HUGO WAS KISSING ME ON THE LIPS.
Natulala ako sa kawalan habang magkahinang ang mga labi namin. Akala ko ay hindi na mauulit pa, pero ngayon ay muli kong naramdaman kung gaano kainit, kalambot ang mga labi niya. Parang bumalik sa alaala ko ang lahat-lahat.
Dahil sa halik ni Hugo, naalala ko ang lahat-lahat... Kung paano ako naging matapang dahil sa lalaking ito, kung paano niya binura sa isip at sa katawan ko ang masasamang nangyari noon sa akin, at kung paanong nagtitiwala ako sa kanya dahil alam kong hindi niya ako pababayaan.
Sandali siyang humiwalay. May pinitik siya sa dila niya at nalaglag sa sahig ang silver na hikaw niya roon. Ang aking mga mata ay sumisigaw sa pagtutol pero ngumisi siya.
"Baka kasi malunok mo." Pagkatapos ay muling inangkin niya ang mga labi ko.
Ang mga mata ko ay kusang napapikit mula sa panlalaki ng mga ito. But, before my lips could open to invite him to explore my mouth, he pulled away from me. Napadilat ako.
Namimigat ang mga mata ko. "W-why?"
Hindi niya ba nagustuhan ang lasa ng mga labi ko? Mabaho ba ang hininga ko? Kahit hindi ako nakapag-toothbrush ngayong gabi ay nagmumog naman ako.
Bumalik sa puwesto niya si Hugo. Tumihaya siya ulit, ipinikit ang mga mata at ipinatong ang kamay sa ibabaw ng kanyang noo.
Bumangon ako at pinagmasdan siya. Hindi ako nakatiis na hindi siya tanungin ulit, "Why did you stop?"
Hindi pa rin siya sumasagot at nanatiling nakapikit na akala mo ay walang narinig.
It shouldn't be a big deal, actually. Noong kami nga ni Harry ay hindi ako nag-asam ng kahit ano, maliban sa minsang yakap, hawak sa kamay, at halik sa pisngi o noo. Pero ngayon ay hindi ako matahimik dahil lang tumigil sa paghalik sa akin si Hugo.
Hindi ko kasi maintindihan kung bakit siya huminto na para siyang biglang napaso. "What, Hugo? Don't you find me desirable enough?"
"Tulog mo 'yan," tanging sabi niya lang.
Lalo naman akong nakaramdam ng paghihimagsik ng kalooban. Kahit pala nagkaroon ako ng kaunting pagbabago sa pag-aayos at pagkilos, wala pa rin siguro akong binatbat kumpara sa mga babaeng dumaan sa buhay niya. Maybe he still thought of me as plain and boring.
"Am I still not your type?" mapait kong bitiw. "Or do you hate me that's why—"
"I'm getting hard," putol niya sa sinasabi ko.
I blinked twice. "Ha?"
Dumilat siya at tumingin sa akin. "Sabi ko, tinitigasan ako. Kapag hindi ako huminto, baka hanggang hindi lang halik ang magawa ko sa 'yo kaya matulog ka na!"
Napanganga ako. Kung ganoon ay mali pala ako. Hindi totoong hindi siya tinatablan sa akin. Para akong tanga na napangiti.
BINABASA MO ANG
South Boys #4: Troublemaker
RomansaHe is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are completely opposite... yet unexpectedly ended up in some kind of weird "secret" relationship. South Boys...