Chapter 13
Halos mapuno na ang library sa mga studyanteng narito. Karamihan dito ay ang mga kaklase ni Tine at ang mga nagdo-drawing ng kanikanilang mga projects.
Naupo si Tine sa upo-an ng mesa na katabi lang sa kinaroroonan ni Sarawat, dahil iyon na lang din talaga ang bakanteng mesa. Habang sinusundan niya ng tingin si Tess na lumalapit sa isang lalakeng kaklase ni Wat, at nakabuntot naman dito si Flor.
"Marunong ka bang magdrawing?" Tanong ni Tess dito.
Umiling ang lalake.
Napabuntong hininga si Tine sa nakita. Sino kaya ang maaaring magdrawing ng kanilang project?
Napalingon siya kay Sarawat. Abala ito sa ginagawa, habang nakapalibot dito ang four Lyn's kasama ng mga kagrupo nito. Ang lilikot nga ng mga ito, may nagpapaurong-urong doon, may umuurong dito, at may dumidukit-dikit sa likod ni Wat, na si Rutchielyn, hindi man lang ito nag-aalangan dumikit, habang may tinuturo sa chart na nasa harapan ng lalake. Halos nakayakap na ang babaeng ito sa leeg ng crushLove n'ya. 𝑷𝒂𝒓𝒂𝒑𝒂𝒓𝒂𝒂𝒏 𝒅𝒊𝒏-𝒆𝒉!
Mayro'n pang lalayo saglit tapos babalik naman. Tapos magtutulak-tulakan, ng sa gayon may mapapadikit nanaman sa likod ni Wat. Mapapayakap ng hindi kuno sinasadya dahil itinulak lang. 𝑷𝒂𝒓𝒂𝒑𝒂𝒓𝒂𝒂𝒏 𝒕𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒃𝒂𝒃𝒂𝒆𝒏𝒈 𝒊𝒕𝒐. 𝑨𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒏𝒅𝒊! 𝑺𝒂 𝒕𝒊𝒏𝒈𝒊𝒏 𝒃𝒂 𝒏𝒊𝒍𝒂 𝒎𝒂𝒌𝒂𝒌𝒂𝒑𝒂𝒈𝒄𝒐𝒏𝒄𝒆𝒏𝒕𝒓𝒂𝒕𝒆 𝒑𝒂 𝒔𝒊 𝑾𝒂𝒕 𝒔𝒂 𝒅𝒊𝒏𝒐-𝒅𝒓𝒂𝒘𝒊𝒏𝒈 𝒏'𝒚𝒂? 𝑻𝒖𝒍𝒐𝒈 𝒅𝒊𝒏 𝒚𝒂𝒕𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒔𝒖𝒏𝒈𝒊𝒕 𝒏𝒂 𝒍𝒊𝒃𝒓𝒂𝒓𝒊𝒂𝒏 𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒎𝒂𝒔𝒊𝒕𝒂-𝒔𝒊𝒕𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒊𝒊𝒏𝒈𝒂𝒚 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒈𝒖𝒈𝒖𝒍𝒐! 𝑯𝒂𝒚𝒚, 𝑵𝒂𝒌𝒖! 𝑬𝒘𝒂𝒏.
"Tine, paano na 'to ngayon?"
"Huh?!" ikinagulat n'ya ang biglang pagsulpot ni Tess sa kanyang harapan. Actually, hindi naman talaga ito bigla na lang sumulpot, magkasabay na lumapit si Tess at Flor sa kanya, hindi n'ya lang napansin dahil nakatutok sa malalanding babae ang kanyang Atensyon.May isa pang lalake na kaklase pa rin ni Sarawat ang papasok pa lang ng pinto ng library, kaagad naman itong nilapitan ni Tess. Nag-usap saglit ang dalawa. At papalapit na ang mga ito sa kinaroroonan n'ya.
"Tine, s'ya na muna ang paupoin mo d'yan," Saad ni Tess.
Kaagad naman siyang tumayo. At in- offer ang upoan dito.
Umupo naman ang lalake.
"Pagbutihin mo, huh? please!" pakiusap naman ni Tess dito.
Hinawakan na nito ang lapis.
"Magaling ba magdrawing yan?" bulong niya kay Tess.Duda siyang hindi yata kakayanin ng lalake na maidrawing ang project nila. Marunong lang yata ito, pero hindi ganoon ka galing.
Tiningnan siya ng lalake sa mga mata.
𝑩𝒂𝒌𝒊𝒕? Gusto niyang itanong. "Sige, simulan muna," ang kanyang nasabi.Sa mahinahong tinig.
Umakma na itong magsimula sa pagguguhit.
"Tol! ano 'yan?"
Sabay nilang nilingon ang may ari ng boses na iyon na papalapit sa kanila.
BINABASA MO ANG
When Do You Tell Me That You Love Me?
Teen FictionGigil na gigil sa inis si Tine kay Sarawat, ang lalakeng palagi n'yang nahuhuling titig na titig sa kanya. Ngunit sa pagkakataong muntik na siya nitong mabangga habang nagbibisikleta ay bigla na lang naglaho ang galit niya rito, at napalitan ng labi...