When You Tell Me That You Love Me?

25 2 0
                                    

Chapter 10
     
        Kapapasok pa lang ng absenter na teacher nina Tine sa Social Studies, ay nagbigay na kaagad ito ng project.
          Ipinado-drawing sa kanila ang mga larawang nasa chart na dala-dala nito, sa isang buong cartolina.
              Bawat grupo ay mayroong isang Leader, at assistant leader.

           Hindi magkagrupo si Tine at Fong sa project na ito. Iba rin ang grupo ni Aliah. Si Ma'am kasi ang nagdesisyon kung sino-sino ang magkakagrupo.
             Si Tine ang leader sa grupo n'ya at si Tess ang assistant. Sariling disisyon na n'ya na magdagdag ng co-officer sa group, at si Flor ang ginawa niyang treasurer.
              Completo na sila sa kagamitan para sa project. Ngunit wala pa silang mahanap na tao o co-student na pweding magdrawing ng project nila.

            Nasa library siya ngayon, kasama ang assistant leader niya na si Tess. Doon kasi kinukuha ang chart na maaari nilang kopyahan ng mga larawang edo-drawing.

        Bitbit na niya ang chart ng napiling mga larawan. Nakatayo sila ni Tess sa sulok habang pinapanood ang ibang grupo na nakapagsimula na sa ginagawang project.

      Halos lahat na grupo ay nakapagsimula na, Parang grupo n'ya na lang yata ang hindi pa. Wala kasi silang makuhang tao na maaaring magdrawing ng kanilang project. Yo'ng ibang grupo kasi may mga kakilala sa ibang grade at ibang section na marunong magdrawing. Nag-ambag ambag ang mga ito para.pambayad sa nagdo-drawing. Ganun din naman sa grupo nila mag-aambag din para pambayad, 'yon nga lang, wala lang talaga silang makuha. Ang mga kagrupo n'ya kasi wala ring kilalang marunong mag drawing.

          Hindi sana problema kung pwede lang iuwi ang chart na kokopyahan ng mga larawan, dahil ang kuya Paulo n'ya ay napakagaling magdrawing no'n.

        "Tine, paano tayo nito? Sila makapag pasa kaagad, tapos tayo ito nganga!" Pagmamaktol ni Tess. Na nakasiksik sa sulok ng library kasama n'ya.

       "Ang Kuya Paulo, magaling sanang magdrawing 'yon, kaya lang huminto na s'ya sa pag-aaral,"

        "Paulo? 'Yong pinsan mo sa Ten B, na minsan na e-chicka ko sa'yong crush na crush ko?"

         "Oo,"

         "Kaya pala ilang linggo ko nang hindi nakikitang pumasok."

        Natatawa siya habang tinitingnan ito. Mas ikinalungkot pa talaga nito ang nalaman tungkol sa Kuya n'ya kaysa sa hindi pa nagagawang project nila.

        Bigla niyang naalala si Sarawat, magaling din magdrawing 'yon, minsan na nga siyang idrinowing no'n, sa isang band paper.

       "Sa Ten A,,, si Sarawat," sambit n'ya.

       "Oh, bakit anong meron kay Sarawat?" Gulat na tanong ni Tess.

        "Magaling s'yang magdrawing,,,"

        "Weehh! Paano mo nasabi?"

        "Basta..."

        "Sure ka?"

         "Oo,"

         "Oh, ano pang hinihintay natin dito? Tara na punatahan na natin," Kaagad na siyang kinaladkad ni Tess palabas ng pinto ng library.

         Ng makalabas sila ng pinto, huminto s'ya at pilit kumakawala sa pagkahawak ni Tess sa kamay n'ya. "Teka sandali!"

        "Oh bakit? Bilisan na natin baka maunahan pa tayo."

        "Basta ikaw ang kumausap sa kanya, huh?"

        "Bakit?"

         "Basta, ikaw nang kumausap doon, husayan mo para makumbinsi,,, sabihin mo magkagrupo tayo." Humakbang na sila patungo sa room nina Sarawat.

        "Bakit hindi na lang ikaw ang kumausap, ipapabanggit mo rin lang naman name mo?"

        "Wala, basta, trabaho mo na 'yan. Ako na nakaisip eh.  Anong silbi ng pagiging assistant mo kung wala ka namang gagawin?"

        "Okey, sige ako na,"

        Napahinto sila sa paglalakad ng matanaw si Sarawat na lumalabas ng classroom nito at nakasunod dito ang grupo ng Lyn's girl. Nagkatinginan sila ni Tess.

       "Naunahan na yata tayo?" Sambit ni Tess.

       "Uhmm, gano'n na nga!" Sagot n'ya.

        "So paano na ulit tayo?"

        "Tayo? Anong tayo? Walang tayo uuyy!"

        "Nakuha mo pa talagang magbiro, huh!" Saad ni Tess sabay ng malakas na batok sa noo n'ya.

         "Arayy!" Sambit n'ya na kaagad at napahawak sa kanyang noo.

        Naibaling ng dalawa ang kanilang paningin sa papalapit na sina Sarawat at ang four Lyn's. Kaagad naman silang tumabi, nasa gitna kasi sila ng pasilyo patungong library.

       Yo'ng parang nag-aalalang tingin ni Sarawat kay Tine habang hawak-hawak ang kanyang noong nabatukan ni Tess, at 'yong napakatalim na tingin nito ng ibaling kay Tess.

       Yo'ng kilig na naramdaman ni Tine deep inside. Pero tudo pigil para hindi mahalata.

       "Bakit gano'n ang reaction n'ya?" Ang nagtatakang si Tess.  "Bakit parang napakalaki ng galit n'ya sa'kin?" Baling nito sa kanya.

       "Huh?" Tanging salitang lumabas sa bibig n'ya.

       "Sabi ko, bakit gano'n makatingin sa'kin si Sarawat, parang gusto na n'ya akong lunukin ng buo!"

         "Aba, Malay ko! Bakit hindi s'ya ang tanongin mo?"

          "Hmm, sabi ko nga! Ba't pa nga ba ako nagtanong sa'yo."

        Napasunod na lang sila ng tingin kina Sarawat na pumapasok na ng Library.

        "So, pa'no na ulit ang project natin?" Baling muli ni Tess sa kanya.

        "Mamaya sa tanghalian, pakiki-usapan ko si Kuya Paulo na idrawing 'tong project natin."

        "Paano? Papapuntahin mo ba s'ya dito sa school?" Mukhang natuwa ang itsura ni Tess.

         "Oo, kung maaari."

         "Oh, sige please at nang makita ko na ulit s'ya."

         "Kinikilig teh? Wag kang masyadong umasa baka hindi pumayag 'yon, ma- disappoint ka lang."

        "Ito naman, sa kinikilig ako, mahirap naman pigilin 'yon!"

        "Tara balik na muna tayo sa library." Aya niya kay Tess. Kahit wala naman silang gagawin doon. Gusto n'ya lang makita si Sarawat habang nagdo-drawing sa project ng four Lyn's.

To be continue...

When Do You Tell Me That You Love Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon