"ANG GUWAPO TALAGA NG ANAK MO. HINTAYIN KO ITO."
Nginingitian ko lang ang mga ganoong biro ni Dessy. Nasanay na ako sa kanya kasi baby pa lang si Hyde, ganyan na siya. Aliw na aliw talaga siya sa anak ko.
Nasa backseat ako ng vios niya habang si Hyde ay katabi niya sa harapan. Nasa passenger's seat ang walong taong gulang na batang lalaki.
Off ko at wala akong rest day overtime. I wanted to spend time with Hyde today. Sakto na nagyaya si Dessy na mag-mall daw kami. Malaki ang kinita niya ngayong buwan sa YouTube, kaya ililibre niya raw ang inaanak niya. Sumabay na kami sa kanya papunta sa mall dahil doon din talaga gustong pumunta ni Hyde.
Ibibili ko rin ng bagong sneakers si Hyde ngayon dahil masikip na rito ang binili kong sapatos last year. Kung gaano kabilis itong tumangkad ay ganoon din kabilis humaba ang paa.
Isasabay ko na rin sa pagpunta sa mall ngayon ang pagbili ng regalong damit sa pamangkin ko na si Mara. Aabot pa naman ang budget dahil nagbigay ng tip ang dalawang clients na ginawan ko ng commisioned work.
"Ninang Des, why do you like guwapong guys so much?" Hyde asked his Ninang Dessy.
Maligayang sumagot naman ang babae, "Because handsome guys are edible!"
Pasimpleng tinadyakan ko ang likuran ng driver's seat kung saan nakaupo si Dessy. Humalakhak lang naman ang babae habang nagmamaneho.
"Edible?!" Mararamdaman ang gulat sa inosenteng tono ng anak ko. "You mean, you eat handsome men like they are food, Ninang? Are you a cannibal?!"
"Of course not." Napahagikhik si Dessy. "I am not into swallowing, okay? I spit them after I got a taste of them."
"Oh, Ninang Des, that's gross!"
Inirapan ni Dessy ang katabing bata. "Bakit naman gross? Hindi mo pa kasi naiintindihan dahil baby ka pa."
"Ninang Des, how many times should I tell you that I'm no longer a baby? I am now an eight-year-old boy."
"Really? Pero supot ka pa rin."
"Dessy," mahina pero may diin ang boses ko.
"Ang KJ talaga nitong mag-inang ito," bubulong-bulong na lang si Dessy.
Nilingon ako ni Hyde. Nagniningning ang kulay tansong mga mata. "Mommy, Daddy Harry called me last night. He said he'll join us today and we'll watch a movie. On the way na po ba siya?"
I looked at the phone in my hand. Wala pang reply si Harry sa huling text ko ten minutes ago. Nagda-drive pa siguro. Galing pa kasi ito ng Manila. Doon ito nagtatrabaho sa firm ng tito namin, kung saan kasama rin nito si Kuya Jordan. Parehong architect ang mga ito.
Sinagot ko ang tanong ni Hyde, "Susunod na lang siya, baby."
BINABASA MO ANG
South Boys #4: Troublemaker
RomanceHe is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are completely opposite... yet unexpectedly ended up in some kind of weird "secret" relationship. South Boys...