"IS IT HIM, RIGHT?"
Alam ni Harry. Hindi ko alam kung kailan pa. Kahit tinatanong niya sa akin, alam kong alam niya ang sagot. He just wanted to hear it from me.
Siguro noon niya pa alam. Kaya ganoon na lang siya makatitig sa mukha ni Hyde habang lumalaki ito. Pero kahit kailan ay hindi siya nagbanggit sa akin. Ngayon lang.
"Whatever your reasons are, I understand, Jillian."
"Akala ko hindi na kami magkikita pa. But, he's back now. Kahit hindi niya nakasama si Hyde at nakitang lumaki, hindi mababago na siya ang ama—"
Itinaas niya ang isang kamay bilang pakiusap na huminto ako sa pagsasalita. "It is me," nakangiting sabi niya, bagaman hindi umabot ang ngiting iyon sa kanyang mga mata.
May lambong sa mga mata ni Harry. Ibinato niya ang paningin sa ibang direksyon habang hindi nabubura ang ngiti sa kanyang mga labi.
"I am Hyde's father, Jill. Please, don't take that away from me."
TUESDAY. Maaga akong gumising sa kabila ng aking kakulangan sa tulog. I thought about Harry's words before he left last night.
Ngayon ang ikalawang araw sa sinabi ni Hugo na tatlong araw na palugit. Ganoon kaiksi. And he didn't bother to give me an extension. Although hindi rin naman ako humingi.
Lutang pa rin ako at hindi alam kung saan mag-uumpisa. Ni hindi ko pa rin nasasabi kay Harry ang tungkol sa gusto ni Hugo na mangyari. Or would he even listen to what I got to say to him?
Tiningnan ko kung may text o chat siya. Kung nakauwi ba siya nang maayos kagabi. Sa Messenger siya may message. Kanina iyong alas sinco ng madaling araw.
Harry Caesar: I love you. Pabalik na ako ng Manila. Please eat breakfast when you wake up. Wag puro kape lang.
I typed a reply even though he was already offline.
Me: Kumain ka rin bago mag-work. Ingat ka riyan. See you on Sunday. ❤
Nag-half day ako sa online work ko. Kaunti lang din ang files ngayon kaya walang gaanong trabaho. Katatapos ko lang maghugas ng pinagkainan namin sa lunch nang mag-ring ang phone ko. Napalunok ako nang makita na si Tita Eva ang tumatawag. Harry's mom.
Bihira ang babae na tumawag sa akin. Kapag tumatawag ay alam ko na agad na meron siyang hindi nagustuhan. Bumalik muna ako sa kuwarto bago sinagot ang tawag. Ayaw ko na may makarinig ng pinag-uusapan namin, lalo na si Mommy, dahil mag-aalala lang ito.
[ Hello, Jillian? Biglang umuwi si Harry dito sa Tagaytay kagabi! Ikaw ba ang nagpauwi sa kanya? Alam mong may trabaho siya sa Manila, bakit mo siya pinauwi?! ]
Magsasalita sana ako para sabihing nagulat din ako sa pagdating ni Harry, kaya lang ay katulad ng parati, hindi ako nakasingit kay Tita Eva.
BINABASA MO ANG
South Boys #4: Troublemaker
RomanceHe is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are completely opposite... yet unexpectedly ended up in some kind of weird "secret" relationship. South Boys...