UNKNOWN NUMBER:
You know who's this, Jill. Your one and only friend. The only friend you have in the world and the only person who could put up with you.
Katatapos lang ng dinner. Katatapos ko lang maghugas ng mga plato nang makatanggap ako ng message sa hindi naka-save sa akin na number.
The next thing I received were multimedia messages. They were photos of me and Dessy in high school. Some memories. Mga malalabong photos kung saan kinuha gamit ang lumang phone niya noon. Nakangiti ito habang ako ay seryoso sa tabi niya. Maraming photos namin sa iba't ibang parte ng school at iba't ibang pagkakataon. May photos din kami sa mga Christmas party, foundation day, JS Prom, at maging noong graduation night. Ito lang ang kasama ko. Ito lang palagi.
Sumunod na pinadala ni Dessy ay mga photos noong panahong nakapanganak na ako kay Hyde. May kasama iyong text message.
Unknown Number:
Despite everything, you turned your back on me. You didn't even give me a chance to explain. You have been blinded by your anger and the people around you who are inciting you.
Pumikit ako at bumalik sa akin ang mga panahong nagkita kami ulit matapos kong pagtaguan ang lahat. Matapos kong mag-deactivate ng lahat ng aking social media noon.
Si Dessy lang ang nakakaalam sa bahay namin dito sa Tagaytay. She was also the only friend who had come to see me since then. Nagulat ito nang malamang may anak na ako, pero hindi ako nito sinumbatan, hinusgahan, maski inusisa man lang. And that was one of the things I appreciated about her.
Dessy, despite my aloofness and coldness at the time, was like Harry who never gave up on me until I let her back into my life.
Kahit magkaiba kami ng university, hindi naging hadlang iyon para kumustahin ako nito, dalawin, at kuwentuhin sa mga panahong malungkot ako. Hanggang sa ito na ang naging nag-iisang ninang ni Hyde. Natabunan na lang ng pagiging makulit niya ang mga bagay na hindi ko gusto sa kanya. Her being a good friend to me overshadowed her dirty humor, rebelliousness, and her annoying antics in life.
Nag-beep muli ang phone ko.
Unknown Number:
Jill, before you hate me, I hope you'll give me a chance to explain my side. Please, let us meet. Iyong tayo lang... or you can bring Hyde with you.
May mga kasunod pa na hindi ko na pinagkaabalahang basahin pa. I couldn't blame Dessy for thinking I was a big fool.
Totoo na sa academics lang ako may ibubuga. Dahil ibinuhos ko ang aking sarili sa pag-aaral nang matindi, dahil marami akong insecurities na ang aking naiisip na makakatakip noon ay ang matataas kong grades.
I was also too sheltered in life, thus it was true that I lacked knowledge of the real world. Na sa tunay na buhay ay napakahina ko. Mabilis akong mapaniwala, mabilis magpatawad, at madaling matukso. Pero may nakakalimutan na isang mahalagang bagay si Dessy... Iyon ay ang aking pagiging isang ina.
BINABASA MO ANG
South Boys #4: Troublemaker
RomanceHe is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are completely opposite... yet unexpectedly ended up in some kind of weird "secret" relationship. South Boys...