When You Tell Me That You Love Me?

18 3 0
                                    

❤Chapter 48❤

       Natapos na rin si Tine sa lahat ng gawain niya sa bahay ngayong umaga. At ngayon katatapos lang din niyang maligo at nakapagpalit ng damit.
   
Excited na siyang sinimulan ang paggawa ng bracelet na ibibigay niya kay Wat para sa first monthsarry nila. Ngayon ang araw ng kanilang monthsarry pero bukas na lang niya ito ibibigay sa school, hindi naman kasi pweding makipagkita siya dito ngayon. Couple bracelet ang ginagawa niya. 'Yong gawa sa plastic bottle at tali. Nililingkis-lingkis niya ang tali sa ginupit na plastic bottle sa tamang laki as a bracelet. Yong mga tali na nililingkis ay pino-form niyang letters, at ang letters na inilalagay niya ay ang pinagdugtong na pangalan nila ni Wat. Hugis puso ang  bawat dulo at  'Wattine' ang word sa gitna.
        
Oo, hindi nga naman talaga  siya ang nakausap nito sa panimula ng kanilang relasyon dahil si Fong nga naman ang may gawa. Pero parang gano'n na rin naman 'yon, siya naman talaga ang alam ni Wat na boyfriend nito mula sa simula. Alam naman n'yang may mali dito, hindi nga naman tama ito. Sa totoo lang hindi pa rin talaga mawala-wala sa konsensya n'ya, na niloko pa rin nila ito, nila ni Fong. Gustong-gusto nga sana niyang magtapat ng totoo dito para naman malilinis na ang konsensya n'ya. Pero natatakot lang talaga siya sa maaaring mangyari gaya sa mga sinasabi ni Fong. Na baka kapag ipinagtapat niya dito ang totoo ay magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan. Baka hindi maintindihan ni Wat, at hindi matanggap. Tapos bigla na lang silang magkasiraan ng loob. Syempre magagalit ito kay Fong dahil sa ginawa dito ng kaibigan. At magagalit din ito sa kanya dahil kinonsinte niya ang ginawa ng kaibigan. Tapos lalabo ang lahat sa kanila kapag manaig sa puso ni Wat ang poot dala ng panlolokong nagawa nila dito. Masasaktan ito ng subra at magagalit sa kanila ni Fong. Mauuwi sa paghihiwalay nila kapag lumala ang kanilang hindi pagkaintindihan. Mag e-emote, emote ito, tapos magkakaroon na ng chance na landiin ito ng mga babaeng patay na patay dito. Kabilang na si Lileth. At lalong lalo na si Rutchielyn.  Iko-comfort ito ng mga malalanding babae. Tapos dahil sa nararamdaman nitong sakit  at awa sa sarili, mawawala ang control nito sa sarili at hindi malayong papatulan nito ang mga iyon.
        
At ayaw niyang ganoon mangyayari. Mahal na mahal niya si Wat, at baka hindi na niya kakayaning lumayo ito at mawala pa sa kanya. Siguro tama rin si Fong, silang dalawa lang naman na magkaigan ang may alam tungkol dito, kaya need na lang nilang itago hangga't kaya nila itago. Saka hindi naman nila ito itatago ng habang buhay, saka na lang niya aaminin dito kapag lumalim na masyado ang pag-iibigan nila. Yong tumagal na sila at kakayanin na nilang harapin at malagpasan ang mga pagsubok na darating sa kanilang pagmamahalan. Gaya ng kung sakali magkatuloyan sila in the future, pwede na niya doon sabihin ang totoo, na maaaring tawanan na lang nito ang ipagtatapat niya. 'Yong maintindihan na nito ang dahilan, na nagawa lang niya ang ganoon dahil sa takot na mawala ito sa kanya.
      
Ang lalim na pala ng naabot ng isip niya, nakaramdam na siya ng medyo hilab ng t'yan. Sinipat niya ang oras sa kanyang cellphone, nine fifteen na pala sign na need na muna niyang mag snack.
       
Tumayo na muna siya at bitbit ang cellphone na nagtungo sa kusina.
        
Kasalukoyan niyang inaalisan ng takip ang naroong pagkain sa mesa.
     
May party-party sa kanilang kapit bahay dahil birthday ng inaanak ng lola niya.  Ayaw n'yang magpunta doon kaya't hinatiran na lang siya ni lola nitong pansit at tatlong hiwa ng caramel cake.
      
Susubo na sana siya ng biglang magring ang phone niyang inilapag niya sa mesa.
         
Ibinaba na muna niya pabalik sa plate ang pagkaing isusubo na sana n'ya, at dinampot ang phone para sagotin ang caller.
        
"Hello!" Bigkas n'ya ng makita ang tumatawag sa kabilang linya. Vc again. "Wow! Ang gwapo talaga ng boyfriend ko!" Sigaw ng isip n'ya habang pinipigilan ang kilig.
        
Halatang bagong ligo lang ni Wat dahil medyo basa pa ang buhok nito.
        
"Wow, gwapo at napaka-cute talaga ng babe ko, blooming kahit galing lang ng bukid kahapon!" Pa-complement namang sabi ni Wat sa kabilang linya.
        
"At nambola ka pa talaga, huh?" Blushing.
        
"Oi, Hindi naman pambubola 'yon! Totoo naman 'yon!" Sagot nito.
        
"Weehh!  Sa ikaw nga itong looking fresh d'yan, eh!" Sagot n'ya naman. "Bakit parang pormadong-pormado yata tayo ngayon, may lakad ba?"
      
  "Sana... kung papayag ka,"
       
"Oh, bakit ako? I mean bakit kailangan mo pa ang permission ko?"
      
"Ahmm, kasi..."
      
"Kasi, what?"
     
"Gusto ko sanang kumain tayo sa labas kung pwede?"
      
"Oh, sige!" Sagot niya kaagad ng walang pag-alinlangan.
      
Napaawang ang bibig at namilog ang mga mata ni Wat.
      
"Oh, anyari sa'yo? Ba't ganyan ka makareact?'' Takang tanong ni Tine, dito.
       
"Sure ka ba d'yan? payag kang kumain tayo sa labas, hindi mo man lang pinag-isipan?"
       
"Oo, bakit? Big deal ba 'yon?"
      
"Syempre naman!"
      
"Sus! Para kumain lang sa labas, big deal na!" Dinampot niya ang pinggan na may lamang pansit at slice cake. "Oh sige na lalabas na'ko, labas ka na rin,"
       
"Teka, san ka na pupunta?" Napasalubong ang kilay na tanong ni Wat.
      
"Sa labas!" Sagot n'ya.
      
"Lalabas ka na? Ano naman 'yang bitbit mo?"
       
"Ah, ito? Pagkain, bakit?"
      
"Lalabas ka na may dalang pagkain?" Napamulagat ito.
       
"Oo! Sabi mo kumain tayo sa labas! Kaya, ito na dadalhin ko 'to sa labas, para doon kumain!"
       
"Anak ng...!" Sambit ni Wat na napahilamos ng kanang palad sa mukha.
      
"Oh, bakit?"
     
"Babe naman!" Sambit muli ni Wat at napasabunot ng sariling buhok sa noo.
     
"Bakit ba?" Kunot noong tanong n'ya.  "Akala ko ba kakain tayo sa labas, kaya nga ito na't lalabas na'ko!"
     
  "Bumalik ka nga doon sa mesa!"
       
"Bakit? Akala ko ba kakain tayo sa labas,"
      
"Babe, naman! Huminto ka na sa paglakad, mamaya matisod ka d'yan matapon pa yang pagkain mo. Sige na, bumalik ka na do'n sa mesa n'yo."
     
Hindi siya huminto, nagpatuloy lang siya sa paghakbang. "Alam mo, hindi na talaga kita maintindihan, ikaw 'tong may sabing kumain tayo sa labas, ito na nga at lalabas na ako para doon kumain sa labas, tapos papabalikin mo naman ako sa mesa."
      
Nakalabas na nga siya ng pinto sa kusina at nagtungo sa puno ng star apple sa kanilang bakuran, may mesa naman doon na may nakapalibot ding upoan na gawa sa kawayan. Madalas din sila ditong nagtatambay, lalo na ang lolo't lola n'ya. Kapag may mga bumibisita sa kanila ay gusto rin ng mga ito na dito magtambay, fresh air kasi ang nalalanghap dito. Masarap sa pakiramdam ang simoy ng hangin.
      
Inilapag niya sa mesang gawa sa kawayan ang bitbit na plate ng pagkain at umupo.
       
"Oh, kita mo, nandito na'ko sa labas, at dito na'ko kakain,"
      
Hindi na lang kumibo si Wat, sinipat-sipat na lang nito ang view sa kinaroroonan n'ya.
     
"Sige na, meryenda na tayo! Gutom na kasi talaga ako!" At tinusok na niya ng tinidor ang isang slice na cake, "Kain ka na!" Iniangat pa niya ito at itinapat sa camera para makita ni Wat. "Magmeryenda ka na rin d'yan, dalhin mo na rin ang pagkain mo sa labas ng bahay n'yo, ganito!" Minuwestra pa niya sa kamay ang kinaroroonan niya at ang paligid.
     
"Sige, na kumain ka na d'yan, tapos na ako magmeryenda." Napabuntong hininga na sagot ni Wat.
     
"Sigurado ka?" Tanong niya dito, at isinobo na ang cake na nasa tinidor.
     
"Oo," tango naman ni Wat.
      
"Okay," sagot naman niya pagkatapos lunokin ang nginuyang slice cake.
      
"Babe, seriously, gusto ko sanang lumabas kasama ka! Kain tayo sa resto. E- celebrate lang natin ang ating first monthsarry!" Tila may pait na nadarama sa likod pagsasalita ni Wat.
      
"Huh? Kailan?" Tine asked.
      
"Ang alin? Ang monthsarry natin? Ngayon na 'yon babe eh! Nakalimutan mo ba?"
       
"Hindi ah!  Alam ko namang ngayon ang first monthssary natin. Ang tanog ko kung kailan tayo lalabas?"
     
"Mamayang gabi sana!"
     
"Nako! Hindi na ako papayagan nina lolo't-lola n'yan, lalo na't baka malasing sila mamaya, nasa birthday celebration kasi sila ng inaanak ni lola, na  kapitbahay namin. Sinabi mo sana kaagad kaninang madaling araw noong nag-usap tayo, nakapag paalam na sana kaagad ako."
     
"Ah, gano'n ba? Eh, kung mamayang hapon na lang, mga 2:30 pm! Pasyal lang tayo, tapos kain na lang tayo ng street foods!"
     
"Eh, hindi rin pwede, kasi may ginagawa pa ako, na kailangan kong taposin." Gusto sana niyang sumama dito. Kaso hindi pa niya tapos ang ginagawa niyang bracelet na para sa kanila. Kakahiya naman kung wala siyang maibigay dito. Baka isipin pa nitong hindi ito mahalaga sa kanya dahil balewala lang sa kanya ang monthsarry nila.
   
"Nakakalungkot naman, babe! Monthsarry natin, hindi pa rin kita pweding makasama kahit saglit." Nalulungkot na saad nito.
     
"I'm sorry, hindi mo naman kasi agad sinabi na may balak ka palang ganyan, di sana'y nakapagpaalam agad ako."
     
"Okay lang, ano pa ba magagawa ko?" Halata sa mukha ni Wat ang pagkalungkot.
   
  Nakaramdam na nga siya ng guilt. Kawawa naman ang mahal n'ya. Alam n'yang gustong-gusto na siya nitong makausap sa personal, Lalo na ngayon na ang alam nito ay one month na siya nitong boyfriend. Maliban pa sa more than month din nilang chatmate at ligawan kuno. Bali more than two months na din itong nagtiis na mahawakan at makausap man lang siya ng kahit kalahating oras in person. Pero hindi pa talaga sila nagkakausap ng maayos sa personal, oo nga't nayakap na siya nito noong byernes, pero hindi naman niya ito na hug back, kasi nga nagulohan siya sa mga sinabi nito. Tuloy pati siya ay hindi niya iyon masyadong na feel na yakap.
     
Ang totoo'y alam naman  
talaga niya ang ibig nitong sabihin na kumain sila sa labas, kinilig pa nga siya ng sabihin nito iyon, dinner date naman talaga ang ibig sabihin nito. Pinigil n'ya lang talaga ang kilig at hindi nagpahalata na gustong-gusto niya rin 'yon. Nagkunwari lang siyang hindi alam ang tunay na ibig sabihin niyon. At pa-pilosopo niya lang itong tinugon. Na dalhin n'ya ang pagkain sa labas at dito siya sa labas ng bahay kumain.
      
Ang totoo din ay pwede naman talaga siyang makipagkita dito, at kumain sa labas gaya ng sinabi nito. Ang problema lang kung bakit hindi siya pumapayag dito, ay dahil wala nga siyang maibibigay rito. Maipakita man lang sana niya na pinahalagahan din naman niya ang kanilang unang monthsarry.  Kaso nga lang hindi pa niya natapos ang couple bracelet na kanina n'ya lang ginawa. Kung tapos na lang sana niyang gawin 'yon, eh de sana pumayag na s'ya. Malay ba kasi niya na isang buwan na pala niya itong naging boyfriend. Tuloy hindi niya napaghandaan ang monthsarry nila kuno. Noong byernes ng hapon lang naman kasi niya nalaman, no'ng mag reveal si Fong. At sa gabi nang mabasa n'ya ang mga chat nito sa convo nila ng inaakala nitong siya iyon. Tapos kahapon sabado, maghapon naman sila ng lolo n'ya sa bukid. Kaya nga ngayon lang siya nagka-time na gawin ang bracelet. Wala din siyang pambili para sa madalian, hindi nga siya nakapag-ipon para dito, kasi nga wala naman siyang alam. 
      
"Uy, babe!" Sambit ni Wat ng mapansin nitong parang natulala na siya. Oo nga't naka tingin siya sa screen ng cellphone, direkta sa mukha nito, pero halata namang wala sa sarili ang isip.
    
  "Babe!" Ulit nito ng tila hindi niya ito narinig. Kumaway-kaway pa ito. "Babe, uy!" Ipinalakpak na nito ang mga palad mapukaw lang siya sa pagkatulala. "Babe, gising! Ano bang nangyayari sa'yo?!"
     
"Huh?!" Sambit n'ya at napakurap-kurap. "Ano nga uli ang sinabi mo?"
     
"Wala, nag-alala lang ako sa'yo, bigla ka na lang kasing natulala. Ano bang iniisip mo?"
     
"Ah, eh!"
    
  "Ano?"
     
"May importante pa kasi akong ginagawa, sisikapin kong matapos kaagad ngayon, and then kapag natapos ko,,, susubokan ko ring  magpaalam kina lola mamaya, pero... 'yon kung hindi sila lasing. Tapos, kung pumayag sila, eh de ayos, pero kung hindi naman sila pumayag, then pasensya na,"
     
"Hmm, okay, sige!" Patangu-tangong sagot ni Wat.
    
"Sige, chat na lang kita mamaya kung ano ang update ng plan ko," he said and smile.
   
  "Tawag na lang, kakapagod na magtipa ng messages." Sagot naman ni Wat.
    
"Tawag o chat, basta update na lang kita kung anong magiging resulta."
     
"Sige,"
   
  "Basta wag umasa huh? Baka hindi ako payagan, masasaktan ka lang,"
      
"Uhmm, okay!"
      
"Oh, sige na, tatapusin ko lang 'tong pagkain ko, para makabalik na ako do'n sa ginagawa kong napaka-importante, para matapos ko na kaagad."
      
"Ah, sige, sige!"
       
"K, bye na muna!"
      
"Okay, I love you babe! Happy monthsarry!"
       
"Happy monthsarry din! I love you too!" Sagot n'ya with sweetest smile.
      
Ang luwang-luwang ng ngiti ni Wat. "I love you more!"
     
"Thank you!" Sagot n'ya.
      
"Huh? For what?"
      
" For your love!"
      
"Ah, thank you din, sa love mo!"
       
"Okay, bye na muna, maya na lang ulit tayo mag-usap."
      
Tumango naman  si Wat.
       
At ini-end na niya( ni Tine) ang call.
       
Kaagad na niyang binilisan ang kain  upang matapos agad siya at makabalik sa loob. At upang makabalik na rin kaagad s sa kanyang ginagawa.

When Do You Tell Me That You Love Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon