When Do You Tell Me That You Love Me?

12 3 1
                                    

Chapter 29

    "What's wrong Mr. Gunthithanon? Bakit hindi ka mapakali?" Puna ng Mathematics teacher ng Ten-A na si Mr. Sivakorn. Ang teacher na crush ng halos lahat ng estudyante sa loob ng school campus, kay Sarawat.
  
      "Para kang natatae o ano?" Dugtong pa nito.
 
       Napaayos sa pag-upo si Wat at napaharap sa kinaroroonan ng teacher.
 
      "You can go to comfort room, upang mailabas kung ano man 'yan!" Pagpapatuloy pa ni Mr. Sivakorn.

       Nagtawanan tuloy ang kanyang mga kaklase, liban kay Man, na alam ang problema niya, at ni Boss dahil na ikwento na rin nila dito ang problema.
 
      "You can go!" Inilahad pa at isininyas nito ang kaliwang kamay palabas ng pinto. Mahilig kasi talaga ang teacher na ito mamahiya.
  
     Napakamalas pa nila dahil dalawang subject pa talaga ang hawak nito sa section nila. Itong Math, at Science mamaya sa last subject.
   
    "Hindi po, Sir! Hindi naman po ako na c-CR." Sagot n'ya sa teacher na naka praying sign.
 
      "So, what's makes you bother?"
  
     "Ahm, wala po, Sir! Kinakabahan lang po ako, pero hindi ko naman po alam ang dahilan kung bakit ako kinakabahan,"
   
     "Oh, sya! Sige let's proceed for our lesson,"
   
     Nagpatuloy sa discussion ng lessons ang teacher. Pagkatapos ng discussion ay nagbigay ito ng short quiz.
   
     Mahirap na nga kay Wat ang Math, mas lalo pa tuloy siyang nahihirapan ngayon dahil sa pag-aalala n'ya nga kay Tine.
 
      Ipinagpasalamat na lang n'ya at nairaos n'ya pa rin ang quiz. Naka four out five pa rin naman s'ya. Malaking distraction kasi talaga sa kanya ang sitwasyon ni Tine ngayon.
 
       Isang subject pa bago ang kanilang vacant time. Parang lalagnatin na talaga siya sa pag-iisip kung paano niya makakausap kaagad si Beth.
 
        Habang nagdi-discuss ng lessons ang teacher nila ngayon sa second subject, ay panay ang sulayap niya kay Tine sa tapat na classroom. Payapa naman itong nakikinig din sa discussion din  ng  lessons ng teacher nito.
 
        Naidalangin na lang niya na sana hindi na lang bigyang pansin ng mga makakakita at makakabasa ng post na iyon, para walang maging problema. O sana i-delete na lang iyon ni Beth.
  
       Salamat at dumating na rin ang vacant time!
  
      Kaagad nang nagpunta si Wat sa classroom nina Tine, kahit pa alam niyang walang vacant time ang mga ito sa hapon. Pero alam niyang absenter ang subject teacher ng mga ito ngayong oras na ito.

          Sumilip siya sa bintana, sa may bandang pwesto nina Fong at Tine.
  
      "Hi, Fong!" Bati niya dito.
 
       Sabay napalingon sina Fong at Tine ng marinig siya ng mga ito.
  
      Saglit siyang nakipagtinginan kay Tine bago niya ibinaling ang paningin kay Fong.
   
      "Fong, pasuyo naman ako kay Beth, oh! Pakisabing gusto ko siyang makausap kahit saglit, importante lang please!" Pagkasabi'y muli niyang ibinaling ang paningin kay Tine, at nag eyes to eyes muli sila.

         "Ah, Sige!" Sagot naman ni Fong na kaagad nilingon si Beth.
 
        Napalingon din si Tine dito.
  
       Nakatalikod naman sa kinaroroonan nila si Beth.
 
        "Tess, pakisabi kay Beth na gusto daw siyang kausapin ni Sarawat!" Pakisuyo naman ni Fong kay Beth, katabi kasi nito sa pwesto ang babae.

         Ibinalik naman Tine ang paningin kay Wat at muli silang nagkatinginan.
 
        Kaagad namang kinalabit ni Tess si Beth at sinabi dito ang sinabi ni Fong.
   
      Kaagad namang napalingon si Beth sa kinaroroonan ni Wat.  "Bakit?" Tanong naman kaagad nito sa lalake.
 
         "Usap muna tayo sandali, importante lang, please!" Pakiusap ni Wat kay Beth.
   
       Tumayo ang babae at tinungo ang pinto habang sinusundan ng tingin nina Fong at Tine.
  
       Sinalubong naman kaagad ito ni Wat ng makalabas na ng pinto. Nag-usap saglit ang dalawa at umalis patungong likod ng classroom.
   
       "Selos?" Baling ni Fong kay Tine, nang mawala na sa kanilang paningin ang dalawa.
 
       "Sinasabi mo?" Napagsalubong ang mga kilay na sagot tanong ni Tine sa kaibigan.
   
       "Yang itsura mo, oh! Obvious na Obvious na nagseselos ka doon sa dalawa!"
    
      "Baliw! Bakit naman ako magseselos sa mga 'yon?"
  
        "Syempre, Boyfriend mo may kasamang girl at may imporatante pang pag-uusapan. Hmm, ano naman kaya ang kanilang pag-uusapan?"
    
       Siguro nga, baka nagselos na s'ya kung hindi niya pa alam na si Man ang boyfriend ni Beth. Pero dahil sa alam n'ya, hindi na siya nakaramdam no'n,,, 
 
    🔙 flash back 🔙

When Do You Tell Me That You Love Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon