Trigger warning: This chapter contains child molestation, assault, and strong language. You can skip this chapter if you feel uncomfortable-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
HUGO WAS RAGING MAD AND HE LOOKED LIKE SOMEONE READY TO COMMIT MURDER.
He was carrying a .45 caliber gun in his left hand. Alam ko na gagawin niya ang sinabi niya, papatayin niya talaga si Dessy.
Kung nasaktan at galit ako ngayon, alam ko na mas matindi ang nararamdaman niya. What he discovered today triggered some bad memories from his childhood. He was now seeing red. But I could not let him do something he might regret in the end.
Nilingon ko si Hyde. Nasa mga mata rin ng bata ang takot dahil sa pag-alis ni Hugo. Alam nito na may magagawang hindi maganda ang daddy nito. Hindi ko hahayaang madagdagan ang trauma ng anak ng bata kapag napahamak si Hugo. Alam ko na mas dadamdamin iyon ng anak namin.
Hinarap ko si Ate Lina. "Ate Lina, sandali lang po. Pakibantayan muna si Hyde, hahabulin ko lang po si Hugo."
Mabilis ang tango ng ginang. "Oo, Jillian. Ako na muna ang bahala rito. Tinawagan ko na rin naman na sina Norma. Papunta na sila. Habulin mo muna ang asawa mo at baka kung ano ang magawa niyan!"
Mabilisan kong kinausap si Hyde. Ipinangako ko rito na pipigilan ko si Hugo. Nagpadala ako ng text message kay Mommy para kung ano man ang mangyari. Naninikip ang dibdib na umalis na ako.
I left the room to follow Hugo. Sa hagdan pa lang ay nararamdaman ko na ang aking paghingal, binalewala ko iyon. Ang nasa isip ko ay mapigilan ang lalaki. Hinding hindi ko siya paaalisin.
Sinikap ko siyang maabutan, kaya lang ay mabibilis at mabibigat ang kanyang mga hakbang. Tinatawag ko siya, pero hindi siya lumilingon. Sa garahe ay malakas na lagabog na lang ng pasarang binagsak na pinto ng kotse ang aking naabutan.
Bukas ang gate kaya nakapagmaneho si Hugo agad paalis. Humanda ako na tumakbo para habulin siya nang biglang kumirot ang puson ko. Napaluhod ako sa semento.
Nakahabol na lang ako ng tingin sa walang ingat na pagmamaneho ni Hugo. Ang mga paso sa gilid ng gate ay nabangga niya pero wala siyang pakialam. Wala rin siyang pakialam kahit may kasalubong siyang paparating na sasakyan.
Nakalupagi ako semento hanggang sa mawala na sa paningin ko ang kotse ni Hugo. Ang dumating naman na sasakyan ay hindi na tuluyang pumasok. Huminto na ito sa bukana pa lang, at mula roon ay bumaba sina Carlyn at Kuya Jordan.
"Jill, what happened?!" Napatakbo agad sa akin ang nag-aalala kong kapatid.
Nakakita ako ng pag-asa sa kanila. Kahit masakit ang puson at hinihingal ako ay sinikap ko na magsalita, "K-kuya, habulin mo si Hugo... Stop him, please...!"
Si Carlyn ay inalalayan ako na makatayo. "Ano bang nangyari, Jillian?" nag-aalala na tanong niya.
BINABASA MO ANG
South Boys #4: Troublemaker
RomanceHe is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are completely opposite... yet unexpectedly ended up in some kind of weird "secret" relationship. South Boys...