When You Tell Me That You Love Me?

12 2 0
                                    

Chapter 33

         Isang grade seven student ang lumapit kay Wat habang tinatapos sa pagguhit ang project ng grupo ni Lileth.
     
     Kinalabit siya nito. "Ipinabibigay sa'yo!" Pabulong na saad nito.
  
    Napakunot ang noo ni Wat na napatingin sa iniabot nito. Nagtataka siyang tinanggap iyon. "Ano 'to?" Tanong n'ya sa halos pabulong din na boses.
     
   "Sulat yata," sagot ng bata.
   
  "Kanino galing? Sinong nagpapabigay?" Tanong pa n'ya sa bata habang tiningnan kabilaan ang sobre.
   
    "Hindi ko po kilala, basta sabi, ipakibigay ko daw sa'yo, tapos umalis na s'ya agad."
     
   "Babae o lalake?"
   
     "Ang alin, po?"
     
   "Ang nag-utos sa'yong ibigay sa'kin 'to,"
    
    "Lalake po! Parang taga grade nine,"
   
   "Ah, sige, salamat!" 
  
   Tumango naman ang bata at umalis na.
      
   Na- curious naman si Wat kung anong nilalaman ng sobre at napakaganda pa ng design nito. Kaagad niya iyong binuksan. Isang sulat nga ang nilalaman nito. Sininghot pa niya ito dahil sa  napakabangong amoy.
     
    Pinasadahan niya ng tingin ang sulat. Inuna na niyang binasa ang sender sa ibaba ng mensahe para alamin agad kung kanino galing. Bumilis bigla ng tatlong magkakasunod na malakas na kalabog ang pintig ng puso n'ya ng mabasa ang pangalang ng sumulat. Kaya't kaagad na niyang sinimulan ang pagbasa.

Para sa'yo Sarawat,
      
           Makikiusap lang sana ako sayo na tigilan mo na ako. Itigil na natin kung anong meron sa'tin.
          Yong sa library sana hindi mo na uulitin 'yon! Si Man ang mahal ko, at ayaw kong mag-away kami dahil sa'yo. Oo boyfriend ko na si Man.  I'm  Sorry, mahal na mahal ko s'ya!  At parang hindi ko kakayaning magkahiwalay kami. Mas masaya ako sa kanya. Palagi niya akong napapasaya at napapatawa kapag magkasama kami. Hindi kagaya sayo na napakaboring mo.
          Sana ipaubaya mo na lang ako sa bestfriend mo. Masaya kami sa isat-isa.  Sana naman hindi mo siya ta-traydorin.
         Yon lang. At salamat sa paglaan ng oras na basahin itong sulat ko!
                        Your bestfriend's
                                           boyfriend,
                      
                                                     Tine

 
      Nilamukos ni Wat ang sulat dahil sa sakit, gigil, at galit. Oo magkahalong sakit at galit ang kanyang nararamdaman ngayon.
  
      Kaagad na niyang iniligpit ang kagamitan sa pagguhit at agad nang umalis ng library.
      
     Kaagad siyang nagbalik ng kanilang classroom para kumprontahin kaagad si Man. Ngunit wala ito sa loob. Maging si Boss ay wala din. Kaagad niyang ibinaling ang paningin sa classroom nina Tine sa tapat. Wala din ito doon. Kinabahan siya, baka magkasama ang dalawa, si Man at Tine.
      
   Kaagad siyang lumabas muli ng kanilang classroom para puntahan si Beth dahil natanaw naman niya ito doon sa loob.
  
       Ewan n'ya, hindi niya alam kung tama ba ang kanyang gagawin, basta magulo lang talaga ang isip n'ya dahil sa  magkahalo-halong emosyong  nararamdaman niya.
     
   Wala na siyang pakialam, basta-basta na lang siyang pumasok sa loob ng classroom nina Tine, para kausapin si Beth.
     
      "Beth, alam mo ba kung nasaan si Man?" Tanong kaagad niya ng makalapit dito.
 
     "Huh? Ah hindi," sagot naman ni Beth.
       
    "Si Tine?" Tanong din niya.
     
      "Baka nasa likod, kasama si Fong." Sagot ni Beth. "Bakit?" Tanong din.
     
      "Sigurado kang sila ni Fong ang magkasama?"
      
     "Hindi, diba ang sabi ko nga ,,, baka?"
     
       "Oo, baka... baka sila ni Man ang magkasama ngayon!" Pilit nagpakahinahon at pigil ang emosyong saad niya.
       
    "Huh? Bakit?" Takang tanong ni Beth.
       
    Dinukot niya sa bulsa ang nagusot na sulat. "Ito," inabot niya dito. "Basahin mo!"
       
  Kaagad naman iyong tinanggap ni Beth. "Ano naman 'to?" Takang tanong nito habang inayos-ayos at binubuklat ang sulat.
     
     Binasa naman iyon ni Beth, at kaagad nagsipatak ang mga luha sa mga mata nito pagkatapos mabasa ang sulat. At pabagsak na naupo sa pwesto. Tila nanlumo ang babae.
   
    "Ano, iiyak ka na lang ba d'yan? Wala ka bang balak  hanapin sila?" Pigil pa rin ang emosyon n'ya.
       
   "Saan ko naman sila hahanapin?" Sagot tanong nito sa kanya. "Sinasabi ko na nga ba, eh! May something nga sa kanila. Ramdam ko 'yon!"
     
    "Tahan na!" Inaalo n'ya naman ang babae. Hinaplos-haplos pa niya ang likod nito.
           
   
    Hindi naman maipinta ang hitsura ni Aliah habang nakatingin sa dalawa. Kanina pa ito nakamasid pagpasok pa lang ni Wat sa classroom nila.
     
   Habang panay naman ang bulongan ng 4Lyn's, mula din kaninang pagpasok ni Wat ay nakamasid na rin ang mga ito sa dalawa.
          
   
      "Tahan na!" Pag-aalo pa rin ni Wat kay Beth. Habang iniabot dito ang panyo mula sa kanyang bulsa.

To be continue...
           

Typo error po🙏🏻hindi talaga maiwasan... kaya't pasensya na po kayo!🙏🏻🙂

When Do You Tell Me That You Love Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon