Whe You Tell Me That You Love Me?

16 4 1
                                    

Chapter 21

Kaagad nagsibalik sa library ang mga mag-aaral na dito naglalagi kapag bakanteng oras, at kabilang na dito si Tine.

           May emergency meeting daw kasi ang mga teachers ngayon, kaya wala nanaman silang klase sa time na ito.

           Occupied na ang mesang lagi nilang penipwestohan kaya't  hinanap ni Tine sa kanyang paningin kung saan naka pwesto si Man, at nakita niya itong nasa gitnang mesa nakapwesto, naroon na rin sina Tess at Flor na magkatabing nakaupo sa harap nito. Kaagad na siyang nagtungo doon at umupo sa tabi ni Tess.

            Pinamasdan niya ang dino-drawing ni Man. Salamat at malapit na nitong matapos ang project nila.

           Muli siyang tumayo at nagtungo sa kinalalagyan ng aklat na binabasa niya kanina,  nawili nakasi siya sa nabasang kwento doon na hindi niya natapos basahin kanina.

           Papasok naman ng library  si Sarawat, huminto ito sa may pinto at tinanaw muna ang loob. Naghahanap ang mga mata nito ng mesang mapu-pwestohan, at isang mesa na lang ang nakita nitong bakante, at iyon ay kasunod sa kinaroroonan nina Man. Hindi man nito nakita doon si Tine, ay alam naman nitong darating din ang nagmamay-ari ng puso nito. Kaya't  kaagad na itong dumiritso sa lalagyan ng mga chart, kumoha ng isa, at nagtungo na sa bakanteng mesa. Umupo ito paharap ng direksyon kina Man. Pagtingin nito sa kinaroroonan ng kaibigan ay naroon na si Tine, nakaupo sa tabi ni Tess at Flor, paharap sila sa kinaroroonan nito. Si Man lang ang patalikod.

          Pinagmasdan muna nito ang napaka cute at gwapo nitong minamahal, na abala sa pagbubuklat ng aklat. Ng mabusog ito sa kakatitig kay Tine ay nagsimula na ito sa pagdo-drawing.

         A minutes later.
         Nakita ni Tess ang pumapasok ng pinto na si William (Dew Jerawit's character), isa ito sa classmates nila.

          "Uy, nandito na si Tine!" Ang sabi ni Tess na abot hanggang taenga ang pagkakangisi. "Lika dito, Tine, nandito si William, oh! Dito ka na umupo." Umandar na naman ang panunukso nito. Binaliktad pa ang pagtawag sa mga pangalan ng dalawa. Si Tine ay ginawang William, at si William ay ginawang Tine.

          Binaliwala lang ni Tine ang ginagawa ng babae. Mula pa kasi kahapon ay tunutudyo na siya nito kay William. Ewan n'ya kung saan nanggaling  at paano nagsimula ang panunudyo nito sa kanya, basta bigla na lang siyang tinutukso nito kay William.

           Napahinto si Man sa ginagawa ng marinig ang pinagsasabi ng babae at pinaglipat-lipat ang paningin kina Tine, Tess at William, habang abot hanggang t'enga din ang ngisi ni Flor. Kasabwat kasi ni Tess si Flor sa panunukso nito sa kanya (Tine) at kay William.

           Sa narinig ding iyon ni Sarawat ay kaagad itong napalingon sa pinto, at kaagad nitong nakita ang nagba-blush pero nakangiting si William habang nakatingin kay Tess. Patuloy ito sa paghakbang papasok sa loob.

           Ibinaling naman kaagad ni Wat ang paningin kay Tine, na deadma lang sa mga narinig at patuloy lang sa pagbabasa. Binalingan din nito ng tingin sina Tess at Flor na napakaluwang ng pagkakangisi.

           "Uy, Liam, salubongin mo muna si Tine!" Baling ni Tess kay Tine.

           "Lika na lang Tine! At abala kuno sa pagbabasa itong si William," Baling naman nito kay William na napakamot ng batok habang humahakbang diretso sa  kasunod ng mesang kinaroroonan nila.

          "Hayan, ikaw kasi Liam ka! Hindi mo pinansin si Tine, nilagpasan ka tuloy!" Pagpapatuloy ng kalokohan ni Tess.

         Patuloy sa paglipat-lipat ng paningin si Wat kina Tess, Tine at William. Habang nakikita din nito ang ngising-ngisi na si Flor.

When Do You Tell Me That You Love Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon