Chapter 67

77.4K 4.5K 2.1K
                                    

I SHOULD CALL FOR HELP!


Walang malay tao si Hugo, at si Dessy lang ang kasama niya. Hindi maganda ang kutob ko. Walang akong ibang maisip na gagawin ni si Dessy kundi ang gumanti.


Ang kabog ng dibdib ko ay wala nang paglagyan. Kailangan kong humingi ng tulong. Pero paano? Tulog na ngayon ang mga tao rito. Kung gigisingin ko pa isa-isa sina Mommy, Daddy, at sina Kuya Jordan ay tiyak na kakain pa iyon ng oras. Hindi ko yata kayang magsayang pa kahit minuto, knowing na naroon na si Dessy sa mismong bahay ni Hugo.


Sinunod ko na lang ang aking sa tingin ay mas makabubuti sa mga oras na ito. Madali akong lumabas ng bahay. Sakto na may dumaang taxi. Pinara ko agad iyon. Pagsakay na pagsakay ay saka ako tumawag sa cellphone ni Kuya Jordan. Nakalabas na ng subdivision ang taxi bago sumagot ang kapatid ko. "Kuya, please call the police! Papunta ako ngayon sa bahay ni Hugo, at naroon si Dessy!"


Buong biyahe ko kausap si Kuya Jordan habang humahangos ito sa pagbibihis at pag-aalala sa akin kung bakit ako umunang umalis. Ipinaliwanag ko rito na importante ang oras, dahil posibleng ano mang pagkakataon ay mapahamak si Hugo, lalo at walang laban ang lalaki ngayon kay Dessy. He was still sick.


Nagising na rin daw sina Mommy. Si Carlyn na ang kausap ko sa phone. Papunta na raw sila rito ni Kuya Jordan. Maiiwan sa bahay sina Hyde at Mara kina Mommy at Daddy. Ngayon lang din sila nakahingi ng tulong, dahil madalas talaga na mahirap maka-contact sa police station.


Nang naroon na ako sa subdivision kung saan ang bahay ni Hugo ay nagpahinto ako sandali sa guardhouse. Humingi ako ng tulong sa inaantok na guard. Ang kaso lang ay dala pala ng kasama nitong guard ang motor, kaya susunod na lang daw ito. Hindi rin naman ito sumabay sa taxi dahil hihintayin pa yata ang kasama.


Sa bahay ni Hugo ay bumaba na agad ako. Ayaw ko pa sanang paalisin ang taxi driver kaya lamang ay parang natakot ito. Akala siguro ay maraming kalaban. Naiintindihan ko naman dahil naghahanap-buhay lang ito. Sa pagpa-panic ay hindi na rin ako nakapagpaliwanag.


Pinagana ko ang isip bago gumawa ng hakbang. Hindi ako gumawa ng ingay sa pagpasok sa madilim na kabahayan. Ayaw ko na maalerto si Dessy. Palaisipan pa rin sa akin paanong nagkasusi ito. Sino ang nagbigay rito?


Nagyapak ako papasok sa loob. Sa kusina ako dumaan dahil naka-lock ang pinto sa harapan. Mabuti at naroon pa rin ang duplicate key sa pinagbaunan ko banda sa may halamanan.


Hindi rin ako nagbukas ng kahit anong ilaw pag-akyat ko sa second floor. Ang lakas-lakas ng kabog ng aking dibdib habang palapit sa pinto ng master bedroom. Bukas iyon.


Naghanap muna ako sa paligid ng puwede pang-self defense. Mahirap na dahil baka naghihintay lang pala sa akin si Dessy sa loob.


Isang maliit na vase ang aking natanaw. May tuyot na halaman iyon na akin na lang binunot. Bitbit ko iyon nang tunguhin ang pinto. Sumilip muna ako para lang matigagal sa makikita.


Bukas ang lampshade sa loob. May mapusyaw na liwanag na dahilan kaya nakikita ang nangyayari. Nakahiga pa rin si Hugo sa kama. Wala pa ring malay tao. Pero hindi iyon ang nagpanginig sa katawan ko, kundi dahil nakataas na ang suot niyang shirt at nakababa ang suot niyang pajama!

South Boys #4: TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon