KABADONG inabot ko si Hugo gamit ang aking kaliwang paa. Sa bandang sikmura niya ay idiniin ko ang dulo ng aking sapatos. Wala pa rin siyang malay.
Nagsilapitan na ang mga kaklase namin. Dumating na rin ang teacher namin para sa oras na ito. Lahat sila ay nakiusyoso kung ano ang nangyari at bakit nakahiga sa sahig si Hugo.
"Jillian, anong nangyari?!" kalabit ni Dessy sa akin.
"I...I don't know..." nauutal na kaila ko kahit pa ako ang may gawa kung bakit nawalan ng malay tao si Hugo.
"Na-heatstroke yata, Ma'am!" sabi ng isa sa mga kaklase namin na nakikiusyoso.
"Oo nga, tumambay siguro sa arawan si Hugo!"
"Hala, kawawa naman!" sabi naman ng isa sa mga babaeng kaklase namin. May ilan pang kababaihan na gusto siyang lapitan.
"Boys, dalhin siya sa clinic," utos ng teacher namin na si Mrs. Mendiola.
Pinagtulung-tulungan ng mga lalaki naming kaklase na buhatin si Hugo. Hirap na hirap ang mga ito dahil matangkad siya at mabigat.
"Ang bigat ng itlog ni Hugo!" sigaw ni Lucky Columna na isa sa mga tropa niya.
"Gawa raw kasi sa ginto itlog niya!" sabi naman ni Bimbo Zaragosa na isa rin sa tropa niya.
Kilala ko na ang mga pangalan dahil tuwing nag-a-attendace ay maliligalig sila, hindi pwede na hindi tatatak sa 'yo ang mga pangalan nila.
Nagtawanan ang mga kaklase namin na akala mo'y walang taong hinimatay. Ang mga tropa naman ni Hugo ay imbes mag-alala sa kanya ay ginawa pa siyang katatawanan.
Hindi pa gaanong naiaangat sa sahig si Hugo nang unti-unti magising ang lalaki. Namumula ang kanyang mga mata at parang hilo pa nang igala ang paningin. Nagtataka marahil siya kung bakit pinalilibutan siya ng mga kaklase namin.
"How are you feeling, Aguilar?" tanong ni Mrs. Mendiola.
Tinabig niya ang kamay ng isa sa mga may hawak sa kanya. "Anyare, Ma'am?"
"You passed out."
Ipinilig niya ang kanyang ulo at saka naupo sa armchair ng upuan na malapit sa kanya. "Ayos na ako," sabi niya sabay kapa ng kanyang mahahabang daliri sa bridge ng matangos niyang ilong.
Inabutan siya ng panyo ng tropa niyang si Bimbo. Ipinunas naman niya iyon sa dugo na nasa kanyang ilong. Napa-tsk siya pagkakita sa dugo. Parang hihimatayin na naman siya kung di lang siya napatingin sa mga tropa niyang ang lalawak ng ngisi ngayon sa kanya.
Nakapagtataka nga kung bakit siya hinimatay. Kilala siya na basagulero, kaya paanong dahil sa dumugo lang ang ilong niya ay nawalan na siya agad ng malay? O baka hindi siya sanay na sa kanya mismo galing ang dugo na nakita?
BINABASA MO ANG
South Boys #4: Troublemaker
RomanceHe is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are completely opposite... yet unexpectedly ended up in some kind of weird "secret" relationship. South Boys...