WOLFGANG-ALCARAZ NUPTIAL
'Two souls but a single thought. Two hearts that beat as one...' Those words were carved on the wooden sign. The glittered golden calligraphy lettering was eye candy. I could look at it all night.
Maganda rin ang ibig sabihin ng mga salita. Very romantic. Bagay na bagay sa bride at groom na parang wala nang bukas kung tumitig sa isa't isa.
Lalo ang groom. Masyadong matayog, matikas, pero hindi nahiyang ipakita sa lahat ang pagtulo ng mga luha habang pinapanood ang paglapit ng bride rito sa altar.
They were my schoolmates in high school. Sina Sussie at Arkanghel. Ang babae ay naging kaklase ko pa mismo noong huling taon ng senior high.
I didn't want to take my eyes off the signboard, but my eyes were drawn to the arch of assorted roses on the lawn. Another breathtaking view. I would love to draw it if I get the chance. In addition to the beautiful flowers in the garden itself, there were also specially designed floral decorations. Mga mamahaling bulaklak na sa galing pa sa ibang lugar at dinala lang dito sa Indang, Cavite, kung saan ginaganap ngayon ang wedding reception.
Pang ilang kasal na ba itong nadaluhan ko ngayong taon? Pangalawa na. The first one was my older brother, Kuya Jordan's wedding. He got married last month to his high school sweetheart. To the woman who brought him heartbreak and the same woman who healed his broken heart.
Ganoon sina Arkanghel at Sussie na ikinasal ngayon. High school love din.
Ah, high school love. What a good feeling and memory. Young innocent love turned into true love.
Sobrang bihira lang siguro ang ganoon sa edad kung kailan hindi pa malinaw ang lahat. Karamihan kasi ay hindi ganoon. Some of the teenagers were only in love because of curiosity and peer pressure. They were only in love with the idea of being in love.
Tinalikuran ko na ang mga bulaklak. Hinawi ako ang nakalugay na hanggang balikat na buhok na bahagyang nililipad ng mabining hangin. Nang lingunin ko ang ikinasal ay magkayakap pa rin ang mga ito. Parang ayaw mahiwalay sa isa't isa.
Namatay ang background music. Nagtaka ang lahat dahil biglang tumahimik.
Humiwalay ang groom na ikinagulat ng bride. Tinawag ito ng bride pero parang walang narinig ang groom. Ni hindi man lang lumingon. Pati ang mga audience, kasama ako, ay nagulat. Nagtataka kung ano ba ang nangyayari. Hanggang namatay na lahat ang ilaw sa paligid.
Bumilang lang ang limang segundo, bumukas ulit ang ilaw sa gitna. Hindi na nag-iisa ang groom. May mga kasama na ito. Hindi na nag-iisa si Arkanghel, he was now with his friends, his high school friends, Isaiah, Miko, and Asher.
Naghiyawan ang mga guest nang pumuwesto ang mga ito sa gitna. Ang nangunguna sa mga ito ay si Arkanghel. Pumailanlang sa background ang nakakaindak na beat. Napangiti ako nang makilala ang tugtog, kanta ng bandang Backstreet Boys.
♩ ♬
Although loneliness has always been a friend of mine
BINABASA MO ANG
South Boys #4: Troublemaker
RomansaHe is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are completely opposite... yet unexpectedly ended up in some kind of weird "secret" relationship. South Boys...