"NASAAN KA?"
Ito ang unang beses na narinig ko ang boses ni Hugo na nabasag nang ganito. He really was not okay...
The call ended. I tried calling him but he wouldn't answer. Maybe he was embarrassed because he didn't expect his voice to break while talking to me. Importante pa rin talaga kay Hugo ang angas niya.
Text na lang ang ipinadala niya sa akin matapos ang ilang minuto.
Aguilar:
Nasa tropa ako rito sa Pascam.
Aguilar:
Dito sana ako papalipas hanggang bukas, kaso kanina pa ako dinidikitan ng babaeng utol ng tropa. Pinapatagay pa ako nang pinapatagay. Langya, baka mapikot ako pag magpaumaga ako rito.
Me:
Anong gagawin ko?
Aguilar:
Samahan mo na lang ako tumambay muna.
Graduate na kami at hindi na kami magkikita pa, kaya ayos lang naman siguro na sa huling pagkakataon ay samahan ko siya. Marami rin namang pagkakataon na kapag ako ang may kailangan ay hindi niya ako pinababayaan.
Besides, I wanted to see him...
Ngayon na lang naman. Pagkatapos ay hindi na kami magkikita ulit. Nauna nang magdesisyon ang katawan ko kaysa sa utak. Nag-type ang mga daliri ko ng text kay Hugo.
Me:
Pumunta ka na rito. Hihintayin kita sa gate ng subdivision.
Susunduin ko siya sa gate dahil anong oras na. Baka hindi na siya papasukin ng guard.
Hindi na ako nagpalit ng damit dahil baka mamaya ay magising si Kuya Jordan, at lumabas ng kuwarto. Baka magtaka kung bakit hindi ako nakapantulog. Cotton yellow long sleeves at pajamas pa rin ang suot ko na may print ng favorite character ko na si Pikachu.
Maingat na lumabas ako ng bahay matapos magsuot ng tsinelas. Bitbit ko ang phone ko na naglakad ako patungo sa gate ng subdivision.
I really thought we would not see each other again. May ganitong pagkakataon pa pala.
Wala nang katao-tao sa kalsada at loob ito ng subdivision kaya hindi ako natatakot kahit dis oras na ng gabi. Sa gate ay natanawan ko agad ang matangkad na pigura sa tabi ng guardhouse.
Nakapasok agad siya dahil nakita ako ng guard na kumakaway. Nakapamulsa si Hugo sa suot na cargo shorts at nang lumapit siya sa akin ay parang binagyo ang dibdib ko.
Sa ilalim ng lamppost kami sa kanto nangpang-abot. Napangisi siya nang mapasadahan ng tingin ang suot kong partner pajamas. "Oy, Pikachu."
Hindi ko pinatulan ang pang-aalaska niya. Mas natuon ang pansin ko sa malamlam niyang ekspresyon na hindi niya maitatago sa akin kahit mag-angas pa siya.
Shirt, cargo shorts at Nike slides ang suot ni Hugo. Magulo ang buhok, pawisan ang makinis na leeg, at amoy alak siya. Hindi naman mabaho, mabango pa rin. Lumalaban ang banayad na amoy ng gamit niyang men's cologne.
BINABASA MO ANG
South Boys #4: Troublemaker
Storie d'amoreHe is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are completely opposite... yet unexpectedly ended up in some kind of weird "secret" relationship. South Boys...