Chapter 43
"Ano bang titig 'yan, huh? May pangiti-ngiti pa! Nakakairita ka na!" Nakasimangot at kunot noong tanong ni Tine sa kaibigan.
"Ang cute, cute mo talaga! Lalo na pag nakasimangot!" Lalong nangingiti na sagot ni Fong.
"Tumigil ka nga! Kinikilabotan ako sa'yo!" Irap niya dito.
"Kaya't hindi nakakapagtaka kung bakit halos lahat ay nagkaka-crush sa'yo! Its either babae man o lalake. Lalong-lalo na si Wat na patay na..." Napahinto sa pagsasalita ng biglang nag-vibrate ang cellphone nitong nasa bulsa. Nag-alis ito ng paningin sa kanya at ibinaling sa bulsa.
"Anong patay na?!" Napagsalubong ang kilay na sambit n'ya. "Bunganga nito!" Pouted.
Natatawang binalingan siya ni Fong ng madukot ang cellphone sa bulsa. "Patay na patay sa'yo! 'Yon dapat ang sasabihin ko, bigla lang nag-vibrate cellphone ko kaya't nagulat ako't hindi ko naituloy. Nakakakiliti kasi ang vibration!" Paliwanag nito. "Uuy! Nag-aalala sa boyfriend n'ya!" Panunuksong dugtong naman nito.
"Boyfriend ka d'yan!" Blushing.
"Oh, eh bakit, hindi pa ba? Nag-aminan na kayo kanina ah! Saka maypahiling-hiling na nga s'ya ng kahit smack kiss sa cheeks mo,"
"Yon na nga, eh! May gusto akong malinaw mula sa kanya, kasi nagugulohan ako doon sa mga sinasabi n'ya., tapos bigla ka namang sumulpot! Kaya a'yon naputol pag-uusap namin."
"Ah, kasalanan ko pala!" Iniwas nito ang paningin sa kanya, at ibinaling sa screen ng hawak na cellphone nito.
"Malamang!" Sambit n'ya.
"Hmm, okay!" Tumango naman si Fong habang nagbabasa ng text sa phone.
"Ano nga pala 'yong importante mong sasabihin sa'kin?"
"Ah, 'yon na nga, may kailangan nga akong sabihin sa'yo, pero mamaya na, baka pumasok si Ma'am Absenter ngayon."
"Wala pa naman s'ya, bakit hindi mo pa sabihin ngayon na?"
"Hindi pwede rito, Bawal may makarinig!"
"Ano ba kasi 'yan?"
"Mamaya na sabi, bawal nga may ibang makarinig diba? Kulit mo!"
"Ano pa nga ba?" Irap n'ya muli dito. Ibinaling naman niya ang paningin sa tapat na classroom para tanawin si Wat doon.
Nakatanaw naman pala ito sa kanya. Nagtama tuloy ang kanilang paningin. Wat smiled with him. At nag finger heart pa sa kanya.
Hindi niya alam kung kikiligin ba siya o ano, na stock kasi ang isip n'ya sa mga ikinilos at sinabi nito sa kanya kanina. Nagbawi na lang agad siya ng paningin at naipilig ang ulo. Nagugulohan kasi talaga s'ya.
Napansin pala ni Fong ang saglit na pagtitigan nila ni Wat. Nakita rin nito ang finger heart na ginawa ni Wat para sa kanya. Ito pa tuloy ang kinilig sa nakita.
Napatitig na lang muli sa kanya ang kaibigan, pinagmamasdan ang reaction n'ya. Wala, poker face n'ya lang naman ang nakita nito sa kanya.
"Nga pala, wag mo muna kausapin si Wat hangga't hindi pa tayo nagkakausap." Saad nito sa kanya.
"Bakit?" Napakunot noo na naman na tanong niya rito.
"Basta! Wag na wag ka muna makikipag-usap sa kanya, kahit makipagtxt o chat,"
"Pwede bang sabihin mo kung bakit? Lalo lang akong nagugulohan eh!"
"Malalaman mo rin mamaya, basta sundin mo muna ang sinasabi ko, don't talk to him, don't text, dont chat, at lalong don't call! Kung s'ya ang ma una, wag ka muna magrereply sa kanya hangga't hindi ko pa nasasabi sa'yo ang napakaimportante mong malaman!"
"Baka naman magtampo 'yon!" Pouted again.
"Ayiiee! Takot ka bang magtampo s'ya? Eh, hindi pa naman kaya kayo magboyfi!" Panunukso na naman nito.
Tinapunan n'ya na lang ito ng matalim na tingin.
"Wag kang mag-alala, mahal na mahal ka no'n, for sure hindi ka n'ya matitiis!" Pabulong na sabi nito sa kanya.
"Oo na, manahimik ka lang!" Still pouted.
"Ayiiee!"
"Tumigil ka na nga! Puro ka kalokohan!"
Natigil na rin sa pang-aasar si Fong ng dumating si Ma'am Absenter nila.
BINABASA MO ANG
When Do You Tell Me That You Love Me?
Teen FictionGigil na gigil sa inis si Tine kay Sarawat, ang lalakeng palagi n'yang nahuhuling titig na titig sa kanya. Ngunit sa pagkakataong muntik na siya nitong mabangga habang nagbibisikleta ay bigla na lang naglaho ang galit niya rito, at napalitan ng labi...