NAKAALIS NA SINA CARLYN AT SUSSIE.
Narinig ko rin nang pumunta ako sa hagdan na tumawag na ang asawa ni Sussie na si Arkanghel. Pauwi na raw ang lalaki mula sa Manila, kaya naman nagyaya nang umalis si Sussie.
Hinahanap nila ako para magpaalam pero hindi ako bumaba. Nagpanggap ako na may ginagawa. Alam ko na ang bastos ko, pero hindi ko na talaga kayang bababain sila. Sa tingin ko ay naiintindihan ako ni Carlyn dahil nag-chat na lang ito sa akin na aalis na nga raw sila.
Nakatanaw ako sa glassdoor sa may veranda. Wala pa si Kuya Jordan kaya magbu-book na lang sila ng Grab.
Inihatid na lang sila nina Hugo at Hyde hanggang sa may gate. Karga pa ni Hugo si Shasha, at ibinalik lang kay Sussie nang dumating na ang Grab car. Hindi pa agad umalis sina Hugo at Hyde sa gate. Nandoon sila hanggang sa tuluyang makaalis na ang sinasakyan nina Sussie at Carlyn.
Si Hyde ang nagsara ng gate at si Hugo ay napatingin sa akin sa veranda. He caught me looking at them. Umawang ang mga labi ni Hugo habang nakatingala sa akin. Tumalikod naman na ako at bumalik sa loob.
7:30 p.m. Umupo lang ako sa gilid ng kama at sumandal sandali sa headboard pero nakaidlip na pala ako. My forehead furrowed when I saw that I was lying on the bed and my body was covered with a blanket.
Hindi ko naaalala na nahiga at mas lalong hindi ko naaalala na nagkumot ako. Bumukas ang pinto at pumasok si Hyde. "Mommy, it's time for dinner!"
Bumangon ako at nagkusot ng mata.
Sumampa ang bata sa kama. "Mommy, pinuntahan ka po rito ni Daddy kanina."
"W-what?" Hugo went here?
"Yup!" nakangiting sabi ni Hyde. "He said that you were sleeping, and that maybe you were tired, so we should not wake you up. Kami na lang ulit ang tumulong kay Ate Lina sa pag-prepare ng dinner."
Tumayo na si Hyde at hinila ako.
"Nakapag-rest ka na ba, Mommy? Ready na po ang dinner. And guess what, Mommy? Our ulam is chicken caldereta. It's your favorite, right Mommy?"
Tumango ako at sumama na kay Hyde sa ibaba. Kung si Ate Lina ang sumundo sa akin sa kuwarto ay baka tumanggi ako. Wala akong gana na kumain. Kaya lang ay si Hyde mismo ang sumundo sa akin.
Sa hapag ay naglalagay ng tubig si Hugo sa mga baso. Nang makita niya ako ay akma siyang ngingiti nang ibaling ko ang aking paningin sa ibang direksyon.
Doon ako umupo sa katabi ni Ate Lina. Ang kaharap ko naman sa mesa ay si Hyde.
Pagsasandukan ko sana ng kanin si Hyde pero pinigilan ako nito. "I can do it myself, Mommy." Ito pa ang nagsandok ng kanin sa plato ko.
"Thank you, baby."
"And I'm no longer a baby, Mommy. Di ba magna-nine na po ako?"
BINABASA MO ANG
South Boys #4: Troublemaker
RomanceHe is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are completely opposite... yet unexpectedly ended up in some kind of weird "secret" relationship. South Boys...