WHY ARE IGNORING ME?
Nasilip ko ang recent chat ni Harry sa message request. Wala sana akong balak tingnan kaya lang ay nakita ko na. How could he even bother to think of me? Hindi ba siya busy sa pag-aaral katulad ng palagi niyang idinadahilan?
At may girlfriend na siya na mas higit na nangangailangan ng atensyon, bakit hindi iyon ang kanyang pagkaabalahan?
"Mula nang dumating ka kanina, ang lungkot mo na," puna sa akin ni Dessy.
Napatingala ako sa babae na nagtitimpla ng kape sa harapan ko. Nandito ako sa kusina na naman ng bahay nila. "Hindi naman," kaila ko. "Nakokonsensiya lang ako dahil wala naman talaga tayong project katulad ng paalam mo sa kuya ko."
Pinayagan ako ni Kuya Jordan dahil ipinaalam ako ni Dessy na may project daw kami, kahit ang totoo ay wala naman. Nagulat na lang ako na ipinaalam niya ako at nagulat na lang din ako na pumayag ang kapatid ko.
Walang inuman ngayon dito sa bahay nina Dessy. Wala raw pera ang mga tao. Wala mang session ay hindi pa rin talaga nawawalan ng tambay rito. Naging second home ng tambay na estudyante ang bahay nila.
Dahil walang alak ay matitino ang tao sa sala. Tumabi ako sa kanila sa sofa since wala naman silang mga tama. Kahit si Dessy ay walang tama kaya naman asikasong-asikaso sa akin ngayon. Kapag kasi may alak o nandito ang kanyang boyfriend ay nakakalimutan ako nito.
Nang dumating si Hugo ay nakita agad ako ng lalaki. Nangunot ang makinis niyang noo sa pagtataka kung ano ang ginagawa ko rito. Hindi naman siya lumapit sa akin.
Umalis si Hugo kasama ang dalawa sa tropa niya. Para silang sandwich sa motor dahil tatlo sila. Pagbalik ay may mga dala ng alak, ice cubes, at mga chips. Tuwang-tuwa naman si Dessy at ang ibang naririto. Para silang mga sabik na ngayon pa lang makakainom ng alam sa buong buhay nila.
"O di payag si Hugo na matino kayo!" sigaw ng isa sa tropang kasama ni Hugo.
Nakiumpok si Hugo sa mga nakatambay sa sala habang ako ay sumimple na bumalik sa kusina. Umiiwas ako na baka biglang maalok ng tagay. Ayaw ko na masabihan ng maarte kung tatangi ako kaya umalis na lang ako.
Sa kusina ay hindi man lang ako sinundan ni Dessy. Ganoon talaga ito kapag may alak, nakakalimot sa lahat. Pero mabuti na rin iyon. Mayamaya kapag lasing na sila ay aalis na ako.
Binuksan na nila ang videoke. Habang nakaupo ay nakikinig lang ako sa mga nangyayari sa sala. Pumailanlang ang tunog ng kanta, at sumunod ay ang malamig at swabeng boses na nagpaangat sa aking mukha.
"Isn't it funny how time seems to slip away so fast?"
Kusang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang makilala kung sino siya.
"One minute, you're happy; the other, you're sad. But if you give me one more chance to show my love for you is true. I'll stand by your side, your whole life through..."
BINABASA MO ANG
South Boys #4: Troublemaker
RomanceHe is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are completely opposite... yet unexpectedly ended up in some kind of weird "secret" relationship. South Boys...