Chapter 60

82.1K 4.8K 2.5K
                                    

I WILL MAKE YOU LOVE ME AGAIN.


When did Hugo Emmanuel Aguilar know that I had feelings for him? When did he realize it? And why didn't he do anything about it?


I remembered whispering to Hugo that I love him on the last night of our honeymoon in Taal Vista. If he heard it or not, I had no idea. Hindi ko na iyon inulit banggitin, at wala nang balak banggitin pa. Ayoko na.


Ang sabi niya ay mahal niya ako. Pero bakit mas lalo lang akong nasaktan? Bakit parang mas gusto ko na lalong magalit. I didn't know what he was scheming right now, but to be honest, I didn't care anymore.


Hugo left the room after we talked. Iyong cellphone niya ay inabot niya sa akin. Sinabi niya ang password na birthday ni Hyde. Hindi ko na siya natanong kung para saan. Ano ang gagawin ko sa cellphone niya?


Anong oras na ay hindi pa bumabalik si Hugo sa kuwarto. Nang sumilip ako sa terrace ay nakita ko siya na nakatayo sa dilim habang tumutungga ng alak sa shot glass.


Napapitlag ako nang magsalita siya. "Pumasok ka, malamig dito."


Hindi siya lumilingon. Nakatalikod pa rin sa akin, pero alam niyang nasa likod niya ako.


"Pumasok ka na. Tabihan mo na si Hyde. Magpapalamig lang muna ako, susunod ako mamaya."


Nang lumingon siya sa akin ay nakangiti siya, pero ang magandang uri ng mga mata niya na kakulay ng kalangitan tuwing gabi, ay hindi.


"Don't worry, Jillian, hangga't hindi tayo nagkakaayos, hindi ako gagawa ng kahit anong hindi mo pahihintulutan."


Tumango ako. Binalikan ko si Hyde sa master's bedroom at tinabihan. Hindi ko na namalayan kung anong oras pumasok si Hugo. Nagising na lang ako kinabukasan na mag-isa sa kama, at maayos ang pagkakakumot ko.


Tinanghali na naman ako ng gising. Pagtayo ko ay nakaramdam na naman ako ng hilo. Palagi na lang akong ganito, ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.


Ang mga mata ko ay natuon sa bedside table. Napakurap ako nang makita roon ang isang tangkay ng pulang rosas. May note iyon na kasama. Sulat-kamay na parang kinahig ng manok. Hindi ganito ang sulat ni Hyde kaya alam ko na agad kung kanino ito.


'Kailan ka ba gigising? Panglimang balik ko na.' – H.E.A.


Nangunot ang noo ko. Para saan ang note na ito? Anong eksena niya?


Bakit hindi na pa-text message or chat? Ah, right, I suddenly remembered that he gave me his phone last night. I looked for it in the drawer, and it was still there. Hindi niya pa kinukuha.


Paglabas ng kuwarto ay naulinigan ko ang mga boses sa ibaba. They were playing chess in the living room. Napangiti ako dahil naririnig ko na ulit ang boses ni Hyde.


Nagbubunga na ang matiyagang pag-aasikaso ni Hugo anak namin. Iyon ang aspeto na wala akong masasabi, dahil perpekto roon si Hugo.

South Boys #4: TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon