Chapter 68

80K 4.6K 2.3K
                                    

"DID YOU KNOW?"


Hindi pa sumisikat ang araw nang mag-ring ang doorbell sa ibaba. Hindi ako makatulog kaya unang ring pa lang ay napaalis na agad ako sa kama. Ako na ang bumaba para buksan ang kung sino mang dumating.


Dahil maliwanag pa ang ilaw sa labas ay nakilala ko si Mommy Norma. Nakapagtataka lang dahil mag-isa ito. Ano ang ginagawa nito rito? Hindi ba't isinabay ito kanina ni Daddy papunta sa bahay ni Hugo? Aasikasuhin dapat nito ang anak.


"Did you know?" ulit nito sa paos na boses nang mapapasok ko na sa loob. Doon ko napansin na namumugto ang mga mata nito. "Did my son tell you, Jillian?"


Napalunok ako sa uri ng titig ni Mommy Norma. May kaba na nabubuo sa dibdib ko.


"Why did he tell you and not me?" Nabasag ang boses nito. "Bakit hindi niya sinabi noon pa man? Bakit itinago niya? Bakit sinarili niya lang? Tell me, Jillian!"


Napaawang ang mga labi ko. When did Hugo tell his mom?


Ako lang sa buong buhay niya ang pinagkatiwalaan niya. Akala ko ay ayaw niyang may ibang makaalam? Nag-alala tuloy ako kung ano ang nangyari kanina noong puntahan siya ng mommy niya. Anong komprontasyon ang naganap sa kanilang mag-ina.


Napaupo si Mommy Norma sa sofa habang nanginginig ang balikat nito. Kami lang dalawa ang naririto ngayon sa sala. Tulog pa sa itaas sina Mommy, Carlyn, at ang mga bata, while Daddy and Kuya Jordan were still at the police station. Ganoon din ang daddy ni Hugo na si Daddy Manuel.


Pagkahatid ni Daddy sa amin ni Carlyn sa bahay ay bumalik agad ito sa police station. Parating kasi ang mga abogado ng magkabilang panig. Nagkakagulo rin doon dahil dumating ang mga press. Putok na putok na naman sa social media ang hashtag na #SaveDessylicious.


Sa bahay ay hinihintay kami ni Mommy. Nasa kuwarto nito at ni Daddy sina Mara at Hyde. Pinalipat doon. Tulog na rin ang dalawang bata. Doon na rin nakisiksik si Carlyn.


Naupo ako malapit kay Mommy Norma sa sofa. "Sinabi po ba sa inyo ni Hugo?" mahinahon na tanong ko.


Marahan naman itong tumango.


"Mommy Norma, I didn't say anything because Hugo had put his trust in me with that secret. I also believe he is not ready for anyone else to hear about it."


"Even his own mother?" may hinanakit na tanong niya sa akin.


Napayuko ako. "I'm sorry..."


"To think na buong buhay ng anak ko, wala ako maski ideya? Wala akong alam na may ganoon siyang pinagdaanan? Akala naming mag-asawa, ang katarantaduhan ng anak namin ay pagrerebelde lang! Na baka mali lang talaga kami sa pagpapalaki! Iyon pala, may iba pang dahilan!"


Napahampas sa sariling dibdib si Mommy Norma.


"Nag-iisang anak namin ng asawa ko! Ibinigay namin lahat ng pagmamahal, pangungunsinti, at pati ang lahat ng luho! Hindi pala sapat! Noong panahong iyan, ay iyong nagsisikap ako na ma-promote bilang head teacher, habang ang asawa ko naman ay nagsisimula pa lang sa pagpapalago ng kanyang negosyo! At ang aming Hugo pala ang kabayaran ng pag-unlad namin pareho!"

South Boys #4: TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon