin ang mga ito mga ito.
  
      "Hmm, tama!" Tango naman ni Fong sa sinabi ni Aliah.
  
      "So, may pag-asa pa rin ako kay S..."
   
     "Siguro... ewan, bahala ka!" Kibit balikat ni Fong.

      "Sige, pupuntahan ko lang si Tine sa Likod..." Tumayo na si Aliah.
    
      Bigla namang nag ring ang phone ni Fong. "Sige, puntahan mo na..." sagot nito sa babae, bago sinagot ang tumatawag sa phone. Its Boss.
   
       Nagtungo na nga si Aliah sa likod ng classroom. Habang nagbubulongan pa rin ang 4Lyn's tungkol sa narinig.

When Do You Tell Me That You Love Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon